1019 Puso ng Batang Babae (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tuyo at payak kung ilalarawan ni Jun Wu Xie ang kaniyang natitirang araw sa Thousand Beast City. Halos hindi siya lumabas ng kaniyang silid. Maging si Qing Yu ay hindi nakikita si Jun Xie sa Fiery Blaze Clan Hall. 

Tuwing inaaya niya si Jun Xie na ipapasyal niya ito sa Thousand Beast City ay agad siyang tinatanggihan nito.

Kaya naman ay nagkaroon si Qing Yu ng bakanteng oras para gampanan ang kaniyang mga tungkulin.

Bumaba si Qu Ling Yue sa Fiery Blaze Clan Hall sa ikalimang araw ng pamamalagi doon ni Jun Xie. Naaasiwa siyang kumatok siya sa pinto ng silid ni Jun Xie.

"Young Master nariyan ba kayo?"

Dahan-dahang nagbukas ang pinto at inilabas noon si Jun Xie. Halos humagalpak ng tawa si Qu Ling Yue nang kaniyang makita si Jun Xie. Matapos mag-anyong lalaki si Jun Wu Xie ay kitang-kita pa rin ang malambot na itsura nito. Ngunit sa kabila ng maamong mukha nito, mababakas mo rin kung gaano kalamig ang pagkatao nito. Sa oras na iyon…

Bitbit ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa kaniyang bisig habang sa kaniyang magkabilang balikat ay nakapatong ang itim na pusa at ang malaking tengang kuneho. Sa unang tingin ay kaibig-ibig tingnan ang tatlong hayop na iyon.

Pinilit ni Qu Ling Yue na huwag tumawa sa harapan ni Jun Wu Xie.

"Pasok ka."

Sumunod naman si Qu Ling Yue kay Jun Xie. Nang siya ay tuluyang makapasok ay naamoyn niya ang halamang-gamot. Nakakagaan ng pakiramdam ang amoy non. Inikot niya ang kaniyang paningin para hanapin ang pinanggagalingan ng amoy na iyon.

"May kailangan ka ba?" Tanong ni Jun Wu Xie habang inilapag si Lord Meh Meh sa lamesa pagkatapos ay sunod na ipinatong din doon ang itim na pusa at ang Sacrificial Blood Rabbit. Mabuti na lang at kayang paliitin ng mga Guardian Grade Spirits na ito ang kanilang mga katawan kung hindi ay mahihirapan si Jun Wu Xie na dalhin sila ng sabay-sabay.

"Malapit nang magtapos ang buwan at pinapunta ako dito ni Papa para tanungin ka kung may nabuo ka na bang plano." Saad ni Qu Ling Yue naging seryoso na ang itsura nito at nawala na ang ngiting nasa mukha nito kanina.

"Wala." Kalmadong sagot ni Jun Wu Xie.

Bahagyang nagulat si Qu Ling Yue. Ilang araw nang naririto sa Thousand Beast City si Jun Xie at hindi niya pa ito nakikitang kumikilos. Hindi naman sa hindi siya naniniwala sa kakayahan ni Jun Xie, pero dahil sa wala siyang alam na kahit ano sa binabalak ng taong nasa kaniyang harapan, medyo nakakaramdam siya ng kaba.

"Hindi mo ba tatanungin ang mga taong nanggaling doon? Tanungin sila kung saan sila ikinulong?" Maingat na tanong ni Qu Ling Yue.

Umiling si Jun Wu Xie. "Hawak ng taong iyon ang buong Thousand Beast City, sinumang lumapit sa mga taong iyon ay malalaman niya. Higit sa lahat...dahil sa pinalaya niya ang mga taong iyon, ibig sabihin ay wala silang kaalam-alam kung saan sila kinulong. Magsasayang lang ako ng oras at magbibigay lang ako ng hudyat sa kaaway."

Ang tamang paraan para solusyunan ang problemang kinakaharap ng Thousand Beast City ay manggagaling sa labas.

Muling nagsalita si Qu Ling Yue: "Young Master Jun, tama ka sa'yong hula. Ang mga taong nakulong ay tinanong ng kanilang mga pamilya kung saan sili ikinulong ngunit wala silang maisagot. Sila ay nawalan ng malay pagkalabas ng Thousand Beast City at nang bumalik ang kanilang ulirat ay nandidito na sila ulit."

avataravatar
Next chapter