1189 Poppy Flower (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naningkit ang mata ng red robed man habang nakatitig kay Little Lotus na marahas na

iwinawasiwas ang punggok na mga braso at nakalantad ang munting mga ngipin, at ang dulo

ng kaniyang kilay ay bahagyang umangat ng kaniyang daklutin ang nagwawagayway na braso

ni Little Lotus.

"Matagal kitang hindi nakita at ngayon ay nakikita kong mas naging matapang ka na." Saad ng

red robed man habang nakatitig kay Little Lotus.

Ang nagngingitngit na si Little Lotus ay nakita ang kaniyang mga braso na mahigpit na hawak

ng red robed man at ang munting lakas niya ay hindi papantay sa kaniyang kalaban, ang

tanging nagawa na lamang niya ay nagmakaawang tumingin habang nakataas ang ulo, upang

makita ang kabilang partido na masama ang titig sa kaniya.

"Ikaw… Ikaw… Pakawalan mo ako…" Nabubulol na si Little Lotus.

Yumuko ang red robed man at tumingin kay Little Lotus na puno ang mata ng luha at sinabi

niya sa nag-uudyok na boses: "Ngayon, nais mo akong lumayo sa kaninong Mistress?"

"Ak… Akin…" lumabi si Little Lotus, nasa bingit na nang pagtangis.

"Oh?" ang isang kilay ng red robed man ay umarko pataas, isang pulang kislap ang nagliwanag

sa kaniyang mata.

"WAAAAH!!" Dahil sa pananakot, ang sapilitang katapangan na itinayo ni Little Lotus kanina ay

agad naglaho habang ito'y sumisigaw nang malakas, umagos sa kaniyang mga mata ang luha,

ang munting katawan niya ay nanginig na parang isang halaman na nahanginan, at kaawa-awa

ang hitsura.

Nakita ni Jun Qing at Long Qi ang lahat at sila'y gulat na gulat at namangha, nilamon ng

biglang alon ng mga impormasyon, hindi maunawaan kung ano ba talaga ang tunay

nannagyayari sa sandaling iyon. Ang tanging bagay na malinaw sa kanilang utak, ay may isang

munting bata na biglang lumitaw, ngunit bakit bigla itong umiyak?

Ang black beast ay muling nagbalik sa hitsura nitong pusang itim, inikot ang mga mata habang

itinaas ang kamay sa kaniyang mukha. Tungkol sa katangahang kilos ni Little Lotus, ay hindi na

niya mapilit ang sarili na panoorin pa iyon nang matagal.

[May ikatatanga pa ba ang munting ungas na iyon?]

[Kung iiyak lang din naman ito dahil sa sobrang takot sa konting salita mula sa tao, ano ang

dahilan at lumabas pa ito sa simula pa lang!!]

Tungkol sa pag-iyak ni Little Lotus, ang red robed man ay tila sanay na sanay na doon habang

tinititigan niya ang munting nilalang na halos lumuwa ang mata sa pag-iyak, at ang mata ng

red robed man ay puno ng masamang balak. Mahigpit niyang hinawakan sa isang kamay ang

munting kamay ni Little Lotus,at gamit ang kabilang kamay, tila alam na alam niya, ipinasok

niya iyon sa ilalim ng sapula ni Little Lotus…

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Little Lotus.

"Eh? Bakit wala iyon dito?" Matapos pakiramdaman, ay walang nadiskubreng kahit ano ang

red robed man at walang kahit ano sa kaniyang kamay, at hindi sanay doon ang red robed

man. Itinaas niya ang munting luhaang mukha ni Little Lotus at sinabi: "Munting ungas, nasaan

ang mga lotus seeds mo? Huwag mo sabihin sa akin na humina ka matapos makaalis sa Spirit

World na hindi mo na halos magawang magbunga ng lotus seed?"

"Ikaw! Pakawalan mo ako!! Waaaah…" Nagpatuloy sa nakakaawang pag-iyak si Little Lotus.

Tutuksuhin pa sana ito ng red robed man ngunit hindi inaasahan, isang munting kamay ang

dumiin sa kaniyang braso, at sinagip si Little Lotus sa masama niyang mga kamay.

Kinuha ni Jun Wu Xie si Little Lotus at inalagay sa kaniyang tabi, na grabe ang pag-iyak at habol

ang hininga sa bawat hikbi. Ngayon ay napagtanto na niya, na nang sabihin ni Little Lotus na

hindi na ganoon karami ang lotus seeds niya dahil kinain ng mga "lalaking iyon". nahulaan niya

na ang lalaking ito na nasa kaniyang harapan, ay isa sa miymebro na kumain ng kaniyang lotus

seeds.

"Mistress!!" Tumingin si Little Lotus kay Jun Wu Xie na ang mga mata ay basa dahil sa luha at

natumba sa mga braso ni Jun Wu Xie upang ipagpatuloy ang kaniyang malakas na pag-iyak, na

para bang dumanas siya ng matinding kawalan ng katarungan.

Ni sa panaginip ni Little Lotus, ay hindi kailanman niya naisip na makikita niya ang red robed

man doon. Alam ng Heavens, na nanlalambot ang kaniyang mga binti sa sandaling makita niya

ang lalaki. Noon sa Spirit World, ang lalaking iyon ay isa sa mga salbahe na gustong-gusto

siyang apihin.

Naisip niya na ngayong nakadikit na siya sa kaniyang Mistress at nilisan ang Spirit World, ay

maiiwasan na niya ang mga tampalasan na iyon. Ngunit hindi niya inaasahan…

May isang dumating ngayon sa pintuan!

Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Little Lotus na ang buong buhay niya ay wala ng pag-asa sa

hinaharap!

avataravatar
Next chapter