874 Sampal Sa Mukha - Ika-siyam Na Anyo (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang naghinala sa mga salita ni Feng Yue Yang. Kung sinabi niyang lubos ng magaling si Que Ling Yue, kung gayon ito ay totoo!

Ngunit lahat ng manggagamot ay nagbigay nang lunas kay Que Ling Yue at ang mga pinsalang kaniyang natamo ay alam na alam nila. Kanilang napagtanto na imposibleng gumaling si Que Ling Yue sa kaniyang mga pinsala nang maiksing panahon lamang… Ngunit ang mga nangyari ay isang kisapmata lamang, paanong naging posible iyon?

Lubos na pagkagulat ang rumehistro sa mukha ni Xiong Ba nang siya ay lumingon kay Feng Yue Yeng bago niya nilingon si Jun Wu Xie na kalmadong nakatayo sa isang sulok.

"Ta… talaga?" utal na sabi ni Xiong Ba.

"Tingin mo magsisinungaling ako sa'yo?" walang awa na sagot ni Feng Yue Yang.

Ang matayog na katawan ni Xiong Ba ay nanginig.

Mabilis siyang humarap kay Jun Wu Xie at madaling lumuhod sa isang tuhod at taimtim na sinabi: "Ako ay naging marahas at inapi ka kanina Miss Jun. Ako ay humihingi ng iyong kapatawaran Miss Jun!"

Ang mabangis at agresibong Raging Blaze Hall Chief ngayon ay nakaluhod sa kaniyang isang tuhod upang humingi ng tawad kay Jun Wu Xie. Ang biglang pagbago ng mga pangyayari ay nagdulot sa lahat na tuluyang hindi makapagsalita.

Paanong naging posible na malunasan ni Jun Wu Xie ang mga pinsala ni Qu Ling Yue? Walang duda na isa lamang iyong biro!

Lahat ng manggagamot na nasa loob ng silid ay nagulantang at hindi makapagsalita sa ekseneng nakikita ng kanilang mga mata at malapit na silang masiraan ng ulo, hindi nila mawari kung ang lahat ng iyon ay isang panaginip lamang o katotohanan.

"Tumayo ka na." sabi ni Jun Wu Xie.

Tumayo si Xiong Ba, ngunit bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagkaasiwa at pagsisisi. Ang mabangis at agresibong kilos kanina ngayon ay wala na. Sa halip, ang matang nakatingin ngayon kay Jun Wu Xie ay tila aminado sa kasalanan at nagsisisi.

"Miss Jun, ano ang tunay nangyari sa aming Young Miss tungkol sa mga pinsala nito? Ano ang iyong ginawa kanina? Bakit bigla ay gumaling siya?" sa pagkakataong iyon, si Xiong Ba ay magalang na sa pakikipag-usap kay Jun Wu Xie.

Sumagot si Jun Wu Xie: "Wala naman talaga siyang pinsala. Kaya naman, hindi na kailangan ang lahat ng ligalig na ito."

"Hindi napinsala?" naguguluhang nakatingin si Xiong Ba kay Jun Wu Xie.

Madali ay nagtungo si Jun Wu Xie sa gilid ng higaan ni Qu Ling Yue at inangat ang malambot na buhok ni Qu Ling Yue na naging dahilan upang makita ang leeg nito. Sa maputing balat ng leeg nito ay mayroong tatlong pilak na karayom at nakabaon iyon hanggang sa kaniyang laman. Sa gitna ng tatlong karayom, sa ilalim ng balat nito ay isang bahagyang sugat ang makikita sa makinis at maputing balat.

"Ito ay?" bumakas ang pagkatuliro sa mga mata ni Feng Yue Yang nang makit niya ang sugat. Nasa lugar ito na tagong-tago, sa likod ni Qu Ling Yue, nakatago sa ilalim ng mahabang buhok. Maging siya ay hindi napansin ang abnormalidad na iyon kanina.

"Minsan, upang maipakita na ang isang tao ay nagtamo ng matinding pinsala, hindi nangangailangan na magsagawa ng pisikal na kapinsalaan, kailangan lamang takpan ang kaniyang meridians upang ang kaniyang pulso ay magkagulo at ang epekto nito ay magpapakita." paliwanag ni Jun Wu Xie.

Sa wakas ay sumilid na sa isip ni Feng Yue Yang. "Ang sinasabi mo Miss Jun, ang aming Young Miss ay hindi naman talaga napinsala? Ngunit nagpakita lamang ng mga senyales sa kaniyang pulso dahil may taong sadyang nagmanipula upang maging ganoon ang anyo noon?"

Tumango si Jun Wu Xie.

Nakatingin lamang si Imperial Physician Li kay Jun Wu Xie habang ipinapaliwanag nito ang sitwasyon at ang kaniyang mukha ay mabilis na tinakasan ng kulay. Itinatago niyang mabuti na itago sa kaniyang puso ang takot at mabagal na naglakad palayo sa likod ng grupo ng mga manggagamot paunti-unti, iniisip na tumakas sa silid na iyon ng hindi napapansin.

"Imperial Physician Li, hindi mo ba ipapaliwanag sa mga narito ngayon ang lahat?" biglang lumakas ang boses ni Jun Wu Xie ng hindi man lang lumilingon!

Lahat ay lumingon ng marinig nila na tinawag ang pangalan ng Imperial Physician na naghahanda na upang tumakas.

Namutla ang mukha ni Imperial Physician Li ng tumingin kay Jun Wu Xie, at mabilis na nagpakita ng tapang sa mukha at nagsabi: "Bakit kailangan ko magpaliwanag! ?"

"Oh?" tumikwas ang kilay ni Jun Wu Xie, ang sulok ng kaniyang labi ay malamig na napangisi. "Nang alisin ko ang natakpan na meridians ni Qu Ling Yue noong nakaraan, ang sintomas niya ay tuluyang nawala."

avataravatar
Next chapter