936 Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – Ang Ikalawang Anyo (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Prinotektahan mo ang babaeng iyon! Paano ko palalagpasin na gawin ang gusto ng babaeng iyon?!

Kamahalan! Ang pagkamatay ni Lady Cheng! Ang pagkamatay ng ikaapat mong anak ay kagagawan

mong lahat! Kung hindi si Lady Cheng lamang ang binigyan mo ng atensiyon, at kung hindi mo hinayaan

na apakan nito ang aking dignidad, magiging ganito ba ako?"

"Walang hiya! May lakas ng loob ka pang sumagot!" galit na galit ang Emperador na tumayo, ang

kaniyang kamay ay nanginginig na nakaturo sa Emperatris at malakas na sumigaw.

Ang Emperatris ay mukhang nawalan na ng bait at bigla tumawa ng nakakaloko!

"Walang kwneta? Kamahalan! Dahil nasa ganiting sitwayson na lang din naman tayo, hindi ko na itataho

ang lahat! Alam mo ba kung bakit wala kahit isa sa mga babae mo ang nabubuntis sa mga nakaraang

taon? Kung bakit ang ikalawang prinsipe na kahit ay kasal na hindi nakakapagbalita ng kahit ano sa iyo?

Hayaan mong sabihin ko ang lahat ngayon! Hindi lang ikaw, kung hindi pati na rin lahat ng iyong anak!

Maliban sa aking anak, walang ibang magmamana sa trono ng Fire Country!" parabg baliw na tumatawa

ang Emperatris habang isinisiwalat ang mga sikreto nito.

Nanlalaki ang mga mata ng Emperador, hindi makapaniwala sa mga sinabi ng Emperatris!

"Ikaw! Baliw ka! Hanggang sa pagkakataong ito, pinoprotektahan mo pa rin ang iyon anak! Ngunit kahit

si Lei Chen na anak mo, ano naman ngayon! Ang aking dugo ay nananalaytay pa rin sa kaniya! Sa tingin

ko, dahil sa mga nakita at nalaman ni Lei Chen sa iyo, ikakahiya ka niya bilang ina niya!" Natatarantang

sabi ng Emperador at tiningnan si Lei Chen. Ang mga sinabi ng Emperatris ay mas lalong ikinatakot niya.

Base sa katauhan ng Emperatris, hindi malayong may katotohanan ang mga pinagsasabi nito. At ang

katotohanan na wala kahit isa sa mga babae niya ang nabuntis sa nakalipas na mga taon?

An

T kung totoo mang ginawa nga iyon ng Emperatris, ang tanging ililigtas niya lamang ay ang kaniyang

anak na si Lei Chen.

Ibinaba ni Lei Chen ang kaniyang tingin at hindi nagsalita ng kahit ano.

Ngunit ang Emperatris ay nagpatuloy sa pagtawa. "Lei Chen? Hahaha! Kamahalan! Ang aking panganay

ay matagal nang namatay! Si Lei Chen ay isang bastardong anak ng isa sa mga katulong ko sa palasyo at

isang kawal! Hahaha! Kamahalan! Kamahalan! Ikaw at ang lahat ng iying anak ay hindi magkakaanak at

ang iyong lahi at matatapos sa henerasyong ito!"

Matalim na suminghap ang Emperador, ang kaniyang tingin ay palipat lipat kay Lei Chen at sa

Emperatris.

"Nagsisinungaling ka! Nagsisinungaling ka lang!"

Sumagot ang Emperatris, "Sa puntong ito, kailangan ko pa bang magsinungaling? Kung totoong anak ko

si Lei Chen, kakampihan ba kita sa pagtulak sa kaniya sa karimlan upang maalis siya bilang

tagapagmanang prinsipe?"

Bumagsak ang mga balikat ng Emperador, isang nakakatakot na bangungot ang kaniyang kinakaharap.

Ang tagapagmanang prinsipe at ang prinsipeng gusto nitang ipalit bilang tagapagmanang prinsipe ay

hindi niya parehong biolohikal na anak!

At ang dalawa niya pang anak na lalaki ay nilason ng Emperatris upang hindi na magkaanak pang muli.

avataravatar
Next chapter