1035 Piging ng Kaarawan (10)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Qu Xin Rui at Jun Xie ay mukhang nagkakasundo at dahil dito higit na nagtataka at naguguluhan ang

ibang mga tao na naroon sa piging.

"Tadhana ang nagtagpo sa atin at dahil si Young Master Jun ay pumunta sa Thousand Beast City bilang

panauhin, kung sa gayon ay ikaw ay bisita ng buong Thousand Beast City." Saad ni Qu Xin Ruin nang

nakangiti, at pagkatapos ang tingin niya ay lumipat kay Lin Feng na ang mukha ay mababakas ang

pagkalumbay. "Little Feng, ang hindi niyo napagkasunduan ni Jun Xie dati ay dapat maayos ngayong

araw. Hindi ba isang magandang pagkakataon itong aking piging ng kaarawan upang alokin si Jun Xi eng

isang tagay?"

Pagkatapos sabihin ito, si Qu Xin Rui nag-utos na kumuha ng dalawang kopa ng alak at inilagay sa harap

ni Lin Feng.

Makikita ang pagkabigla sa mukha ni Lin Feng!

[Gusto ni Qu Xin Rui na humingi ako ng paumanhin kay Jun Xie sa pamamagitan ng pagtagay?]

Hindi makapaniwala si Lin Feng sa narinig. Matatanggap pa niya ang pagbanggit ng Qu Xin Rui sa alitan

niya kay Jun Xie noong nakaraan at pati na rin ang pagiging mabait nit okay Jun Xie ngayong araw,

Ngunit… ngayon gusto niya na humingi siya ng paumanhin kay Jun Xie na siyang kinasusuklaman niya na

kung may pagkakataon lamang ay gugustuhin niyang pagpira-pirasuhin? Paano nangyari ito?!

Kinasusuklaman ni Lin Feng si Jun Xie at ngayon inaasahan nilang hihingi siya ng paumanhin sa

pamamagitan ng pagtagay sa harap ng lahat. Isa ito pagpapahiya sa kaniya. Papaanong mapapalampas

ito ni Lin Feng?

Mababakas ang pagdilim ng mukha ni Lin Feng, ang kaniyang kamao ay mahigpit na nakakuyom at hindi

ito nagustohan ni Qu Xin Rui. Napansin ni Lin Feng ang galit sa mukha ni Qu Xin Rui kung kaya mmabilis

niyang inangat ang kaniyang manggas, tanda ng pagsunod sa utos nito.

Nagtagis ang mga bagang ni Lin Feng at nanggigigil na tiningnan ang dalawang kopa ng alak sa kaniyang

harapan, ang kaniyang mukha ay puno ng pagkayamot.

Ilang saglit lang, lahat ng galit at pagkayamot na mababatid sa mukha ni Lin Feng ay biglang nawala at

kung titingnan ito, parang nakalimutan nito ang lahat ng hindi pagkakaunawaan kay Jun Xie. Bigla itong

ngumuti at tumayo, bitbit ang dalawang kopa ng alak at naglakad palapit kay Jun Xie.

Ang biglang pagbabago ni Lin Feng ay ikinagulat ng lahat at ikinatuwa ito ni Qu Xin Rui.

Habang pinapanood siya ng lahat, hawak-hawak ni Lin Feng ang dalawang kopa ng alak at may

kakaibang ngiti sa mukha nito. Sa pag-ikot niya kanina, gamit ang dulo ng daliri ng isang kamay, mayroon

siyang ipinahid sa isa sa mga kopa ng alak nang hindi napapansin ng lahat.

"Young Master Jun, lahat ng ginawa ko ng nakaraan ay dahil sa aking murang edad at kapangahasan.

Kung may hindi man tayo napagkasunduan noong nakaraaan, hinihiling ko na limutin na ito ni Young

Master Jun." saad ni Lin Feng nang may hindi sinserong ngiti, at iniabot ang isang kopa kay Jun Xie.

Tumaas ang kilay ni Jun Xie at tiningnan si Lin Feng na biglang nag-iba ang galaw. Ang kaniyang malamig

na tingin ay lumipat sa kopa na inaalok sa kaniya ni Lin Feng.

Akala ng lahat hindi pagbibigyan ni Jun Xie ang inaalok ni Lin Feng, si Jun Xie ay biglang tumayo at kinuha

ang kopa sa kamay ni Lin Feng.

"Dahil ang lahat ay dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan, kung sa gayon ito ay limutin na natin."

Pagkatapos sabihin ito, inangat ni Jun Xie ang kopa at ininom ang alak na laman nito.

Pinanood ni Lin Feng ang pag-inom ni Jun Xie at ang kaniyang mga mata ay puno ng malisya bago niya

ininom ang sariling alak sa hawak na kopa.

"Sa nangyari ng nakaraan, ako ay may pagkakamali rin." Si Lin Feng ay babalik na dapat sa kaniyang

kinauupuan ngunit pinigila siya ni Jun Xie at tinawag nito ang nagsisilbi ng alak na nasa tabi.

Ang tagasilbi ay dinala ang bote ng alak sa mesa nila Jun Xie at kinuha ito ni Jun Xie upang lagyan ang

kaniyang kopa ng alak at pagkatapos nilagyan ang kopa na nasa kamay ni Lin Feng.

Tiningnan ni Lin Feng si Jun Xie nang magkasalubong ang mga kilay. [Napansin ba nito?]

Ngunit habang iniisip niyang muli ang ginawa, alam niyang pasikreto niyang nailagay iyon kaya

imposibleng maghinala si Jun Xie.

"Sa pamamagitang ng isang kopa ng alak, ang lahat ay nakaraan ay nakalipas na." saad ni Jun Xie at

inangat ang kamay at ininom ang alak.

avataravatar
Next chapter