81 Pinagandang Wood Bead (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gamit ang Pinagandang Wood Bead, makakapagcultivate siya ng kaniyang sariling buhay dito. At para matulungan si Little Lotus na magkaroon ng maayos na paligid at ito ay makapagsanay sa plant type na contractual spirit, pinuno ni Jun Wu Xie ang kanyang bakuran ng iba't ibang halaman. Magandang pinagmumulan ng enerhiya ang mga pananim kaya naman malaki ang maitutulong nito kay Little Lotus.

Hawak ni Little Lotus ang Pinagandang Wood Bead nang siya ay tumungo sa lotus pond. Sa gitna ng magagandang pink na bulaklak ng lotus ay ang puting lotus.

Kaya naman napakadaling alagaan ng plant type na contractual spirit! Itanim mo lamang sila kung saan sila naaayon...tapos!

Kailangan ni Little Lotus ng panahon na mag-cultivate mag-isa at hindi sa tulong ni Jun Wu Xie simula ngayon. Ngunit hindi naman ito masyadong pinagtutuunan ng pansin ni Jun Wu Xie sapagkat maingat niyang inaalagaan ang mga buto ng lotus na kanyang binabantayan sa kaniyang kwarto.

Sa loob lamang ng isang gabi, ang lotus basin na puno ng Jade Nectar ay nangalahati na, habang ang mga buto ng lotus seed na naroroon ay nagpapakita na ng pagsibol.

Ang proseso nito ay sadyang napakabilis!

Kahit na ang kaunti pa lamang ang nakukuhang spirit energy ni Jun Wu Xie, mabilis maubos ang Jade Nectar. Kapag magpapatuloy ito, aabutin lamang ng dalawang araw bago tuluyang maubos ang nasa bote ng Jade Nectar. Dahil dito, kakailanganin niyang bumalik sa Palasyo para kumuha ulit.

Nakarinig si Jun Wu Xie sa kaniyang pinto kung kaya't hinarap niya ito at sinabing: "Pasok."

Naghintay siya ng ilang sandali ngunit walang pumasok. Dahil dito, tinungo niya ang pinto at binuksan. Wala siyang nakitang tao pero may isang napakagandang jar ang nasa sahig sa labas lamang ng pinto.

Binuksan ni Jun Wu Xie ang cover ng jar at ang matapang na amoy ay umalingasaw sa buong silid. Ito ay katulad ng amoy ng Jade Nectar.

Ang amoy na nanggagaling sa jar ay mas matapang kumpara sa Jade Nectar.

"..." Hindi na kailangan pang isipin kung kanino ito nanggaling.

Hawak-hawak niya ang jar ng siya ay umalis sa kaniyang silid, ang mahinang tawa ni Jun Wu Yao ay maririnig habang nakatingin kay Jun Wu Xie.

Sa isang banda, si Jun Qing ay nagsusulat ng kung anu-ano kasama ni Long Qi na tahimik sa isang tabi.

Nang pumasok si Jun Wu Xie sa silid, lumiwanag ang mukha ni Jun Qing.

"Wu Xie."

"Uncle, ang wine na ito ay para sa'yo." Inilapag niya ang jar ng wine sa mesa.

"Jade Nectar?" ang kaniyang paboritong pamangkin ay nakatanggap ng Jade Nectar galing kay Mo Qian Yuan kung kaya naman siya ay napangiti.

"Hindi po ito yun."

"Maaari ko na bang inumin ang wine? Kakayanin kaya ng katawan ko?" ayaw nang magtanong pa ni Jun Qing patungkol sa wine.

"Mga ilang bilang sa maliit na baso po siguro. Ang kalidad ng wine na ito ay hindi naman ganun kasama." Walang kahit anong interes si Jun Wu Xie sa wine. Maliban sa Jade Nectar na para sa kaniyang pagtatanim.

Maayos naman ang wine na ito pero hindi ito makakatulong sa kaniyang 'pagtatanim' kaya naman wala itong pakinabang sa kaniya.

"Napakabait mo talaga, salamat." nakangising saad ni Jun Qing.

Tumango din si Jun Wu Xie at umalis na. Yumukod naman si Long Qi bilang tanda ng pagrespeto.

Ang matangkad na tao ay nasa labas lamang ng silid at pinapanood ang nangyari doon galing sa bintana. Nakita niya ring pinamigay ni Jun Wu Xie ang wine na kaniya namang regalo. Siya ay napangiti, kapag nakita niyang ibinubuhos nito sa basin ang wine siya siguro ay magagalit.

Hindi ininom ng babaeng ito ang wine sa halip ay ginagamit nito sa pagpapatubo ng buto ng lotus, nakakawili naman.

Kung ginamit ito para sa pagtatanim ng bulaklak ay walang kaso sa kaniya.

Ang Jade Moon ay mas mataas na kalidad ng wine kumpara sa Jade Nectar, kaya naman hindi na siya masyadong nabahala ng narinig niya silang nagsabi ng "ang kalidad ng wine na ito ay hindi naman ganun kasama."

Ang ibigay ito sa iba imbes na gamitin sa mga bulaklak, ay mas maayos hindi ba?

Makalipas ang dalawang araw, muling tumungo si Jun Wu Xie sa Palasyo para bisitahin ang Crown Prince at umuwi siyang may dalang isang jar ng Jade Nectar.

Pinakamamahal ni Crown Prince ang Jade Nectar. Kahit na ang pera ay hindi ito kayang bilhin at ibinibigay lamang kay Jun Wu Xie sa tuwing ito ay bumibisita. Sinisugurado niyang lagi itong may dalang Jade Nectar sa pag-uwi.

Nang ito ay napadalas at napuna ng karamihan, ipinagpares na silang dalawa. Hindi makalimutan ni Mo Xian Yuan nang siya ay insultuhin ni Mo Qian Yuan sa mismong kaarawan nito.

Isang araw nang bumisita si Jun Wu Xie, sinadyang dalhin ni Mo Xuan Fei si Bai Yun Xian sa bahay ng Crown Prince.

Maraming naging bersyon ang usap usapang ito kaya sila ay natatawa na lamang.

avataravatar
Next chapter