1110 Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (12)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang bangungot na sumunggab ng ilang taon sa Thousand Beast City ay unti-unting nawawala

sa palahaw na iyon!

Takot na takot si Shen Chi habang pinapanood si Qu Xin Rui na bumagsak sa sarili niyang dugo.

Bagama't ang kapangyarihan ni Qu Xin Rui ang pinakamahina sa kanilang apat, ngunit hindi

masasabing sobrang hina niya kung makikipaglaban sa kaniya, at imposibleng patumbahin siya

sa maigsing oras lamang.

At huwag kalimutan, sa pamamagitan lamang nang paggalaw ng isang daliri…

Kung sasabihin na takot si Shen Chi kay Jun Wu Yao, kung gayon ang dumakma sa kaniyang

puso ng mga sandaling iyon ay maaaring ilarawan bilang isang puro at lubos na takot!

Ang ngiti sa mukha ni Jun Wu Yao ay hindi nabawasan kahit bahagya, ngunit bakas sa mata

nito ang hangarin nito na pumaslang ay mas nagiging matindi, naudyukan sa makapal na amoy

ng dugo na humahalo sa hangin.

"Bagama't nais kong durugin lahat ng buto sa iyong katawan nang paunti-unti, ngunit nais ni

Little Xie na mabuhay ka, hahayaan kitang mabuhay nang mas matagal." Ang kilabot ng mga

salita ay lumabas mula sa magandang labi ni Jun Wu Yao. Nais ni Jun Wu Xie na iwan siyang

buhay, kaya iiwan niya itong buhay. Ngunit… ang bibig na iyon na nangahas na dumihan si Jun

Wu Xie ay hindi na niya nais na manatili pa ng isang minuto.

Gayon pa man…

[Hangga't hindi siya mamamatay, ayos na iyon. Tama ba?]

Bahagyang pinihit ni Jun Wu Yao ang kaniyang ulo at ang kaniyang sulyap ay naghangad ng

pagpaslang nang tingnan si Shen Chi at ang dalawang lalaki sa kaniyang likuran.

Pakiramdam ni Shen Chi, lahat ng dugo sa kaniyang katawan ay naging yelo, na sa sobrang

lamig ang ngipin niya ay nagsimulang manginig!

"Si… Sino… Sino ka bang talaga…" nanlamig ang buong katawan ni Shen Chi. Ang tanging alam

niya, ang lalaki sa kaniyang harapan ay nakakatakot kaysa sinuman na nakilala niya sa

kaniyang buhay!

Ang lubos at matinding kapangyarihan na kayang magpatumba ng isa sa kasuklam-suklam na

desperasyon, na kahit ang kanilang Lord of The Palace ay hindi maikukumpara maski kaunti!

Walang maramdaman ni Shen Chi kahit kaunting spirit power kay Jun Wu Yao, ngunit ang

matindig lakas nito ay hindi maikakaila.

[Sino ba ang lalaking ito?]

[Sa uri ng kapangyarihan nito, maski ang mula sa Middle Realm ay hindi siya kayang

kalabanin!]

Naningkit ang mata ni Jun Wu Yao at bahagyang itinaas ang kaniyang kamay. Isang itim na

usok ang lumabas mula sa kaniyang palad, at nang matipon ay naging isang malaking itim na

dragon, na biglang lumundad patungo kay Shen Chi at sa dalawang lalaki!

Sa sandaling makita ni Shen Chi ang itim na dragon, ang utak niya ay sumabog sa kaniyang

napagtanto!

Minsan na niyang narinig ang alamat tungkol sa gayong tao, na lumagpas sa realm ng spirit

powers at nagtataglay ng lakas na walang sinuman ang nakakakita pa, dinurog ang hindi

mabilang na puntos ng pinakamalalakas na mandirigma!

Ang lakas na taglay ng lalaking iyon, ay hindi spirit power, ngunit isang itim na sangkap na

mauutusan nito sa kaniyang kagustuhan, at nagdala ng walang katapusan na bangungot sa

mga tao!

Sa aprehong sandali na ang itim na dragon ay lumilipad patungo kay Shen Chi ay nakita ni

Shen Chi ang kaniyang katapusan. Ang huling bagay na nakita niya ay si Jun Wu Yao na may

mala-demonyong ngiti sa kaniyang labi at sa pares ng itim na matang iyon na nakatingin sa

kaniya ay isang kulay lila na liwanag ang lumabas!

Sa ilang sandali, isang malaking itim na dragon ay nilunok nang buo si Shen Chi at ang

dalawang lalaki!

Pulang dugo ang sumabog sa loob ng itim na usok na lumamon sa kanila, habang malakas na

palahaw at kaawa-awang panaghoy ang narinig mula sa mga lalaki kasabay nang pagkagutay

sa kanilang laman at paglabas ng dugo ay ang malutong na tunog ng pagkadurog ng buto na

lumalabas mula sa itim na usok!

Sa loob ng itim na umiikot na usok, mapusyaw na kulay ng dugo ang makikita, ngunit lahat ay

nasa loob ng usok, tila isang galit na buhawi, dinudurog ng paunti-unti sa napakalakas na

nakamamatay na pag-ikot!

Nangangatal sa matinding sakit si Qu Xin Rui habang nakahiga siya sa lupa, walang magawa na

pinapanood si Shen CHi at ang dalawang Purple Spirit na kasama na ginigiling ng itim na usok

hanggang sa maging dugo…

Nanlaki ang kaniyang mga mata, ang puso niya ay halos lumabas sa kaniyang dibdib!

avataravatar
Next chapter