869 Quack Doctor (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil sa sinabing iyon ni Imperial Physician Li, mas lalong nag-alab ang galit ni Xiong Ba. Tumingin ito ng diretso sa mga mata ni Jun Wu Xie at sa itsura nito ay para niya itong kakainin ng buhay.

Maging ang binatilyong nasa tabi nito na kanina ay tahimik lang at kalmado, ngayon ay lukot ang mukha. Si Feng Yue Yang naman ay napailing na lang.

Nabaling ang atensyon ng lahat kay Lei Chen at Jun Wu Xie.

Kinakabahan si Lei Chen habang ang mga kamao nito ay mahigpit na nakakuyom. Kahit na alam niyang aabot sa ganito ang sitwasyon, hindi niya maiwasang hindi mag-alala para kay Jun Wu Xie. Nang magsalita kanina si Jun Wu Xie ay mukhang inuudyukan pa nitong umabot sa ganito ang sitwasyon.

Hindi maintindihan ni Lei Chen kung anong tumatakbo sa isipan ni Young Miss Jun.

Sa harap ng galit na galit na si Xiong Ba at ng nanunulsol na si Imperial Physician Li, nanatiling malamig at mukhang hindi natitinag ang ekspresyon ipinapakita ni Jun Wu Xie. Ilang sandali itong nanatiling tahimik bago nagsalita: "Mukhang mas napiling paniwalaan ni Hall Chief Xiong ang mga Quack Doctors?" Tinakasan ng kulay ang mukha ni Imperial Physician Li. Hindi niya akalaing kahit na nasa ganitong sitwasyon si Jun Wu Xie ay maiisip an pa nitong mamilosopo.

Sumagot si Xiong Ba: "Ito na ang huling beses kitang tatanungin, pinainom mo ba ng gamot ang aming Young Miss?"

Agad namang tumango si Jun Wu Xie.

"Kung ganon, ano pang itatanggi mo?!" Sigaw ni Xiong Ba.

Nanatiling nakatayo sa isang sulok si Jun Wu Xie at malamig na tumugon: "Hall Chief Xiong, bakit hindi mo sila tanungin, matapos kong gamutin si Qu Ling Yue, kumusta kaya siya?"

Nag-angat ng isang kilay si Xiong Ba. "Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin si Jun Wu Xie kay Jiang Ying Long at sinabing: "Jiang Ying Long, ikaw na mismo ang magsabi. Matapos kong bigyan ng gamot si Qu Ling Yue, gumaling ba ang mga pinsalang natamo niya?"

Naguluhan ang grupo nina Xiong Ba at lahat ay sabay-sabay na tumingin kay Jiang Ying Long.

Hindi na naisipang magkaila ni Jiang Ying Long, utal-utal itong sumagot: "Miss Jun...Matapos gamutin...si Ling Yue, sinabing...tuluyang gumaling...ang mga pinsalang natamo niya...kaya lang...mahina pa rin ito dahil sa dami ng dugong nawala dito..."

Saglit itong tumigil bago muling nagsalita: "Ngunit kalahating-araw lang ang itinagal noon. Pagkatapos ng kalahating araw na iyon, muling bumalik sa ganitong sitwasyon ang kalagayan ni Ling Yue."

Malalim ang kunot sa noo ni Xiong Ba. Naguluhan siya sa kaniyang narinig. Ayon sa sinabi ni Imperial Physician Li, hindi na nga nagamot ni Jun Wu Xie si Qu Ling Yue, bagkus ay mas pinalala pa nito ang kalagayan ng huli. Ngunit ang sabi naman ni Jiang Ying Long napagaling ni Jun Wu Xie ang mga pinsalang natamo ni Qu Ling Yue matapos nito itong gamutin, ngunit kalahating-araw nga lang ang itinagal. Ngunit ang sabi naman ni Feng Yue Yang, masyadong malala ang sinapit ni Qu Ling Yue kaya paano nagawang pagalingin ito ni Jun Wu Xie kahit pa kalahating araw lang ang itinagal noon?

Lihim na minumura ni Imperial Physician Li si Jiang Ying Long dahil sa mga pahayag nito. Agad itong sumagot: "Tungkol diyan, ipinaliwanag ko na iyon kay Teacher Jiang. Kaya bumuti ang kalagayan ni Miss Qu dahil sa masusing pag-gamot namin sa kaniya. Nagkataon lang na noong painumin siya ni Miss Jun ng gamot ay doon pa lang tumalab ang mga ipinainom namin sa kaniya. Hindi namin nakakalimutan na ang pinainom ni Miss Jun kay Miss Qu ay Heart Coagulating Elixir. Maaari ko bang itanong kay Senior Feng, posible bang makagamot ang Heart Coagulating Elixir?"

Agad namang umiling si Feng Yue Yang. "Ang Heart Coagulating Elixir ay ordinaryong elixir lang. Sa kondisyon ng Young Miss, wala iyong gaanong maitutulong."

avataravatar
Next chapter