868 Quack Doctor (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gustong itago ni Jiang Ying Long iyon, ngunit sa harap ng galit na titig ni Xiong Ba, hindi na siya nangahas na magkaila: "Ang Mahal na Crown Prince ay sinabi noon na ang batang babaeng nasa kaniyang tabi ay magaling sa medesina at alam daw nito kung paano ililigtas si Ling Yue. Ngunit naisip kong masyadong bata si Miss Jun at mukhang wala itong gaanong alam sa medesina. Ngunit hindi namin magagawang tumanggi sa Mahal na Crown Prince. Kaya para hindi na tumagal at magkagulo diito, hinayaan naming gamutin ni Miss Jun ng isang beses si Ling Yue sa kasunduang kapag hindi nito magawang pagalingin si Ling Yue, hindi na sila babalik dito..."

Pahina ng pahina ang boses ni Jiang Ying Long habang nagsasalita. Sinisikap nitong isisi ang lahat kay Lei Chen. Natatakot itong magalit ng tuluyan si Xiong Ba at patayin siya ora mismo.

At gaya nga ng inaasahan, matapos marinig ni Xiong Ba ang salaysay ni Jiang Ying Long, nanlaki sa galit ang mga mata nito habang nakatitig kay Jun Wu Xie.

"Jiang Ying Long! Gaano ka katanga at hinayaan mong gamutin ng isang batang babae ang aming Young Miss!? Mayroon bang kaunting respeto man lang ang War Banner Academy sa Thousand Beast City!? Hindi na ako magtatakda kung bakit hindi man lang bumuti ng kahit kaunti ang kalagayan ni Ling Yue! Mga walang silbing duktor! Isang batang duktor at grupo ng duktor na mga walang alam, paano niyo nga naman mapapagaling ang aming Young Miss!?" Galit na galit si Xiong Ba. Unang tingin pa lang kay Jun Wu Xie ay masasabi mo nang bata pa lang nga ito. Sa edad nitong iyon hindi pa sapat ang kaalaman nito sa medesina lalo na sa ganitong kaso.

[Ang lakas ng loob ni Jiang Ying Long na hayaan ang isang bata na gamutin si Qu Ling Yue. Nakakatakot ang ginawa niya!]

Ang natural na boses ni Xiong Ba ay malalim at malakas kaya naman mas dumoble pa ito nang ito ay magalit.

"Crown Prince Lei Chen! Kahit na ikaw ang Crown Prince ng Yan Country, wala ka pa ring karapatan na ipahamak ang Thousand Beast City's Young Miss! Kung nagdala ka dito ng isa pang duktor aay ayos lang sana. Ngunit tignan mo si Miss Jun na nasa tabi mo! Ilang taon na siya? Paanong may alam siya sa paggamot ng komplikadong sitwasyon? Biro lang ba sa iyo ang kalagayan ng aming Young Miss?! Gusto mo ba siyang mamatay?" Pulang-pula sa galit ang mukha ni Xiong Ba maging ang mga mata nito. Kung hindi dahil sa batang nakaharang dito ay sinugod na nito si Jun Wu Xie.

Nagtagumpay si Jiang Ying Long na ibaling ang galit ni Xiong Ba kay Jun Wu Xie at Lei Chen. Si Imperial Physician Li naman ay lihim na tumatawa. Ang personalidad ng Raging Blaze Chief Hall ay akmang-akma sa pangalan nito. Ngayong na kay Lei Chen ang lahat ng sisi nito, alam niyang hindi nito ito basta-bastang papalampasin.

Nagpanggap pa si Imperial Physician Li na animo talagang nag-aalala ito: "Hall Chief Xiong, kumalma ka. Mabuti ang intensyon ng Mahal na Crown Prince. Alam niyang malubhang napinsala si Miss Qu at labis siyang nag-alala kaya naman hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Gayunpaman, alam naman naming lahat kung ilang taon pa lang si Miss Jun...at mukhang wala pa itong sapat na kaalaman sa medesina. Pero sa huli, maganda pa rin ang intensyon ng Crown Prince. Kahit na hindi tama ang naisipan niyang solusyon, buti na lamang at hindi lumala ang kalagayan ni Miss Qu. Bukod pa doon, ginawa namin ang lahat ng aming makakaya para mapagaling ang kondisyon ni Miss Qu."

Kung papakinggan si Imperial Physician Li ay parang wala itong masamang intensyon. Ngunit ang totoo ay ibinubunton nito ang lahat ng sisi sa ginawang pangingialam ni Jun Wu Xie. Kung kaya't mas lalong lumala ang kondisyon ni Qu Ling Yue.

avataravatar
Next chapter