1033 Piging ng Kaarawan (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bago ito, si Lin Que at Lin Feng ay nag-usap upang maisisi kay Jun Wu Xie ang nangyari. Akala nila hindi

na pagtutuunan ng pansin ni Qu Xin Rui ito ngunit biglang binanggit ito ni Qu Xin Rui at sinagot pa ito ni

Jun Xie…

Lalong ikibahala ni Lin Feng ito. Kung magduda si Qu Xin Rui kung nagsabi ba ng totoo ang kaniyang ama

na si Lin Que at malaman nito na ito ang nagdala sa Devious Wyvren upang gumawa ng gulo kay Jun Wu

Xie, mahihirapan siyang sagutin ito.

Nang marinig ni Qu Xin Rui ang sinabi ni Jun Xie, sumingkit ang kaniyang mga mata at lumipat ang

kaniyang tingin sa kay Lin Feng na naktungo ang ulo at mukhang kinakabahan. Hindi siya nagsalita kay

Lin Feng at nilingon muli Jun Xie at ngumiti, "Ang Devious Wyvern arm mahalaga sa akin, ngunit dahil ito

ay wala na, sa gayon ito ay wala na nga at ang Young Master Jun ay hindi dapat magsisi tungkol doon.

Ngunit ako ay nagtataka, pagkatapos na kainin ng buo ng iyong Spirit Beast ang Devious Wyvern, may

ipinakita ba itong kakaiba? Ang Devious Wyvern ay hindi ordinaryong Spirit Beast at ang natatangi nitog

abilidad ay hindi alam ng normal na tao."

Nagbago ng kaonti ang ekspresyon ni Jun Wu Xie. Ang mga katagang binitawan ni Qu Xin Rui ay tila hindi

isinisisi asa kaniya ang pangayayri bagamat nagpaparating ng kagandahang loob. Napagtanto ni Jun Wu

Xie na si Qu Xin Rui ay nag-iisip na sabihin sa kaniya ang natatanging abilidad ng Deviuos Wyvern!

Tungkol sa Devious Wyvern, walang gaanong alam si Jun Wu Xie tungkol dito ngunit ngayon napagtanto

niya na ang Devious Wyvern ay hindi isang ordinaryong Spirit Beast.

Dahil kung hindi, hindi gagalaw ang taga Twelve Palaces upang makuha ito at dahil din sa Devious

Wyvern, ang Soaring Serpent at Golden Seed sa loob ng kaniyang katawan ay hindi mapakali?

Ang Soaring Serpent ay gusto ang Devious Wyvern at hindi ito mapakali.

Sa tingin ni Jun Wu Xie hindi sinasabi ng Soaring Serpent ang buong katotohanan at dahil si Qu Xin Rui

ay mukhang gustong linawin ang kaniyang pagdududa, bakit kailangan niyang tanggihan ito?

"Ang aking Spirit Beast ay wala namang kakaibang ipinapakita ngunit kung may gustong sabihin si

Ginang Qu, ang mapagpaumanhing si Jun Xie ay makikinig ng mabuti." Dahil pakiramdam niya

nagpapakita ng kagandahan loob si Qu Xin Rui sa kaniya, kahit hindi niya alam kung ano ang rason sa

likod nito.

Kung mayroon ng ato na nagbibigay ng tulong, bakit hindi niya tatanggapin?

Sa tingin ni Qu Xin Rui ay kumagat si Jun Xie kung kaya patuloy siyang ngumiti at nagsabi, "Ang Devious

Wyvern ay nagpapalit ng balat tatlong beses sa buong buhay nito. Sa una, ang Devious Wyvern ay isa

lamang high grade Spirit Beast. Ngunit pagkatapos ng pagpapalit nito ng balat, ito ay magiging Guardian

Grade Spirit Beast. Sa buong mundo, ang abilidad na ito ay natatatangi lamang sa Spirit Beast na ito.

Alam ba ni Young Master Jun kung saan nanggaling ang ganitong abilidad ng Devious Wyvern?"

Umiling si Jun Wu Xie.

Nagpatuloy si Qu Xin Rui, "Ang sabi sa alamat, ang Devious Wyvern ay isang Spirit Beast na ipinanganak

mula sa spiritual bodies mula sa kalangitan at sa lupa at ipinanganak ito na may spirit na mas malakas

kaysa sa katawan nito. Ang spirit ng Devious Wyvern ay iba sa ibang mga Spirit Beast at sinasabing sa

loob ng spirit ng Devious Spirit, isang malakas na kapangyarihan ang tinataglay na nanantiling nakatago,

isang kapangyarihan na magbibigay ng daan sa mga tao papunta sa Spirit World…"

"Spirit Wprld?" bahagyang ikinagulat ito ni Jun Wu Xie. Ang katagang iyon ay hindi bago sa kaniya dahil

makailang beses nang nabanggit ni Drunk Lotus ito sa kaniya. Ngunit hindi malinaw na naipaliwanag sa

kaniya ang tungkol dito ni Drunk Lotus. Ang Spirit World ay ang lugar kung saan matatagpuan ang mga

ring spirit bago ito magising.

Hindi naisip ni Jun Wu Xie na maririnig niyang muli ang mga katagang iyon, Spirit World, at manggagaling

pa sa kay Qu Xin Rui!

"Ang Spirit World. Yan ang lugar kung saan walang kahit isa ang nakakapunta pa. Tanging ang mga spirit

lamang ang nakakapsok sa lugar na iyon." Tipid na ngumiti si Qu Xin Rui, ang kaniyang mga ay marahang

humahaplos sa bandang dibdib niya, ang kaniyang tingin ay nakakaakit!

avataravatar
Next chapter