1108 Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (10)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Limang Purple Spirits!

At napakabata pa nila!

Kahit si Xiong Ba na may pagkakataon na makasalamuha si Qiao Chu at ang iba pa noon, ay

biglang nabaghan sa ipinakitang spirit powers ng mga kabataan!

Nang mga sandaling iyon, ang puso ni Xiong Ba ay napuno ng pagsisisi. Doon niya napagtanto

kung saan nagmumula ang kahinahunan ni Jun Xie. Ang bata ay hindi lamang umasa sa

kaniyang katalinuhan, pati na rin sa hindi kilalang mga alas na hawak niya sa kaniyang kamay!

Kapag ang ganoong katinding kapangyarihan ay nasamahan ng katalinuhan, ang resulta ay

isang bagay na higit pa sa sinuman sa kanila ang maisip.

At ngayon na naaalala niya, ang mga ikinilos ni Qu Wen Hao noon, ay tlagang nakakatawa.

Kung nagawa lamang nila na magtiwala ng mas malaki kay Jun Xie, kung sa simula pa lamang

ay pinag-usapan nila ni Jun Xie ang bagay tungkol kay Qu Xin Rui, kung gayon ang mga bagay

na iyon ay hindi mangyayari!

Napagtanto ni Xiong Ba at Qing Yu ang kanilang kahibangan noon, na nagtulak sa Thousand

Beast City na mahulog sa isang nakakatakot na kailaliman. Dahil sa sarili nilang mga kamay na

ang kanilang pinakainaasahan na kakampi ay pinutol ang uganayan sa kanila!

Walang katapusang pagsisisi ang dumaluyong sa dibdib ni Xiong Ba at Qing Yu. Ngunit sa

puntong ito, kahit gaano kalaking pagsisisi pa ang kanilang maramdaman ay hindi nito

mababago ang kahit ano.

Dahil simula nang magpakita doon si Jun Wu Xie, ang kaniyang tingin ay hindi nalipat sa kung

kanino pa man. Sa mata ni Jun Wu Xie, ang thousand Beast City ay wala na sa posisyon o

lugar!

Sila ay isang grupo ng mga masasamang taksil!

"Haha, patawad sa sasabihin ko. Bagama't nais namin kayong lahat na mga basura dito na

personal na paslangin, ngunit ngayon, tila mayroong isa na mas nagnanais na kunin ang buhay

ninyong mga tuta." uyam na saad ni Qiao Chu, kalmado sa gitna ng kaguluhan habang

nakatingin kay Shen Chi, ang braso ay nakakrus sa kaniyang dibdib.

Tumaas ang kilay ni Shen Chi.

Bigla!

Isang matangkad at payat na anyo ang dahan-dahang bumaba mula sa hangin upang tumayo

sa harapan ni Jun Wu Xie.

Isa iyong kaakit-akit na lalaki, ang perpektong anyo nito ay hindi kakikitaan ng bakas ng

dungis, para bang siya ang pinakamagandang nilikha ng Heavens. Napakaganda ng kaniyang

pagdating, ang kaniyang kilos ay elegante at dalisay, lahat ng mata'y naakit na tumingin sa

kahanga-hanga nitong pagkatao.

"Little Xie, sigurado ka ba na nais mo na ako'y kumilos?" banayad na tanong ni Jun Wu Yao

habang dahan-dahan itong tumabi kay Jun Wu Xie. Sa napagkasunduan nila ni Jun Wu Xie

bago ang lahat ng ito, siya ay manonood lamang sa itaas ng ere, ngunit bigla ay nagbago ang

iip ni Jun Wu Xie.

"Gusto ko siyang buhay." mapanganib na naningkit ang mata ni Jun Wu Xie. Matapos isiwalat

ni Qu Xin Rui ang tungkol kay Qu Ling Yue, ay agad binura ni Jun Wu Xie ang mga nanunang

plano.

Hindi niya nais na paslangin ng ganoon kadali si Qu Xin Rui.

"Masusunod ang iyong hiling." isang ngiti ang bumanaag sa mukha ni Jun Wu Yao, habang

marikit nitong inangat ang munting kamay ni Jun Wu Xie at nagtanim ng magaan na halik sa

kaniyang palad. Matapos niyon, ay tumalikod na siya, ang kaniyang mga paa ay naglalakad na

animo'y naglalakad ito sa ibabaw ng lupa, ang kaniyang anyo ay kalmado, tila may hagdanan

sa ilalim ng kaniyang mga paa na walang sinuman ang nakakakita at iyon nakalatag sa lupa

mula sa pader ng siyudad, ang kaniyang mga hakbang ay mabagal, banayad at kapita-pitagan.

Naguguluhan na nakatitig si Qu Xin Rui sa kaakit-akit na lalaki. Marami na siyang nakitang

kaakit-akit na lalaki noon ngunit hindi kasingkisig at kaakit-akit tulad nito. Bago kay Jun Wu

Yao, ang grupo ng mga kalalakihan na pinaboran sa Heavenly Cloud Chambers bigla ay naging

putik na hindi bagay lumuhod sa paanan ng lalaking ito upang makipagkumpitensya sa

kaluwalhatian maski sa anong paraan.

Sa sandaling makita ni Shen Chi si Jun Wu Yao, bawat maliit na butas sa kaniyang katawan ay

naramdaman ang pagsiil hindi tulad ng mga naramdaman niya noon.

Naglalakad lamang si Jun Wu Yao pababa mula sa pader ng siyudad at nararamdaman nila na

para bang may isang gabundok na bato na napakabigat ang unti-unting dumadagan sa dibdib

ni Shen Chi at ng mga kasama niya!

avataravatar
Next chapter