466 Perks of Being Cute (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga sumunod na araw, naglibot-libot ang grupo nina Jun Wu Xie sa Beast Spirits Forest at ang bilang ng mga Spirit Stones na nilalagay sa cosmos sack ay nadadagdagan ngg nadadagdagan. Kahit na iyon ay mga maliliit lang na spirit stones na nakuha galing sa mababa bang antas ng Spirit Beasts, ang dami non ay may dulot na maganda sa grupo.

Sa loob ng ilang araw na iyon, marami silang mga nakasalubong na mga grupo, ngunit halos lahat ay galing sa branch division at ang mga disipulo sa grupong iyon ay madalas na ninenerbiyos pag nakikita ang grupo nina Jun Wu Xie.

Ang pamantayan para sa pagsusuri ng Spirit Hunt ay base sa bilang ng spirit stones na makukuha ng bawat disipulo sa pagtatapos ng event. Kaya naman bukod sa pangangaso ng Spirit Beasts, ang ibang mas malalakas na grupo ay nangunguha ng spirit stones ng mga mas mahihinang grupo, at iyon ay kadalasang ang mga grupong galing sa branch division. Ang kakayahan ay kapangyarihan ng mga grupong galing sa branch division ay madalas na mas mababa sa mga nasa main division. Ang kanilang nakukuha lang ay ang mga Spirit Beasts na nasa mababa ng antas, dahilan para sila ay kulangin sa paghahati-hatiang bilang ng spirit stones. Bukod doon, kapag may nakakasalubong silang grupo na galing sa main division, sapilitang kinukuha sa kanila ang mga spirit stones na kanilang nakalap.

Resulta niyon ay kapag natutunugan nilang may mga grupong galing main division na papalapit sa kanila, nagtatakbuhan ang mga ito.

Karamihan sa mga nasa main division ay iniiwasan ang grupo nina Fan Jin. Kahit na sila ay natutukso nang nakawan ang "pinakamahinang grupo", sila ay nag-iingat dahil sa presensiya ni Fan Jin, hindi nangahas ang mga itong gumawa ng bagay na alam nilang ikakagalit ng huli.

"Nabalitaan kong ang Battle Spirits Forest daw ay puno ng panganib, bakit pakiramdam ko ay nababalot ako?" Saad ni Qiao Chu habang ang kamay nito ay nasa likod ng kaniyang ulo. May kagat-kagat din itong damo sa bibig nito habang naglalakad.

Napapagod siya sa ilang araw nilang paglalakd na walang ginagawa.

Humarap naman si Fan Jin kay Qiao Chu. Pagkalipas ng ilang araw niyang pakikisalamuha sa grupo, nakabawi na ang kaniyang puso sa pagkabigo.

Matapos niyang masaksihan ang kakayahan nina Qiao Chu at ng mga kasama nito, napagtanto niyang kahit pa pagsama-samahin ang kapangyarihan ng nangungunang sampung disipulo ng Zephyr Academy, hindi uubra ang mga ito sa kaniyang kasalukuyang grupong kinabibilangan.

Ang tuso at walang awang Spirit Beast ay biglang naging maamong tupa na naghihintay na katayin ng mga halimaw niyang kagrupo.

Bukod pa sa...

Tumingin si Fan Jin sa matangkad at malaking Yin Yang Bear, si Rolly.

Simula nang pagalingin ni Jun Xie si Rolly, hindi nagkaroon si Qiao Chu ng tsansa na pabalikin si Rolly sa Spirit World. Tuwing susubukan iyon ni Qiao Chu, magmamadali si Rolly na pumunta sa tabi ni Jun Xie at ipapakita ang matambok nitong tiyan, pagkatapos ay hihimasin naman iyon ni Jun Xie.

At tuwing nangyayari iyon...

Isang masamang tingin ang natatanggap ni Qiao Chu galing kay Jun Xie. Wala itong magagawa kundi ang umiyak ng walang luha sa isang tabi dahil patuloy siyang pinapahiya ng kaniyang sariling ring spirit.

Mas lumala pa ngayon. Napagdesisyunan ni Rolly na isakay si Jun Xie sa likod nito.

Dahil sa presensiya ng malaking ring spirit na katulad ni Rolly, ang mga nasa mababang antas Spirit Beasts sa rehiyon ng Battle Spirit Forest ay natatakot kay Rolly kaya naman nagsisitakbuhan ang mga ito. Dahilan para walang makuha ang grupo na kahit isang maliit na kuneho.

Sa buong araw na ito, wala silang ni isa man lang nakitang nasa mababang antas ng Spirit Beast, habang si Qiao Chu ay gusto nang kainin ng buo ang kaniyang ring spirit.

Natutuwa naman si Jun Xie habang ito ay nakaupo sa balikat ni Rolly. Nasisiyahan siyang hawakan ang makapal na balahibo Rolly ng biglang nagsalubong ang kaniyang kilay. Nakaamoy siya ng dugo na dinadala dito ng hangin!

avataravatar
Next chapter