1103 Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumingala si Qu Xin Rui!

Sa ituktok ng pader ng tarangkahan ng Thousand Beast City, isang munting anyo ang dakilang

nakatayo, ang mukha ay salungat sa hangin, ang sulyap ay sinlamig ng yelo, ang itim na buhok

ay nagwawagayway sa likuran. Napakaliit ng anyon iyon, ngunit iyon ay nagdala ng takot sa

puso ng mga tao.

"Jun Xie!" tinitigan ni Qu Xin Rui si Jun Xie na nakatayo sa ibabaw ng pader ng siyudad,

bahagya siyang nagulat.

Hinintay niya ng ilang araw si Jun Xie na magpakita at hindi niya naisip na biglang magpapakita

doon si Jun Xie sa napakagulong eksena sa kaniyang harapan!

Matinding nagulat si Xiong Ba nang makita si Jun Xie at mayroon siyang nais sabihin ngunit

pakiramdam niya ay hindi niya nararapat na tawagin ang bata. Ang tanging nagawa niya ay

tumayo lamang doon na nakakuyom ang kamao at matindi ang kahihiyan.

Ang malamig na mata ni Jun Wu Xie ay natuon kay Qu Xin Rui at hindi na ito tumingin kahit

kanino.

"Isang pagkakataon na nagpunta ka ngayon dito. Naisip ko na hindi mo na gusto ang iyong

Spirit Beast." tumatawang sabi ni Qu Xin Rui. Ngayong nakita niya si Jun Xie ay hindi siya

nakaramdam ng kahit kaunting takot, sa halip ang puso niya ay napuno ng kasiyahan. Hindi na

mahalaga kung mawala ang Thousand Beast City, hangad hawak niya ang linya na nag-uugnay

sa Fire Country, ay magagawa niyang magmando ng mas malakas na puwersa.

"Huwag kang mabahala, ang iyong Spirit Beast ay nasa akin pa rin. Inalagaan ko itong mabuti

at hindi ko hinayaan na magdusa ito sa anumang paraan." nakangiting sabi ni Qu Xin Rui.

Kaniyang sinulyapan ang mga tao ng Thousand Beast City at sinabi: "Ngunit ngayon ay hindi

magandang araw para tayo'y mag-usap. Papayag ba ang Young Master Jun na hintayin ako at

madali kong haharapin itong mga suwail na aso bago tayo maupo at mag-usap? Pagkatapos ng

lahat ng ito ay nasa atin lahat ng oras sa mundo."

"Nakakaawa, hindi ko gustong sayangin ang aking hininga sa isang naksusuklam na babae."

saad ni Jun Wu Xie, malamig na tumawa.

Ang ngiti sa mukha ni Qu Xin Rui ay biglang nabura, habang ang kaniyang mga mata ay

disgustong naningkit.

"Jun Xie, pinakitunguhan kita ng may paggalang at mas makakabuting alamin mo kung saan ka

lulugar. Ano ngayon kung ikaw ang Emperor ng Fire Country? Huwag mong kalimutan, ikaw ay

narito sa Thousand Beast City! Wala kang milyong mandirigma sa iyong likuran. Kung hindi mo

pa rin alam kung ano ang mas makakabuti sa'yo, galitin mo pa ako at hindi kita pakikitaan ng

awa. O sinasabi mo ba sa akin…"

Natuon ang pansin ni Qu Xin Rui sa blankong mukha ni Qu Wen Hao.

"Na makikialam ka sa mga bagay na hind mo naman dapat pinapakialaman?"

Sumagot si Jun Wu Xie: "Kahit ano pa ang nais kong gawin, wala ka sa posisyon para

magsalita."

Biglang tumawa ng malakas si Qu Xin Rui. "Masyado kang isip-bata Jun Xie. Ano ba ang ginawa

sa iyo ng Thousand Beast City? Huwag mo kalimutan, ang iyong Spirit Beast ay personal na

dinala sa akin ni Qu Wen Hao mismo. Kung hindi dahil sa kaniya, paano ko mapupuwersa ang

isang Guardian Grade Spirit Beast na manatili sa aking tabi?"

Ang tinuran ni Qu Xin Rui ay nagdulot sa mga tao na mapasinghap sa matinding pagkagulat.

Hindi silang lahat ay nakita na si Jun Xie, ngunit narinig na nila na ang batang iyon ay

nagmamay-ari ng isang Guardian Grade Spirit Beast na nagpakita sa Spirit Beast Arena at hindi

nila naisip na ang batang iyon ay si Jun Xie. Ngunit mas ikinagulat nila na ang kanilang Grand

Chieftain ay magagawang nakawin ang Spirit Beast mula kay Jun Xie at dalhin iyon sa kamay ni

Qu Xin Rui!

Walang kahit anong bakas ng galit sa mata ni Jun Wu Xie, patuloy lamang nitong tinitigan ng

kalmado at nakakakilabot si Qu Xin Rui.

Napansin ni Qu Xin Rui na wala siyang nakukuha na kahit anong rekasyon kay Jun Xie at lihim

na nangalit ang kaniyang mga ngipin at kaniyang sinabi: "Huwag mo sabihin sa akin na

tinutulungan mo ang Thousand Beast City, kinalimutan ang nagdaan na kawalang hustisya na

iyong pinagdusahan, lahat ng iyon para lamang sa kapakanan ni Qu Ling Yue? Kung gayon ay

mas nakakaawa iyon. Ang malinis at walang bahid na munting babae sa iyong puso ngayon ay

isang luma at wasak na sapatos na ginamit at inabuso. Alam mo ba kung bakit ginagawa lahat

ni Qu Wen Hao ang aking inuutos? Na pumayag pa siyang gamitin ang Spirit Taming Bone

Flute upang ihatid sa aking mga kamay ang iyong Spirit Beast?"

Naningkit ang mga mata ni Qu Xin Rui, isang masamang kislap ang bumanaag.

"Dahil pinakita ko mismo sa kaniya ang kaniyang pinakamamahal na anak, sa harapan mismo

ng kaniyang mga mata, ay dinungisan ng isang grupo ng mga lalaki! Ha ha ha!"

avataravatar
Next chapter