1032 Piging ng Kaarawan (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi tumanggi si Jun Wu Xie sa alok ni Qu Xin Rui at naglakad papunta sa itinuro ni Qu Xin Rui. Lahat ng

mga paboritong lalaki na nagsisilbi kay Qu Xin Rui ay tiningnan si Jun Wu Xie na puno ng pagdisgusto ang

mga mata.

Nang makaupo na si Jun Wu Xie sa tabi ni Qu Xin Rui, nilipat niya ang kaniyang atensiyon sa grupo ng

kalalakihan na nakaluhod sa kaniyang harapan.

"Tumayo na kayong lahat." Natatamad na sabi niya.

Qu Wen Hao at ang kasamahan nito ay dahan-dahang tumayo at naghanap ng mauupuan.

Si Lin Feng ay nakatitig kay Jun Xie. Akala niya, magagalit si Qu Xin Rui dahil sa hindi pagbigay ng respeto

ni Jun Wu Xie dito at hindi niya inaasahan sa malugod nitong pagtanggap kay Jun Wu Xie at pinaupo pa

sa tabi ni Qu Xin Rui sa kung saan ang dating puwesto ng kaniyang ama.

Alam ng lahat na ang puwestong iyon ay hindi naupuan ni Qu Wen Hao ngunit ito ay puwesto ng

kaniyang ama na si Lin Que. Ang pagtrato ngayon kay Jun Wu Xie ay tila katulad ng sa posisyon na taglay

ng kaniyang ama.

Hindi ni Lin Feng maintindihan kahit pinag-isipan niya na ng maigi, hindi niya maintindihan kung bakit si

Qu Xin Rui ay biglang naging mapagpatawad. Sinabi ng kaniyang ama na nandiyan siya upang isisi ang

insidente sa Devious Wyvern sa kay Jun Xie. Ngunit ng bumalik si Lin Que, siya ay pinarusahan at

sinabihang pag-isipan ang kaniyang mga ginawa. Kung kaya inisip ni Lin Feng na nagawan na ng solusyon

ni Qu Xin Rui ito ng mga panahong iyon, ngunit ikinagulat niya ng makita niya si Jun Wu Xie sa piging

ngayong araw at napagtanto niya na nagkamali siya.

Ang katotohanang hindi na binigyang pansin ni Qu Xin Rui at pinalagpas nito ang nagawang kasalan dahil

sa pakiusap ng kaniyang ama. Ngunit bakit mabilis na pinalagpas ni Qu Xin Rui ay hindi pagbigay ng

respeto ni Jun Xie dito? At ito ay mainit pang tinanggap sa piging.

Dahil hindi niya matanggap ang pag-agaw ni Jun Wu Xie sa pansin ni Qu Xin Rui, siya ay mabilis na

tumayo. Itinaas niya ang kaniyang kopa na may lamang alak at sinabi kay Qu Xin Rui, "Isang pagbati sa

dakilang tiyahin, nais kong ipaabot ang aking malugod na pagbati sa kaarawan ng dakilang tiyahin at

hinihiling ko na magkaroon ng maraming biyaya at magandang kalusugan bawat taon."

Ang atensyon ni Qu Xin Rui ay nakatuon kay Jun Wu Xie at dahil sa biglang pagbati ni Lin Feng, siya ay

bumalik sa kaniyang kamalayan.

Si Lin Feng ay namumukod-tangi at kahinaan ni Qu Xin Rui ang magagandang lalaki kung kaya naman

pinapaboran niya si Lin Feng.

"Little Feng, mukhang tumangkad ka ng kaunti ngayong taon at lalo kang namumukod-tangi. Ang maliit

mong bibig ay tila nilagyan ng pulut-pukyutan." Saad ni Qu Xin Rui habang nakangiti.

Lihim na ikinatuwa ni Lin Fen gang natanggap na pagpuri sa kaniya at ininum sa isang lagok ang laman ng

kaniyang kopa.

Uminom din si Qu Xin Rui mula sa kaniyang kopa at ng mailapag muli ang kopa ng alak sa mesa, muling

binalik ang atensyon kay Jun Wu Xie.

"Narinig ko na si Young Master Jun ay may isang Spirit Beast at ito ay isang Guardian Grade Spirit Beast

na bibihira lamang makita kahit sa ilang daang taon. Nakakahanga ito. Ngunit bakit hindi mo ito dala

ngayon?"

Sagot ni Jun Wu Xie, "Masyadong malikot."

Tumawa lamang si Qu Xin Rui. "Mukha ngang masyadong malikot ito. Narinig ko na dinala mo ito sa

isang Spirit Beast Arena. Ang mga Guardian Grade Spirit Beast ay mga hambog at malalakas na halimaw

na mahirap amuhin at ang katotohanan na si Young Master Jun ay npaamo ang isa ay siyang kahanga-

hanga. Ang lahat na mababa sa Guardian Grade Spirit Beast ay walang mga kwenta at nakakaawa ang

aking Devious Wyvern. Ngunit mayroon ako ng ibang gamit pa sa kaniya at hindi ko naisip na ito ang

idadala sa Spirit Beast Arena kung saan nakain ng buo ng iyong Spirit Beast at walang kahit isang buto

ang tinira."

Mukhang malungkot na tiningna ni Qu Xin Rui si Jun Wu Xie, kahit ang kaniyang edad ay higit isang

daang taon na, ang kaniyang pag-galaw ay marahan at kaakit-akit pa rin. Ang mukha nito ay mas

malambing pa at kaakit-akit.

Nagsalita si Jun Xie bilang tugon, "Kakarating ko lamang sa lugar na ito at hindi ko alam na ang Devious

Wyvern na iyon ay pagmamay-ari ni Ginang Qu. Nakita ko lamang dala-dala ito ng isang kabataan na

hinamon ako at tinggap ko ang hamon nito."

Hindi naisip ni Lin Fen na babanggitin ni Qu Xin Rui ang bagay na iyon tungkol sa Devious Wyvern at

nang marinig niya ang tugon ni Jun Xie, ang kaniyang puso ay lumubog.

avataravatar
Next chapter