891 Ring ng Imperial Fire (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Lei Chen ay napabalikwas sa kaniyang pagkagulat at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig na katotohanan.

" Ako ay nagtataka kung bakit pinaalis si Jun Xie ng kaniyang Majesty nang ako ay biglang dumating sa lugar na iyon. Subalit ngayon ay lubos ko nang nauunawaan. Sa buong nasasakupan ng Fire Country, ang nakakakilala lamang sa Ring of Imperial Fire, maliban sa kanyang Majesty at sa Empress Dowager ay tanging ako lamang. Siya ay ntatatakot na makita ko ang Ring of Imperial Fire sa kamay ni Jun Xie at iyon ang dahilan kung bakit nya iyon ginawa."ang sabi ni Wen Yu

" At.. gusto mong umalis si Jun Xie dahil ikaw ay natatakot.."Biglang namutla ang mukha ni Lei Chen.

Tumango si Wen Yu

"Nabanggit na ito ng pumanaw na Emperor. Ang nagmamay-ari ng Ring of Imperial Fire, ay ang tunay na pinuno ng Fire Country. Hindi mahalaga kung kailan at kung aling henerasyon ng kanyang mga anak ang makakatagpo sa nagmamay-ari ng Ring of Imperial fire, kinakailangan nilang mabawi ang trono at maibalik ito sa nagmamay-ari ng Ring."

Ang Trono sa Fire Caountry ay hindi maaaring mapasakamay sa kasalukuyang nakaupo na Emperor.

Ngunit ito ay dahil sa Emperor na pinamunuan ang Fire Country upang maging pinakamalakas na bansa sa buong lupain at bigla na lamang naglaho sa mga panahong iyon. Sa panahong iyon, ang nakababatang kapatid ng emperor na isang Prince, ay ipinadala ang lahat ng sundalo sa buong lupain upang hanapin ang nawawalang Emperor. Sya ay naghanap ng mahabang panahon ngunit hindi nya ito natagpuan.

Ang naglahong Emperor ay hindi kailanman nagkaroon ng supling at iyon ang dahilan upang pumalit sa trono and kaniyang nakababatang kapatid.

Ang Prince ay naging malapit sa kanyang Royal Brother, ang nawawalang Emperor, at iisa lamang ang kanilang ina. Sila ay naging malapit simula pa noong bata pa sila at nang maluklok ng nakababatang kapatid sa trono, ang unang kautusan na ibinaba ay patungkol sa tagpagmana ng trono.

Siya ay lubos na naniniwala na ang kanyang Royal Brother ay hindi pa pumanaw at lubos na umaasa sa kaniyang Royal Brother o sa angkan ng kaniyang Royal Brother na balang-araw ay magbabalik. Kaya nagbigay siya ng kautusan na kung sino man ang may hawak ng Ring of the Imperial fire sa nasasakupan ng Fire Country, ilang taon man ang lumipas, ang kanyang angkan na nakaupo sa trono sa kasalukuyan, ay kinakailangang umalis sa trono, at piliin ang nagmamay-ari ng Ring of the Imperial Fire upang maging bagong Emperor of the Fire Country!

At ang unang kautusan ay naipasa nang nalalapit na ang isang siglo, at ang kasalukuyang Emperor ay ang angkan ng Emperor, kung saan ang kasalukuyang Empress Dowager na nabubuhay pa ay ang Emperor's Empress.

"Ngunit nangyari na ito sa mahabang panahon at sa aking palagay ay walang kinalaman tungkol doon ang aking Ama. Bagaman nairinig ni lei Chen mula kay Empress Dowager ang patungkol dito magmula nang siya ay bata pa, ngunit sa tagal nang lumipas ang panahon at kahit minsan ay hindi nagpakita ang Ring of Imperial Fire ay unti unti na niya itong nalimutan. Nang biglang mabanggit ni Wen Yu ang patungkol dito, ito ang naging dahilan upang maalala niya ang lahat ng kanyang nalalaman.

Sinabi ni Wen Yu: " Totoong matagal na panahon ang nakalipas. Ngunit hindi ito malilimutan ng Your Highness. Sa kasalukuyang panahon, ang Empress Dowager ang nananatiling namumuno sa Back Palace. Bagaman and Empress dowager ay hindi nagkaroon ng ugnayan sa pamahalaan at politika sa mahabang panahon, ngunit sya ay naging malapit sa kapatid ng yumaong Emperor at naging matalik na magkaibigan, at nang dahil hindi nasunod ang kagustuhan ng kapatid ng yumaong Emperor, ang Empress Dowager ay hindi magaalinlangan lumaban upang mangyari ang kautusan . Ang kasalukuyang Emperor ay hindi mangangahas na magbigay ng tulong sa Empress Dowager kaya iiwasan niya si Jun Xie upang makaiwas sa nagbabadyang kaguluhan at matiyak ang kanyang trono sa Fire Country.

Sa mundong ito, tatlong tao lamang ang nakakakilala sa Ring of Imperial Fire. Tanging ang Empress Dowager ang maaaring magpasunod sa kasalukuyang Emperor upang sundin ang kautusan ng dating Emperor.

Hangga't nabubuhay si Jun Xie, ang trono ng kasalukuyang Emperor ay hindi tiyak na mananatili sa kanya, ngunit gagawa sya ng paraan upang hindi ito mangyari. Nagpahiwatig si Wen Yu kay Jun Xie na lisanin ang lugar na iyon upang maiwasan ang nagbabadyang panganib.

Sa pagkakataong ito, hindi na intensiyon gamitin ng Emperor si Jun Xie upang pabagsakin ang Crown Prince, ngunit nais na niya itong patayin!

avataravatar
Next chapter