873 Sampal Sa Mukha – Ika-siyam na Anyo (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang makaranas ng masakit na pangaral mula kay Feng Yue Yang, ay saglit na gumulantang kay Xiong Ba.

"Senior Feng, ano… anong sinasabi mo?" malungkot na sabi ni Xiong Ba.

"Anong sinasabi ko! ? Ang sinasabi ko ay tinatrato mo ng agresibo ang tagapagpala at tagapagligtas ng ating Young Miss, sumosobra ka na ngayon!" galit na sabi ni Feng Yue Yang.

"An… Anong… Young Miss'… Tagapagpala?" nanlaki ang mata ni Xiong Ba, suspetsa niya ay may mali sa kaniyang pandinig.

"Hindi mo ibababa ang taong iyan! ?" galit na pinandilatan Feng Yue Yang kay Xiong Ba.

Biglang naging blanko ang isip ni Xiong Ba at nagawa lamang niyang kumilos dahil sa salita ni Feng Yue Yang. Ibinaba niya si Jun Wu Xie, ngunit sa pagkakataong iyon ay marahan ang kaniyang mga kilos, masasabi ngang maingat na maingat siya.

Nang makabalik ang mga paa sa lupa,si Jun Wu Xie ay kalmado at mahinahon habang inaayos ang kaniyang damit at ang kuwelyo na ginulo ni Xiong Ba.

Madali ay lumapit si Feng Yue Yang at tumayo sa tabi ni Jun Wu Xie, pinagkrus niya sa kaniyang harapan ang mga kamay at yumuko sa harap ni Jun Wu Xie!

Ang eksenang iyon ay nagpatigagal sa lahat ng nasa loob ng silid.

Anong klase ng estado ang pinaghahawakan ni Feng Yue Yang? Sa puso ng lahat ng manggagamot na naroon, siya ay tila isang tugatog ng lakas, ang Purple Spirit! At sa araw na ito, ang kaniyang ulo na puno ng punting buhok, ang hindi mapantayan na kaalaman at karunugan sa medisina, si Feng Yue Yang ay buong galang na nakayuko sa isang munting dalaga na halos labinlimang taong gulang lamang sa harap ng lahat!

Lahat ng nasa silid ay natigagal ng mga oras na iyon.

"Ang matandang ito ay bulag na hindi nakita ang iyong katalinuhan at nagkamali na makita lamang ang langit mula sa loob ng balon at lubhang hindi ka inintindi Miss Jun. Ako ay humihingi ng kapatawaran sa iyo Miss Jun." wala nang bahid ng galit at pagkawalang-bahala sa tono ng boses ni Feng Yue Yang, bakas sa pagsasalita niya ang panginginig ngayon. Ang bahagyang panginginig sa kaniyang boses ay dala ng saya at takot na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

"Ayos lang." Walang interes na sagot ni Jun Wu Xie, hindi siya nagpakita na nagagalak siya doon. Wala siyang pagdadalawang-isip na tanggapin ang matapat na paghingi ni Feng Yue Yang ng kapatawaran.

Ang silid na puno ng tao ay nakatitig kay Feng Yue Yang, naguguluhan, tunay na hindi maintindihan kung ano ang nangyayari. Bakit bigla ay nagpakita ng paggalang si Feng Yue Yang kay Jun Wu Xie sa pamamagitan ng pagyuko dito at humingi ng kapatawaran!

"Senior Feng?" bahagyang kumibot ang mukha ni Xiong Ba. Ang sinabi mo kanina, ano ang ibig sabihin niyon? Ano ang ibig mo sabihin ng sabihin mo na… tagapagligtas at tagpagpala ng Young Miss?"

Muli ay sumighal si Feng Yue Yang kay Xiong Ba at sinabi: "Ikaw at ang magulo mong utak. Kung ang padaskul-daskol mong kamay kanina ay napinsala si Miss Jun kanina, sa ating pagbabalik sa Thousand Beast City ang matandang ito ay iuulat ka sa Chieftain upang maparusahan ka sa iyong mga aksyon."

Labis na naramdaman ni Xiong Ba na siya ay naaapi na sa sitwasyon. Matapos makaranas ng matalim na mga salita mula kay Feng Yue Yang, hindi pa rin niya maintindihan kung ano ang nangyayari.

Bumuntong-hininga si Feng Yue Yang at sinabi: "Ako ay naging mangmang din at muntik na magawa ang kamalian katulad mo. Mabuti na lamang at mapagbigay at mapagpatawad si Miss Jun."

Nagkibit-balikat si Jun Wu Xie.

Patuloy na nagsalita si Feng Yue Yang: "Alam mo ba ang naging resulta na nakuha ko ng aking sipatin ang pulso ng Young Miss sa pangalawang pagkakataon?"

Umiling si Xiong Ba.

Gilalas ni Feng Yue Yang: "Ang ating Young Miss ay lubusan nang gumaling sa kaniyang mga pinsala at ngayon ay nakakaranas na lamang ng paghihirapa sa kaniyang dugo. Ang meridian ng kaniyang puso ay magaling na at ang spirit power na nasa kaniyang katawan ay bumalik na sa normal na estado."

"Ano?" hindi makapaniwalang bulalas ni Xiong Ba, ang mata niya ay nanlaki dahil sa gulat.

Ang batang nagngangalan na Qing Yu ay nagpakita rin nag pagkabalisa nang magtanong pa siya tungkol sa detalye: "Ang ibig sabihin ni Senior Feng ay..."

Nagsalita si Feng Yue Yang: "Bagaman sinabi ko na hindi ako sigurado kung ano ang ginawa ni Miss Jun kanina, ngunit ang ating Young Miss ay tuluyan ng gumaling. Nangangailangan na lamang siya ng kaunting pag-aalaga at siya ay parang bago muli. Ngayon, naiintindihan niyo na ba kung anong klaseng katangahan ang ginawa niyo kanina, mga hangal! Muntik niyo ng saktan ang tagapagpala na sumalba sa ating Young Miss! At mayroon pa rin kayong lakas ng loob na pandilatan ako! ?"

Katatapos pa lamang magsalita ni Feng Yue Yang nang malakas na singap ang narinig mula sa lahat na nasa loob ng silid!

avataravatar
Next chapter