1113 Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (15)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napakislot ang puso ni Xiong Ba. Naisip niya na hindi na siya kakausapin ni Jun Xie sa buong

buhay niya.

Naguluhan si Xiong Ba sa mga sinabi ni Jun Xie at iyon ay gumulat rin. Nasaksihan niya mismo

ang mapaniil na kapangyarihan ni Jun Wu Yao na nagpatumba sa apat na Purple Spirit sa ilang

sandali lang at batid niya na ang tunay na kapangyarihan ni Jun Wu Yao ay higit pa sa maliit na

nakita niya.

Nang mga sandaling iyon, ang puso ni Xiong Ba ay sinunggaban ng takot nang mapagtanto

kung gaano siya kaswerte.

Sa kabutihang-palad…

Sa kabutihang-palad ay nagpatuloy si Qu Xin Rui na salungatin si Jun Xie.

Sa kabutihang-palad ay pareho sila ng kaaway ni Jun Xie, kung hindi, sila ay posibleng matulad

sa naging tadhana ni Qu Xin Rui.

Nayanig at puno ng pagsisisi, malalaki ang hakbang na naglakad si Xiong Ba patungo sa ibaba

ng pader ng siyudad. Sa harap ng lahat, isang malakas na kalabog na napaluhod siya sa

harapan ni Jun Xie.

"Ang kabaitan at awa na ipinakita ng Young master Jun sa Thousand Beast City ay hindi

kailanman malilimutan ng aming mga tao. Nakagawa ang Thousand Beast City ng isang

matinding kahihiyan laban sa iyo Young Master Jun, ngunit kami ay maswerte na ang Young

Master Jun ay hindi nabuhay sa nakalipas na kasalanan at iniligtas ang aming mga tao mula sa

malalim na kaguluhan. Humihiling ako sa Young Master Jun na tanggapin ang aking malalim na

pagyuko mula sa aking mapagkumbabang sarili!" bigla ay yumuko nang mababa si Xiong Ba sa

harap ni Jun Xie, ang mabilis at matatag na kilos nito ay agad na magpaagos sa dugo nito mula

sa kaniyang noo, ngunit wala siyang kahit kaunting intensyon na huminto.

Malaki ang pagkakautang nila kay Jun Xie sa paulit-ulit na pagsagip sa kanilang ng munting

bata. Ang inasal ni Jun Xie na suklian ang hinanakit ng kabaitan ay nagdulot sa kaniya nang

pakiramdam na tila hindi mabilang na yantok ang humahagupit sa kanilang puso, ang kanilang

konsensya ay pinahihirapan sa ilalim ng matinding paghihirap.

Ang malamig na tingin ni Jun Wu Xie ay dumako kay Xiong Ba na nakaluhod sa lupa.

Nakapalibot kay Xiong Ba ay ang mamamayan ng Thousand Beast City na nabawi na ang

kanilang mga sarili at bigla ay nagising. Si Qu Xin Rui ay napatumba na at tinanggalan ng

kakayahan at ang kaniyang mga tauhan ay tuluyan ng naglaho. Sa wakas ay malaya na sila

mula sa higit isang dekada na bangungot na nameste sa kanila1

Sa isang saglit, lahat ng nasa harapan ng tarangkahan ng Thousand Beast City ay hile-hilerang

lumuhod sa harapan ng pader!

"Maraming salamat Young Master Jun sa pagtulong sa amin na makawala sa aming suliranin!"

"Maraming salamat…"

"..."

Ang nagpapasalamat na mga boses ay isa-isang umalingawngaw, pinuno ang kalangitan sa

itaas ng Thousand Beast City . Ang mga taong ay nagdusa ng matinding pagpapahirap na hatid

sa kanila sa ilalim ng malupit na si Qu Xin Rui at ngayon sila ay malaya na. Hindi na nila

kailangan matakot sa kalupitan ni Qu Xin Rui at hindi na nila kailangan na malayo sa kanilang

mga asawa! At hindi na sila kailangan na magtungo sa Heaven's End Cliff na ang ibig sabihin ay

kamatayan sa kanila!

Mamumuhay na sila nang maayos tulad ng isang tao sa ilalim ng araw!

Lahat sa buong Thousand Beast City ay malinaw na nalalaman. Kungdi dahil sa eksaktong

pagdating ni Jun Xie, kahit silang lahat ay determinadong lumaban hanggang kamatayan,

gamit ang kanilang hamak na kapangyarihan, ay hindi pa rin sapat upang patumbahin si Qu Xin

Rui. Sa huli, ang tanging makukuha nila, ay ang nawalang dignidad at kamatay at pagdanak ng

dugo bilang sakripisyo!

Sa huli…

Ang Thousand Beast City ay mapupuksa ni Qu Xin Rui sa isang walang awang pagpatay.

Si Jun Xie ang nagligtas sa kanila, ang nagbigay sa kanila ng bagong pag-asa at pagkakataong

mabuhay!

Ang napakaraming boses ay sabay-sabay na umiiyak sa pagpapasalamat, at sa pagitan ng

paulit-ulit at basag na pagtangis, ay nakita ang lahat ng sakit at naipong kapaitan sa

kaibuturan ng kanilang puso.

Sa libong magalang na nakaluhod sa kaniyang harapan, ay walang bahid ng saya o ekspresyon

ng karangalan sa kaniyang mukha. Bahagya siyang napasimangot at tumingin kay Jun Wu Yao

na nasa tabi niya.

"Dalhin mo ako sa Heavenly Cloud Chambers."

Panandaliang kumislap ang mat ni Jun Wu Yao ngunit wala siyang sinabi na kahit ano, ikinawit

niya ang kaniyang braso paikot kay Jun Wu Xie at kinarga siya bago tinapik ng maarahan ang

kaniyang paa sa lupa at lumipad palayo sa pader ng siyudad!

Tumingala si Xiong Ba, tumingin sa nilisan na direksyon ni Jun Xie at Jun Wu Yao at ang

kaniyang puso ay biglang naligalig sa gulat.

Iyon ang eksaktong direksyon kung nasaan ang Heavenly Cloud Chambers!

Doon ikinulong ni Qu Xin Rui ang Spirit Beast ni Jun Xie at itinago sa silong ng Heavenly Cloud

Chambers…

avataravatar
Next chapter