1020 Puso ng Batang Babae (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Inaasahan na iyon." Hindi na nabigla si Jun Wu Xie sa kaniyang narinig.

Para magawa ng Great Aunt na ikulong ang mga taong iyon ng ilang taon, ibig sabihin ay malaki ang kakayahan nito. Ibig sabihin din ay napaghandaan niya na ito.

Nagkibit-balikat si Qu Ling Yue. Matagal na panahon na niyang hindi nakikita ang kaniyang ina at nalulumbay siya dahil dito. Tuwing nakikita niyang bumabalik ang kamag-anak ng iba, nalulungkot siya dahil ang kaniyang ina ay hindi pa rin nakakabalik.

Napansin naman ng itim na pusa ang lungkot sa itsura ni Qu Ling Yue kaya naman ay kinalabit niya si Jun Wu Xie gamit ang buntot nito.

Tumingin naman si Jun Wu Xie sa pusa at napansing may nais itong ipabatid.

"Meow"

[Mistress, hindi mo ba napansing naparito si Young Miss Qu para manghingi ng kasiguraduhan?]

Nagtaas ng isang kilay si Jun Wu Xie. Bihira lang siyang magsabi ng tungkol sa kaniyang plano at iyon ang kaniyang nakagawian. Walang alam si Qu Ling Yue sa tinatakbo ng kaniyang isip tungkol sa kaniyang balak sa Thousand Beast City ngunit umaasa pa rin itong siya ay matutulungan.

Biglang nagsalita si Jun Wu Xie: "Nasa labas na ng lungsod sina Qiao Chu at kapag nagsimula nang kumilos ang mga taong iyon ay susundan ito nila Qiao Chu. Malalaman nila kung saan ikinulong ang mga taong kinuha ng babaeng iyon."

Gaya ng inaasahan, matapos marinig ni Qu Ling Yue ang sinabing iyon ni Jun Wu Xie ay nag-angat siya ng tingin at nabuhayan ng pag-asa.

Naintindihan naman ni Jun Wu Xie kung bakit sinabi iyon ng itim na pusa nang kaniyang makita ang galak at tuwa sa bilugang mata ni Qu Ling Yue. Simple lang ang kaniyang sinabi ngunit nabuhayan na si Qu Ling Yue ng pag-asa.

Inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at hinaplos ang ulo ni Qu Ling Yue. Isa itong bagay na natutunan niya kay Jun Wu Yao.

"Makakaasa ka. Anumang pinagako ko sa'yo ay matutupad." Hindi sila maaaring magkamali sa pagkuha ng mapa.

Bahagyang natigilan si Qu Ling Yue habang siya ay nakatitig kay Jun Wu Xie. Ang lamig sa mga pares ng mga mata ni Jun Wu Xie ay animo'y biglang naglaho ng oras na iyon. Sa mga oras na iyon ay hindi nakakatupok ang kaniyang mga titig.

Kahit na may katagalan na ring kilala ni Qu Ling Yue si Jun Xie, naiilang pa rin siya sa paraan ng pagtingin nito. Ilang beses siyang humugot ng lakas ngayong araw para lang sa simpleng pagpunta niya dito ngayon. Mas bata sa kaniya si Jun Xie ngunit kahit kailan ay hindi niya minaliit ang kakayahan nito.

Sa kaniyang puso, si Jun Xie ay isang makapangyarihan at matalinong bata.

Nagitla si Qu Ling Yue dahil sa ginawang paghaplos ni Jun Xie sa kaniyang buhok.

Malamlam ang mga mata nito. Sa hindi niya malamang dahilan, mas lalong naging kaakit-akit ang itsura ni Jun Xie. Mas kaakit-akit pa ito kaysa doon sa lalaking kumuha ng atensyon sa Flame Spirit Auction House.

Sa mga oras na iyon, animo'y libo-libong kabayo ang nagtatakbuhan sa puso ni Qu Ling Yue. Ang kaniyang paghinga ay naaapektuhan na din.

Tumingin naman si Jun Wu Xie sa namumutlang mukha ni Qu Ling Yue. 

Bilang duktor, naisip niyang hindi maganda ang pakiramdam ni Qu Ling Yue. Mas malapit ang loob ni Jun Wu Xie sa mga babae kaya naman walang pag-aalinlangang sinapo niya ang noo ni Qu Ling Yue.

avataravatar
Next chapter