983 Sacrificial Blood Rabbit (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang isang Sacrificial Blood Rabbit bago magising ang tagong kapangyarihan ay walang

pinagkaiba sa isang kunehong may malaking tainga, bukod lamang sa nagtataglay ito ng

malakas na puwersa. Tungkol sa kapangyarihan sa pakikipaglaban ay halos pareho lamang,

kaya ito ay matinding napinsala kahit ng isang mababang uri ng Spirit Beast, at halos kalunos-

lunos ang sinapit.

Matapos itong isalba ni Jun Wu Xie, ang dugo na inilabas nito ay gumsing sa tagong abilidad na

naging dahilan upang ipakita nito ang taglay na Sacrificial Blood Rabbit.

Walang salita na tinitigan ni Jun Wu Xie ang nahihiyang Sacrificial Blood Rabbit, tiningnan niya

ang balahibo nitong nababalot ng tila pulang dugo at ang kaniyang ekspresyon ay nagbago,

tila nagtatalo. Dahil sa kaniyang pagiging beterinaryo noon ang lumukob sa kaniyang diwa ng

mga sandaling iyon kaya hindi niya hinayaan na makita lamang ang isang munting

mabalahibong kuneho na mamatay sa kaniyang harapan at hindi niya naisip na ang kunehong

walang pag-aalinlangan niyang dinala ay nagtataglay ng isang malaking kuwento sa likod nito.

Kung ang naunang nagmamay-ari sa Sacrificial Blood Rabbit ay nalaman iyon, na ang kuneho

na dinala niya upang mapaslang ay isa palang Guardian Grade Spirit Beast… Maaaring sumuka

siya ng dugo ng walang tigil.

"Puu" itinaas ng Sacrificial Blood Rabbit ang kaniyang mata upang silipin ni Jun Wu Xie.

Matapos magising ng tagong kapangyarihan nito, maging ang pagiging ignorante nito ay

nabuksan. Naalala nito lahat ng nangyari sa nakaraan at alam niyang inabandona siya ng dati

niyang amo kasama rin ang katotohanan na isinalba ni Jun Wu Xie ang buhay niya.

Habang nabubuksan ang kaniyang diwa, ay malinaw niyang naalala na kinakarga sa braso ni

Jun Wu Xie at maingat na ginamot ang mga sugat. Ang init na naramdaman niya sa mga

brasong iyon ng mga oras na iyon ang nagpagising na diwa ng Spirit Beast, at mabilis na nabuo

ang mataas na antas ng pagtitiwala kay Jun Wu Xie.

Tulad ng isang inakay na kalalabas pa lamang.

Ang makita ang umaasang mata ng Sacrificial Rabbit na nagmamakaawang nakatingin sa

kaniya, ay nakaramdam si Jun Wu Xie ng sakit sa kaniyang puso.

Kung isang karaniwang kuneho lamang iyon ay aalagaan niya ito hanggang sa tuluyang

gumaling at ibibigay kay Qu Ling Yue.

Ngunit hindi iyon ganoon kadali para sa isang Guardian Grade Spirit Beast.

Kahit na ito'y musmos pa lamang, ang kapangyarihan at talino ng isang Guardian Grade Spirit

Beast ay nagsimula ng umusbong. Kung hindi nito gusto, kahit na ipilit niya na ibigay ito kay

Qu Ling Yue, ang kuneho ay hindi mananatili doon at maaaring makasakit ito ng tao dahil sa

matinding galit.

At ang makita ang umaasang mga mata na iyon na puno ng pag-asa, halos nakita ni Jun Wu Xie

ang parehong eksena noon sa Battle Spirits Forest, kung saan ang imbing si Lord Meh Meh ay

lihim na sumunod sa kaniya sa lahat ng oras.

Ang mga matang tulad niyon ay pamilyar sa kaniya.

Ang Sacrificial Blood Rabbit ay halatang pinili na sumama sa kaniya!

Nakita ni Lord Meh Meh ang intensiyon na iyon na mayroon ang Sacrificial Rabbit kung kaya

mariin niyang tinutulan si Jun Wu Xie na sagipin ang Sacrificial Blood Rabbit. Natakot siyang sa

oras na magising ang Sacrificial Blood Rabbit ay kailangan niyang makipagkumpetensiya sa

kuneho!

"Meh meh meh!"

[Hindi makakapayag si Lord Meh Meh na manatili ang isang kuneho dito! Ang tagapagkain ay

pagmamay-ari ni Lord Meh Meh! Ikaw na masamang kuneho! Lumayas ka dito!]

Nakatayo sa harapan ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh, dineklara niya ang karapatan sa harap

ng Sacrificial Blood Rabbit.

"Puu!" naduro sa hamon ni Lord Meh Meh, ang Sacrificial Blood Rabbit ay inilabas ang ulo nito

sa ilalim ng kaniyang tainga habang ang mapulang mga mata ang naningkit, ang kaniyang

balintataw ay nanliit.

"Kung mag-aaway kayong dalawa, pareho kayong lumayas dito." nang ang dalawang kaibig-

ibig na mga Spirit Beasts ay maglalaban na, ang malamig na boses ni Jun Wu Xie ay biglang

narinig.

Si Lord Meh Meh ay nakakaawang umiyak at ang Sacrificial Blood Rabbit ay nanginig at

niyakap ang malalaking tainga nito at itinago sa kahihiyan ang katawan.

"Puu."

[Maging mabait ka kuneho, huwag mo iwan ang kuneho Mistress.]

Walang ekspresyon na isinalin ng pusang itim ang bawat salita. Ayaw na magsalita ni Jun Wu

Xie. Nang makita kung gaano naging mapilit si Lord Meh Mehe, alam niyang kahit subukan

niyang itaboy ang Sacrificial Blood Rabbit, ay hindi siya magtatagumpay!

avataravatar
Next chapter