1102 Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa ilalim ng makadurog puso na tawani Qu Wen Hao, ang mga mamamayan na sinupil at inapi

ng ilang taon ay biglang nakaramdam ng daluyong ng galit sa kanilang dibdib!

Hindi alintana kung kabilang sa mga iyon ang mga takot na kababaihan, kasama ang kanilang

kapamilya, lahat ng mga tao ay humakbang sa harap ng mga kababaihan, patong-patong na

pader ng mga tao ang mabilis na nabuo habang hinarangan ang mga kababaihan sa likuran

nila na nagdusa ng walang hanggan na pagpapahirap sa mga nakaraang taon!

Bahagyang sumimamngot ang mukha ni Shen Chi, habang tinitingnan niya ang malaking

kumpol ng mamamayan na nakatayo sa kaniyang harapan, hinarangan ang kaniyang daan, ang

ngiti sa kaniyang labi ay unti-unting napalis, isang masamang kislap ang umusbong sa kaniyang

mga mata.

"Ano ang ginagawa ninyong lahat?" nakangising tanong ni Shen Chi.

"Hindi namin hahayaan na g=bihagin mo silang muli! Sila ay mamamayan ng Thousand Beast

City! Tungkulin namin na protektahan sila at siguraduhin na hindi na sila magdurusa sa

anumang uri ng panganib!" tinipon ng isang matangkad na lalaki lahat ng kaniyang tapang at

galit na sumigaw.

Malamig na tumawa si Shen Chi at sinuntok ang lalaking iyon sa kaniyang dibdib, kulay lila na

spirit power ang bumalot sa kaniyang kamao. Ang mabigat na suntok na iyon ay tumagos sa

didbdib ng lalaki!

Isang malaki at madugong butas ang nakita sa katawan ng lalaki at tinakasan siya ng hininga,

ang mataas na katawan nito ay biglang bumagsak sa lupa na puno ng dugo.

"Mayroon pa bang gustong mamatay sa inyo?" tanong ni Shen Chi, naniningkit ang kaniyang

mata, habang ang enerhiya ng kaniyang Purple Spirit ay bumalot sa buong katawan niya. Ang

matalim na tingin ay sinuyod ang mga taong nakapalibot sa kaniya, ang nais na pumaslang ay

kitang-kita sa kaniyang mga mata.

Ngunit…

Bawat isang tao na nakatayo sa harapan ay hindi na hinayaan na maduwag sa kapangyarihan

ng Purple Spirit.

Pinagtiisan nila iyon sa loob ng maraming taon at ano ang kanilang napala? Ilang taon ng

kahihiyan na naging dahilan upang sila ay manatiling tahimik. Ang kasamaan ni Qiu Xin Rui ay

nagawa na ipakita ng malinaw sa kanila na kahit magpatuloy sila bilang mga walang utak na

tau-tauhan ay hindi pa rin nila magagawang protektahan ang kanilang pamilya.

Sa harapan ng isang walang pusong demonyo, ang mga taong iyon ay pinili na huwag ng

magtago!

Ang mga mamamayan na iyon na sa wakas ay nakasama na ang kanilang kapamilya ay

nagpakatatag na hindi na nila hahayaan na ang kanilang mga asawa at nanay na itulak muli sa

apoy!

Sa loob ng mga taon na iyon, pinili nilang maging tahimik, pinili nilang sumunod. Ngunit

ngayon, hindi na sila mananatili sa kaduwagan na iyon!

"kung ganoon ka nga talaga kalakas, kung gayon ay patayin mo kaming lahat! Ngayon! Hindi

ka namin hahayaan na kumuha maski isang tao at ilayo sa Thousand Beast City!" bigla ay

naglakad palabas sa karamihan ng mga tao si Xiong Ba. Tumayo siya sa pinakaharapan ng

lahat, diretsong nakatitig kay Shen Chi.

Minsan na niyang iniwan ang kaniyang kakampi, minsan naging duwag. Ngunit ngayon, hindi

na niya papayagan na magpatuloy mabuhay sa kahihiyan!

Hindi bale ng mamatay ng matuwid, kaysa mabuhay na nakaluhod!

Napangiwi sa matinding galit ang mukha ni Qu Xin Rui. Ang pag-aaklas ng buong Thousand

Beast City ay nagsindi ng nag-aapoy na galit sa kaibuturan ng kaniyang puso.

"Magaling! Lahat kayo ay gusto akong kalabanin, tama? Kung gayon lahat kayo ay

mamamatay! Lahat kayo ay malinaw akong pakinggan! Ngayon, ililibing ko ang buong siyudad

sa lupa, gusto kong marinig ang salita na naglaho sa ibabaw ng lupa ang Thousand Beast City!"

Sumasabog sa matinding galit, ang Purple Spirit na enerhiya ay nagliwanag mula sa katawan ni

Qu Xin Rui. Ang dalawang lalaki na mula sa Soul Return Palace na nasa kaniyang likuran ay

naglabas din ng spirit energy. Ang malakas na kapangyarihan ng Purple Spirit ay nagdulot sa

paligid na maging napakabigat, ang hindi mailarawan na mapaniil na aura ay nagdulot sa mga

taong nasa paligid na mahirapan sa paghinga, at ang sakit ay puminsala sa kanilang katawan.

Ngunit nangalit ang kanilang mga ngipin at nagtagis ang mga bagang, hindi nais na baluktuting

muli ang kanilang mga likod!

Ang mabuhay ng napakaraming taon na walang layunin, ang lahat ng iyon ay tama na!

Sa huling pagpapakita nila ng karangalan at dignidad, mas nanaisin nilang mamatay kaysa

sumunod!

Ang malakas at mapaniil na aura ay tila maraming pares ng mga kamay na sumusunggab sa

bawat lalamunan ng naroon. Mga butil ng pawis ay lumabas mula sa katawan ng lahat ng nasa

Thousand Beast City at sila ay nahirapang huminga!

"Bago mo lipulin ang siyudad, ang puntos sa pagitan natin dapat ay malinawan muna." Bigla!

Isang nakakakilabot at malinaw na boses ang narinig mula sa ituktok ng tarangkahan ng

siyudad!

avataravatar
Next chapter