875 Sampal Sa Mukha - Ika-siyam Na Anyo (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oh?" tumikwas ang kilay ni Jun Wu Xie, ang sulok ng kaniyang labi ay malamig na napangisi. "Nang alisin ko ang natakpan na meridians ni Qu Ling Yue noong nakaraan, ang sintomas niya ay tuluyang nawala. Ngunit nakakapagtaka na matapos lang ang isang gabi ay nagdusa na naman siya sa kaniyang mga pinsala. Maliban na lang kung may isang tao na muling nagsara ng kaniyang meridians ng gabing iyon din, dahil kung wala ay hindi mangyayari ang sitwasyon na ito."

"Nagtataka lamang ako sa isang bagay. Ang buong grupo ng manggagamot na narito ay ginawa ng mga nakaraang araw at gabi upang gamutin si Qu Ling Yue, lahat kayo ay nagtalaga ng oras sa bawat isa upang mabantayan siya. Kaya sino ang lihim na gumawa noon sa kaniya? Wala bang nais sabihin si Imperial Physician Li tungkol sa bagay na iyon?" nakangiting tanong ni Jun Wu Xie, ang kaniyang mata ay malinaw na kumikislap.

Hindi niya naisip na magagawa niyang pagalingin nang lubusan ang kondisyon ni Qu Ling Yue sa unang pagkakataon ngunit ang tunay na intensiyon ay mahuli ang salarin. Ngunit ngayon na mayroon na siyang malinaw na katibayan kung ano ang tunay na nangyari ay nais niyang ipatikim dito ang sarili nitong lason!

"Paano… Paano ko malalaman kung sino ang gumawa? Mahigit sa sampu kaming nagpapalit-palit tuwing gabi upang mabantayan si Miss Qu. Kaya walang paraan kung paano malalaman ang tunay na salarin." sabi ni Imperial Physician Li, pagkukunwari niya upang makaligtas.

"Ganoon ba? Kung gayon ay tatanungin natin si Hall Chief Xiong na magsagawa ng masusing pag-iimbestiga tungkol dito upang malaman ang salarin. Sino ang may lakas ng loob na gamitin si Qu Ling Yue upang maakusahan ang iba? Si Qu Ling Yue ay ang iginagalang na Young Miss ng Thousand Beast City at ang kaniyang pagkakakilanlan ay natatangi at naiiba sa mga karaniwang tao. Kaya sino ang nais gamitin ang mga pinsala ni Qu Ling Yue para lamang mag-udyok sa galit ng Thousand Beast City?"

Hindi sinabi ni Jun Wu Xie ang lahat ng nasa kaniyang isipan. Alam niyang ang mga sinabi niya ay sapat na.

Tumaas ang kilay ni Xiong Ba tulad ng inaasahan at nagsalita: "Nagpapasalamat ako Miss Jun sa paalala. Personal kung sisisyasatin ang tungkol sa bagay na ito at hindi ko hahayaan na makatakas ang taong iyon na sinadyang saktan ang aming Young Miss."

Tumango si Jun Wu Xie.

Ang Emperor at ang Fourth Prince ay nais gamitin ang mga pinsala ni Qu Ling Yue upang galitin ang Thousand Beast City at idiin iyon sa kaniya habang sinisiraan ang pangalan ng Crown Prince. Kayanaman gumawa siya nang konting pagbabago sa mga pangyayari upang sa pagdating ng oras na lumabas ang katotohanan tungkol sa mga pinsala ni Qu Ling Yue, ang taong kukuwestiyunin ng Thousand Beast City ay hindi na ang Crown Prince na si Lei Chen, ngunit… ang Emperor ng Yan Country!

Ang mapait na prutas na ito ang magiging regalo niya sa Emperor at Fourth Prince.

"Imperial Physician Li. Ang bagay na ito ay nangangailangan ng malalim na imbestigasyon at kailangan ko gambalain lahat ng manggagamot na nagbigay ng lunas sa ating Young Miss upang makipagtulungan sa Thousand Beast City. Hangga't hindi pa nabibigyang klaro ang pangyayaring ito, ako ay makikiusap sa inyo mga ginoo na walang aalis dito." ang mukha ni Xiong Ba ay madilim at may pagbabanta habang may puwersa niyang isinailalim ang mga manggagamot sa kaniyang pangangalaga.

Natilihan si Imperial Physician Li at galit na nagsalita kay Xiong Ba: "Ano ang ibig sabihin nang lahat ng ito Hall Chief Xiong? Kahit kailangan ng imbestigasyon, dahil ang pangyayari ay naganap sa loob ng Yan Country's Imperial City, ito ay dapat imbestigahan ng Yan Country. Ikaw ang aming iginagalang na panauhin at ikaw ay nanggaling pa sa malayo kaya dapat ay ibigay mo na lamang ang pag-iimbestiga sa pulisya ng Imperial Country."

Singhal na sumagot si Xiong Ba: "Hayaan sa Yan Country? Ang insidente ng aming Young MIss ay nangyari dito sa inyong Yan Country's Imperial Capital at ang salarin na nagsagawa ng katampalasan upang saktan siya ay maaaring mula rin sa Yan Country. Kaya bakit gugustuhin ko na ibigay sa Yan Country ang pag-iimbestiga! ?"

Ang tinuran ni Xiong Ba ay walang-awang sinampal na muntik nang magpasuka ng dugo kay Imperial Physician Li, hindi niya mahanap ang tamang salita upang pabulaanan iyon. Ang natataranta niyang mata ay lumingo kay Lei Chen na nakatayo sa isang sulok, biglang naisip na ang tao na tanging makakapigil kay Xiong Ba upang isailalim sila sa pangangalaga nito upang magsagawa ng pagtatanong ay walang iba kundi ang Crown Prince ng Yan Country!

"Your Highness Crown Prince! Ikaw ang tagapagmana sa trono ng Yan Country. Ako ay nagsusumamo na magsalita para sa amin sa insidenteng ito. Kung ang mga nangyari sa Yan Country ay ibinigay sa Thousand Beast City upang ayusin, at iyon ay kumalat, ang pangalan ng Yan Country ay malalagay sa kahihiyan." bakas sa boses ni Imperial Physician Li ang takot at ang kaniyang kilos kay Lei Chen ay biglaang naging kapansin-pansin, wala na ang kayabangan at kawalang respeto katulad noon.

avataravatar
Next chapter