657 Sa Dulong Talampas ng Langit (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kung talagang nasa kamay niya ito, hindi natin kailangang maghintay hanggang Disyembre. Makakagalaw tayo sa ating pagbalik." Napangiting sumagot si Fan Zhou. Nakapagpalista na sila Qiao Chu at ang kanyang mga kasamahan sa Zephyr Academy para imbestigahan kung sino ang may hawak ng mapa. Kung masisigurado nila kung sino ang may hawak, makakatipid sila ng maraming oras.

Tumungo si Jun Wu Xie. Ang paghanap ng lokasyon kung nasaan ang Dark Emperor's Tomb ay napakaimportante para sakanya. Maliban sa pagkuha niya ng kapangyarihan para lumaban sa Twelve Palaces, para rin ito sa kanyang ama na si Jun Gu.

Ang Soul Claiming Jade ay nakapagpanatili ng katawan and kaluluwa ni Jun Gu.

Ang kawan ng kayamanan sa Dark Emperor's tomb ay napupuno ng pambihira at napakamakapangyarihang gamit ng mahika. Sa mga gamit na iyon, naniniwala si Jun Wu Xie na makakakita siya ng makakapagligtas sa kanyang ama.

Pag nabalik niya sa pagkabuhay ang kanyang ama, naniniwala siyang mapapasaya nito ang kanyang tito at lolo.

Marami atang nakain ang maliit na itim na pusa kung kaya't tulog na tulog siya ngayon. Pinagusapan muna nila Jun Wu Xie ang kanilang plano tungkol sa kanilang paglalakbay patungo sa Heaven's End Cliff bago sila nagsitulugan.

Nagising si Mu Qian Fan matapos ang tatlong araw. Ang kanyang mga sugat ay malala kung kaya't ang trabaho ng pagiging tsuper ay kinuha ni Fei Yan. Nakaupo sa harapan ng napakalaking karwahe ang isang maganda at batang "babae", na may hawak na latiko at nakanta ito. Habang sila'y nalakbay, hindi mapigilan ng mga nadadaanan nilang manlalakbay na tumingin at mapatitig sa magandang mukha ni Fei Yan. Pinipigil nila ang kanilang mga sariling pigilan ang mabilis na karwahe.

Paminsan minsa'y kumikindat si Fei Yan at nagpapaganda sa mga manonood, at ito'y nagresulta ng hiyawan.

Napagdesisyunang, sa grupo nila, ang pinakamukhang babae ay hindi sila Jun Wu Xie o si Rong Ruo, ang mga tunay na babae sa grupo, kung hindi si Fei Yan na nagdamit babae.

Hindi naging problema ito para kay Fei Yan. Natutuwa lamang siyang lokohin ang mga makikitid na utak ng mga manonood.

Makalipas ang dalawang araw, nakarating na rin sila sa Heaven's End Cliff.

Halos hubad ang lupa, at walang laman. Ang bangin ay mukhang hiniwa ng kalangitan at pag tumingin ka sa ilali nito, walang katapusang puting dagat ang iyong makikita. Ang walang hubog na puting ulap ang nagkalat dito.

Heaven's End Cliff. Kung saan ang lupa'y nagtatapos sa isang bangin at kung saan nagsisimula ang langit!

Naglakad si Qiao Chu sa gilid ng bangin at ito'y sumilip. Wala siyang ibang nakita kungdi ang puting karagatang tinatakpan ang ilalim, at tinatago ang dulo.

"Talagang… nakakatakot nga ito tignan." Napalunok si Qiao Chu. Sa isang lugar na natatakpan ng makapal na hamog, nakakubli ang iyong paningin. Sobrang kaba ang mararamdaman sa paglalakbay dito na parang bulag. Bukod dito, alam na nila, na sa ilalim ng nakakabulag na hamog, napupuno ang lugar na ito ng walang hanggang panganib.

Hindi pa tuluyang gumagaling si Mu Qian Fan pero gusto niyang sumama sakanila. Hindi ito pinahintulutan ni Jun Wu Xie kahit gaano tindi pa siyang magmakaawa. 

Sila Qiao Chu at ang iba'y nakapagimpake na't bitbit na ito sa kanilang mga balikat. Hawak nila sa kanilang mga kamay ang makakapal na lubid na gagamitin nila sa pagbaba sa bangin.

Dalawang nakatagong tagaprotekta, si Yie Mei at Ye Sha, ang biglang nagpakita, pinagitnaan si Jun Wu Xie at ang bangin.

"Maestra, bakit ka bababa dito?" Tanong ni Ye Sha na nakatingin kay Jun Wu Xie. Pareho sila ni Ye Mei na may nararamdamang hindi magandang nakatago sa ilalim ng makapal na hamog.

"Ang Dark Emperor's Tomb" Sagot nito.

Napatahimik sa gulat ang dalawa. Nagkatinginan ang dalawa at pareho nilang nakita sa kanilang mga mata nasigaw ng 'hindi makapaniwala'

"M..maestra.. ano ang sinabi mo?" Gustong paniwalaan ni Yi Mei na pinaglalaruan lamang siya ng kanyang tenga. 

Dark Emperor's tomb?

DARK EMPEROR'S TOMB?!

Kailan nagkaroon ang poon ng libingan….

Ang kanyang iginagalang na poon ay buhay!!

Inulit ni Jun Wu Xie ang kanyang sarili.

Makikita ang pagkasindak sa mga mukha nila 

Isang ganap na kalapastangan!

Sinong makakagawa ng isang malupit na kalapastangan?! Buhay na buhay ang kanyang kagalang galang na poon. Sinong sira ulong nagpatayo ng libingan?!

avataravatar
Next chapter