982 Sacrificial Blood Rabbit (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Spirit Beasts tulad ng kuneho ay hindi bihira at karaniwang makikita.

Ngunit hindi pa kailanman nakakita o nakarinig si Jun Wu Xie ng isang kuneho na may mataas

na antas ng diwa, at…

Hindi ang tulad nito na nagpapalit ng kulay!

"Isa ka ba talagang kuneho?" tanong ni Jun Wu Xie, nakatitig sa mahiyaing kuneho. Kani-

kanina lamang ay nasaksihan ng sarili niyang mga mata ang eksena kung saan ang kunehong

ito ay handa ng makipaglaban kay Lord Meh Meh. Nang mga oras na iyon si Lord Meh Meh ay

inilabas na ang dakilang presensiya niya bilang isang Guardian Grade Spirit Beast at kung ibang

mababang uri ng Spirit Beast iyon ay madali silang magagapi tulad ng mga Spirit Beast sa

arena kanina, hinimatay at takot na takot.

Ngunit itong kuneho na ito ay hindi man lang nagpakita ng senyales ng takot at sa halip ay

nagpakita na handa itong lumaban kay Lord Meh Meh doon at ng mga oras na iyon. Kung

mananatili si Jun Wu Xie na isiping isa lamang itong ordinaryong kuneho kung gayon ay

magiging isang tanga siya.

"Puu?" nagpakita ng pagtataka ang mapulang pares ng mata ng kuneho.

"Tinatanong nito kung ano ang kuneho?" walang magawa ang pusang itim kundi ang isalin

iyon kay Jun Wu Xie. Sigurado na ang pusang itim ngayon na ang munting nilalang na iyon na

mukhang kuneho ay hindi talaga isang kuneho!

"Ano ka?" naningkit ang mata ni Jun Wu Xie.

"Puu.. Puu…" umiling ang kuneho at itinago ang mukha sa malaking tainga nito.

Napangiwi ang pusang itim.

"Hindi niya alam."

"..." Hindi makapagsalita si Jun Wu Xie. Ano ang katotohanan sa likod ng kunehong ito na

kawangis ng isang kunehong may malaking tainga? Maging ang kuneho ay hindi alam kung

ano siya. Nang maisip niya iyon ay walang malay na lumipat ang kaniyang sulyap kay Lord Meh

Meh na ikinikiskis ang kaniyang katawan sa binti niya. Mula sa reaksiyon ni Lord Meh Meh tila

alam nito kung ano ang pinanggalingan ng kuneho.

"Anong uri siya ng Spirit Beast?" tanong ni Jun Wu Xie kay Lord Meh Meh.

Kumurap si Lord Meh Meh at tumingin sa kuneho bago ibinalik ang tingin kay Jun Wu Xie.

"Meh meh meh meh meh…"

Sunud-sunod na galit na unga na halos magpabaliw sa isang tao ang biglang sumabog sa silid.

Ang pusang itim ay tila nakakita ng mga bituin habang pinakikinggan nito ang mahabang

tuligsa ng unga. Nakaramdam siya ng pagkamangha ng mapagtanto niya ang sitwasyon na

nakadepende sa tamang pagsalin niya sa mga oras na iyon!

Nang matapos ni Lord Meh Meh ang mahaba nitong "unga" ay isnag malalim na buntong-

hininga ang pinawalan ng pusang itim.

"Pahintulutan mo akong ayusin ang lahat muna.." ang dami ng impormasyon ay matindi at

hindi iyon masasabi lahat sa isang salita lamang.

Naghintay si Jun Wu Xie ng ilang saglit bago nagsimulang magsalita ng pusang itim.

"Ang sabi ng tupa, ang kuneho ay tinatawag na Sacrificial Blood Rabbit. Bagama't kamukhang-

kamuha ito ng kunehong may malaking tainga, sila ay magkaiba sa ibang bagay. Sa kanilang

kabataan, ang Sacrificial Blood Rabbit ay nahahawig sa isang kunehong may malaking tainga,

at matapos sumailalim sa isang binyag gamit ang dugo ay saka pa lamang magigising ang

itinatago nitong abilidad. Ang Sacrificial Blood Rabbit ay isang Guardian Grade Spirit Beast na

nabubuhay sa dugo at may nakasalamuha na ang tupa noon na ganito. Iyon ang dahilan kung

bakit nakilala niya ang amoy ng isang Sacrificial Blood Rabbit. Itong munting Sacrificial Blood

Rabbit ay maaaring napakabata pa at ang nakatagaong abilidad nito ay hindi pa nagigising.

Kaya ito ay napagkamalan na kunehong may malaking tainga at itinuring na alaga, ngunit dahil

sa madugo at marahas na labanan sa arena kaya lumabas ang nakatagong kapangyarihan at

biglang nagising…" kuwento ng pusang itim ngunit hindi pa rin matumbok ang punto dahil ang

isip nito ay nablanko. Wala itong magawa kundi ang mag-isip. Isang murang Guardian Grade

Spirit Beast ay halos gutay-gutayin ng isang mababang uri ng Spirit Beast. Nang makita ang

mga sugat na tinamo ng Sacrificial Blood Rabbit kanina ay naisip niyang kung hindi ito sinagip

ni Jun Wu Xie, iyon ay para sa wala kahit pa sabihin na nagising ang kapangyarihan nito.

Bilang isnag Guardian Grade Spirit Beast, ang proseso upang magising ang isang Sacrificial

Blood Rabbit ay talagang kakaiba.

Sa katotohanan, ang isang musmos na Sacrificial Blood Rabbits ay kadalasang ginagabayan ng

isang malaking Sacrificial Blood Rabbits. Bago magising ang natatagong abilidad, ang magulang

ay pinoprotektahan kanilang anak upang masiguro ang kaligtasan at maiwasan ang mga

aksidente. Ngunit walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa Sacrificial Blood Rabbit na ito

upang mahuli ng mga tao ng ito'y musmos pa lamang at itinago bilang kunehong may

malaking tainga.

avataravatar
Next chapter