935 Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – Ang Ikalawang Anyo (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ko hahayaan na ang bastardong katulad mo ay patuloy na magdadala ng peligro sa palasyo!" saad

ni Lei Xi, mariibg nakatingin kay Lei Fan.

Nang mabasa ng likido ang mukha ni Lei Fan, ang kaniyang mukha ay marahas na nagpapalit ng anyo!

Sa gulat, biglang napatayo ang Emperador sa kaniyang trono habang nakatingin kay Lei Fan na

nakasalampak sa sahig at dumadaing, hindi siya makapaniwala sa nakikita ng kaniyang dalawang mata!

Nakita niya na ang gwapong mukha ni Lei Fan ay nagbabagong anyo!

Ang mukha nito ay nagbabago sa isang mukha na pamilyar sa Emperador!

Ang mukha nito ay kutulad sa Emperatris at mababakas din ang iilang katangian ng punong ministro.

Napaupo pabalik sa trono ang Emperador, ang mukha nito ay hindi makapaniwala sa nakita. Hindi

makapaniwalang tiningnang muli ang mukha ni Lei Fan.

Patuloy pa rin na dumadaing sa sakit si Lei Fan habang nkasalampak sa sahig habang si Lei Xi ay nakangiti

sa tabi nito. Natutuwa siya sa nakikita niya.

"Ama! Ang likido sa loob ng boteng ito ay maglalabas sa tunay na anyo nito. Humihingi ako ng

paumanhin dahil sa kapangahasan ko at hindi pagrespeto sa iyo, bigyan mo ako ng parusa ama!

Hinihiling ko na titigang maigi ang mukha ng lalaking iyan! Hindi siya ang aking ikaapat na kapatid at

lalong hindi mo siya anak! Kitang kita sa mukha nito na anak siya ng Emperatris at nv punong ministro!"

lumuhod si Lei Xi, nagmamakaawa sa Emperador.

Nanginginig sa galit ang Emperador, ang tanging pag asa na natitira sa kaniyang puso ay nadurog.

Ang mukha ni Lei Fan ngayon ay isang malakas na katibayan, hindi na kinakailangan pa ng paliwanag

tungkol sa totoong katauhan nito!

"Magaling… magaling… Ah, Emperatris. Ang aking Emperatris. Hindi kita trinato ng masama! At kahit sa

pagkakataong ito, ipinipilit mo pa rin ang iyong kasinungalingan! Sa tingin mo ba isa akong hangal?!"

Kahit puno ng pag-asa ang Emeperador na anak niyang tunay si Lei Fan, ang kaniyang galit ay nag-

uumapaw dahil sa mga nalaman!

Ang anak na pi akapaborito niya ay hindi niya totoong anak at hindi rin anak ng pinakamamahal niyang

babae!

Sa maraming taon, pinaglaanan nito ng labis na atensiyon at pagmamahal ito at nagawa niya pang

gawan ng paraan upang maiangat ang posisyon nito bilang tagapagmanang prinsipe ng Fire Country.

Ngunit sa huli, ano nga ba ang kaniyang nagawa?

Muntik na niyang ibigay ang buong nasyon at kayaman sa isang bastadong bata!

"Nga kawal! Arestuhin ang babaeng ito, ang bastardong iyan at ang walang utang na loob na opisyal na

iyan! Ikulong sila! Ayokong mamatay sila sa madaling paraan! Gusto kong mamatay sila sa libo libong

sugat!" Matigas ang mga bagang ng Emperador, ang kankyang mujha ay hindi maipinta ngunkt

namumutla sa galit. Makikita ang lubos na galit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Dahil sa sakit na nararamdaman, si Lei Fan ay nanatiling nakasalampak sa sahig, nanginginig sa sobrang

sakit. Gusto man niyang magmakaawa sa Emperador para isalba ang kankyang buhay ngunit wala siyang

lakas upang magsalita.

avataravatar
Next chapter