877 Sampal Sa Mukha - Ika-siyam Na Anyo (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos noon ay sumagot siya: "Ang bagay na iyon ay walang kinalaman sa Qi Kingdom. Dahil lamang sa hiling ng Crown Prince kaya bukas-palad kong sinagip si Qu Ling Yue. Dahil sa ang insidenteng ito ay sa pagitan ng Yan country at Thousand Beast City, ang Lin Palace ay walang balak na masangkot doon. Ang Qi Kingdom ay hindi handa laban sa mga kalaban tulad ng Yan Country."

Biglang nagsalita si Qing Yu: "Naiintindihan ko Miss Jun ang pagmamalasakit mo tungkol sa bagay na ito at kami ay lubos na nagpapasalamat din sa tulong ng Crown Prince!"

Nang makita ang sarili na nakakuha siya ng pasasalamat sa kanila ay nagpagulat kay Lei Chen. Naisip niya na matapos mailabas ang katotohanan tungkol sa bagay na iyon, ang Thousand Beast City ay walang duda na magkakaroon ng matinding galit laban sa Yan Country. Ngunit ang mga pangyayari ay iba sa kaniyang naisip at walang malay na lumingon siya sa gawi ni Jun Wu Xie bago niya naintindihan ang lahat.

Kaniyang napagtanto na kaya pumayag si Jun Wu Xie na manatili doon at ipagpatuloy ang pagpapagaling sa kondiyon ni Qu Ling Yue ay hindi dahil sa kung anuman na kadahilanan kundi upang makuha ang karangalan sa insidente para sa kaniya!

Ang kaniyang mga salita ay mapapansin na kaya lamang nais niyang tumulong ay dahil sa hiling nito. At dahil doon, ang Thousand Beast City ay may utang na malaking pabor sa kaniya! Anumang laki ng poot mayroon ang mga tao nang Thousand Beast City laban sa Yan Country at sa Crown Prince, ang tanging mayroon lamang ngayon sa kanilang puso ay lubos na pasasalamat!

Ginawa ni Lei Chen lahat ng paraan upang makuha ang pabor ng Thousand Beast City, pinag-isipan din niyang maigi ang tungkol doon sa mahabang panahon, at hindi na niya mabilang kung gaano karaming pag-aasikaso na ang ginawa niya para kay Qu Ling Yue, ngunit ganunpaman, ang resulta ay walang halaga. Hindi niya kailanman naisip na ang ilang salita lamang ni Jun Wu Xie ngayon ang magpapanalo sa kaniya sa kaniyang matagal na hinahangad!

Nang mga sandaling iyon, ay tila nais ni Lei Chen maiyak sa matinding pagpapasalamat kay Young Miss Jun!

Kung hindi lamang isinilang si Jun Wu Xie sa Qi Country's Lin Palace, ay hindi siya magdadalawang-isip na humingi ng tulong sa kaniya.

"Hindi na kailangan magpasalamat. Si Qu Ling Yue at ako ay kapwa disipulo at ang makita siya sa ganoong estado ay masakit sa akin. At ngayon na ang kaniyang kalagayan ay mabuti na ay sapat na para sa akin." hindi tanga si Lei Chen at alam niyang kailangan niyang sunggaban ang pagkakataong ito.

"Anuman ang maging resuta nito sa huli, ikaw Your Highness, ay mananatiling kaibigan ng Thousand Beast City kailanman." Malakas na halakhak ni Xiong Ba habang hinampas sa dibdib ang kaniyang sarili.

Tumango si Lei Chen.

Matapos noon, si Feng Yue Yang at Jun Wu Xie ay nagpatuloy na sa pag-aalaga kay Qu Ling Yue.

Nang masaraduhan ang acupoint ni Que Ling Yue, iyon ay nagdulot ng matinding kaguluhan sa loob ng kaniyang katawan. Bagaman ang lahat ay bumalik na sa normal, ang kondisyon ng paulit-ulit niyang pagsuka ng dugo bago noon ay nagresulta ng hanggang sa ngayon ng kakulangan sa dugo. Ngunit dahil na rin sa Divine Doctors na si Feng Yue Yang at Jun Wu Xie na humahawak doon, ang isang simpleng sakit na tulad noon ay madali nilang malulunasan. Matapos ang ilang oras, ang dugo ni Qu Ling Yue ay tuluyan na ngang gumaling at inaasahan na magkakaroon na siya ng malay sa gabing iyon.

Naghanda na si Jun Wu Xie at Lei Chen na magpaalam kay Xiong Ba at sa iba pa.

Ngunit bago sila umalis, nag-alangan saglit si Lei Chen bago siya naglakad patungo kay Xiong Ba. "Hall Chief Xiong. Ako ay mapagpakumbababang hihiling mula sa iyo."

Sumagot si Xiong Ba: "Ikaw ay masyadong magalang Your Highness. Kung mayroon kaming magagawa para sa iyo, kailangan mo lamang sabihin ito Your Highness."

"Ang mga natamong pinsala ni Qu Ling Yue ay lumutang sa pagwawakas ng district Spirit Battle Tournament, at ang kabataan na kaniyang nakalaban ngayon ay nakakulong sa kulungan ng Imperial Capital. At ngayon na napatunayan na ang mga pinsala ni Qu Ling Yue ay walang kinalaman sa kabataan, ako ay umaasa na si Hall Chief Xiong ay tatayo upang depensahan ang kabataang iyon upang mabilis na nila itong mapalaya." Matindi pa rin ang pag-aalala ni Lei Chen para kay Jun Xie na itinapon sa kulungan, wala siyang kalam-alam na ang dahilan ng kaniyang pag-aalala ay kasalukuyang nakatayo tatlong hakbang mula sa kinatatayuan niya.

Saglit na nagulat si Xiong Ba at madali siyang sumagot: "Iyan ay aking gagawin. Siguradong nahihirapan na ang batang si Jun Xie na pagdusahan ang hindi naman niya kasalanan. Bukas na bukas din ay tutungo ako doon . Huwag kang mag-alala Your Highness."

Nang makuha ang sagot ni Xiong Ba, ay nakaramdam si Lei Chen ng ginahawa at matapos nilang magpaalam ay umalis na siya kasama si Jun Wu Xie.

"Nais kong ibigay sa iyo ang lubusang pasasalamat Miss Jun sa iyong tulong sa insidenteng ito." Sa loob ng karwahe, ay paulit ulit na sinasabi ni Lei Chen ang kaniyang pasasalamat kay Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter