870 Quack Doctor (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Agad na nakangiting nagsalita si Imperial Physician Li: "Maging si Senior Feng ay ganoon din ang sinasabi. Ano pang pagdududahan niyo? Kung hindi dahil saamin na nagbuhos ng oras para gamutin si Miss Qu, hindi naman siya pansamantalang gagaling. Huwag mong sabihing Heart Coagulating Elixir lang ang ginamit ni Miss Jun at gumaling na agad si Miss Qu? Isang napakalaking biro."

Mas nagsalubong pa ang mga kilay ni Xiong Ba habang nakatitig kay Jun Wu Xie. Sa itsura nito ay naiisip-isip nga nito ang sinabi ni Imperial Physician Li.

Kalmadong sumagot si Jun Wu Xie: "Dahil sa sinasabi ni Imperial Physician Li na kaya pansamantalang gumaling si Miss Qu ay dahil sa kanilang masusing pag-gamot dito, gusto ko kayong tanungin. Simula noong mapasakamay niyo ang pag-gamot kay Miss Qu, may nagawa na ba kayo para pabutihin ang kaniyang kondisyon?"

Malamig ang pagkakabitaw ni Jun Wu Xie sa kaniyang bawat salita. Dahil dito ay parang natauhan ang tatlong lalaking mga taga-Thousand Beast City.

Kung ang kalahating-araw na gumaling si Qu Ling Yue ay dahil sa pag-gamot nina Imperial Physician Li at nagkataon lang na si Jun Wu Xie ang huling nagpainom ng gamot dito, ibig sabihin ay sina Imperial Physician Li nga ang may gawa noon. Ngunit simula noong gamutin nila si Qu Ling Yue, nanatiling walang malay si Qu Ling Yue at hindi man lang bumuti ang kalagayan.

Walang masagot si Imperial Physician Li sa tanong ni Jun Wu Xie. Nanatili lang itong galit na nakatangin kay Jun Wu Xie. 

Ayaw nang mag-aksaya ng oras ni Jun Wu Xie sa mga ito. Kaya naman humarap siya kay Feng Yue Yang.

"Senior Feng, dahil nabasa niyo na ang pulso ni Qu Ling Yue at nakita niyo na ring ang mga gamot na ipinainom dito ni Imperial Physician Li, naniniwala akong bihasa na kayo pagdating dito at alam niyo na ang epekto ng mga gamot na iyon."

Tumango si Feng Yue Yang, "ang mga gamot na iyon ay magagawa lang patatagin ang kasalukuyang kalagayan ng Young Miss, ngunit hindi siya nito mapapagaling."

Tumango si Jun Wu Xie at humarap kay Imperial Physician Li at sinabing: "Quack Doctor."

Nagliyab sa galit ang mga mata ni Imperial Physician Li. Gusto nitong sugurin ngayon din si Jun Wu Xie.

"Anong ibig mong sabihin? Kung ang pagbuti sa kalagayan noon ni Miss Qu ay hindi dahil sa paggagamot namin sa kaniya, huwag mong sabihing dahil iyon sa Heart Coagulating Elixir mo!"

Maging si Feng Yue Yang ay naguguluhan. Sa kondisyon ngayon ni Qu Ling Yue, ang mga gamot na ibinigay ni Imperial Physician Li at maging ang Heart Coagulating Elixir ay parehong hindi makakatulong kay Qu Ling Yue. Kahit na nagtatalo pa ang magkabilang panig, may isang bagay na hindi pa rin malinaw sa kaniya.

At iyon ay lubos na gumaling si Qu Ling Yue sa loob ng kalahating araw.

Ang pangyayaring iyon ay labis na nakapagpagulo sa isipan ni Feng Yue Yang sa kabila ng pagiging dalubhasa niya sa medesina.

Malamig na tumitig si Jun Wu Xie ay Imperial Physician Li na ngayon ay galit na galit: "Sinong nagsabi sa'yong Heart Coagulating Elixir lang ang ginamit ko?"

Nanigas sa kinatatayuan si Imperial Physician Li. Nagliliyab pa rin sa galit ang mga mata nitong nakatitig kay Jun Wu Xie.

"Talaga ba? Nakita kita ng dalawang mga mata ko. Pinainom mo lang si Muss Qu ng Heart Coagulating Elixir at wala nang iba pa! Huwag kang mag-imbento!"

Nanatiling nakatingin lang si Jun Wu Xie kay Imperial Physician Li at mahinang umiling. Ang mga mata nito ay nagpapakita ng labis na disgusto sa duktor na nasa kaniyang harapan.

"Bilang isang medical physician, pwede ka nga talagang tawaging Quack doctor."

Halos nagkukulay berde na sa galit ang mukha ni Imperial Physician Li.

Si Xiong Ba naman ay mas lalong naguguluhan habang nakikinig sa dalawa: "Wala akong maintindihan sa sinasabi niyo. Jiang Ying Long sagutin mo ako. Bumuti ba talaga ang kondisyon ng ating Young Miss noon?"

Agad na tumango si Jiang Ying Long.

Humarap si Xiong Ba kay Jun Wu Xie. "Miss Jun, sinabi mong kaya gumaling ang Young Miss noonn ay dahil sa ginawa mo. Sabihin mo sa'kin bukod sa ipinainom mong Heart Coagulating Elixir, ano pa ang ginawa mo?"

Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie at nagtanong: "Tingin niyo talaga ay malubha talaga ang natamong pinsala ni Qu Ling Yue?"

avataravatar
Next chapter