465 Perks of Being Cute (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makumpleto ni Jun Wu Xie ang unang round ng pagpapagaling sa Double Headed Snake, nagpakita ng pag-igi ang kondisyon nito. Ang dalawang ulo nito kanina ng nakalaylay ay matikas nang nakaangat ngayon.

Matapos noon ay natumba si Jun Wu Xie.

Nang makita iyon nina Qiao Chu ay agad silang lumapit kay Jun Xie para saklolohan ito. Natakot silang baka dahil sa magkasunod na paggamot nito sa dalawang ring spirits ay napagod ito.

Ngunit bago pa man sila makalapit kay Jun Xie...

Nasalo na ito ng mabalahibong katawan ni Rolly. Halos nakalubog ito sa malambot na tiyan ng panda. Nagpakawala ng malalim na paghinga si Jun Wu Xie.

Lahat sila ay nahinto sa paglapit at maya-maya lang ay bumalik na sila sa kanilang dating pwesto.

Napagtanto nilang hindi naubos ang spirit power ni Jun Xie. Gusto lang nitong lasapin ang malambot at mabalahibong tiyan ng nasa likuran nito.

"Huh?" Yumuko si Rolly at tinignan ang nakahigang si Jun Wu Xie sa kaniyang tiyan. Hindi nito naiintindihan ang nangyayari.

"Mamaya na ang paggpapagaling." Tinapik-tapik ni Jun Wu Xie ang tiyan nito. Ngunit ilang sandali lang ay tumayo si Jun Wu Xie at tinitigan ang tiyan na ito.

"Hindi siya malambot." Nakasimangot na saad ni Jun Wu Xie.

"Wooo..." Malungkot namang hinimas ni Rolly ang kaniyang tiyan. sinusubukan na palambutin at patambukin ang sarili nitong balahibo.

Lumalim ang tingin ni Jun Wu Xie at naglabas ng spirit power sa kaniyang kamay. Nilagay niya ang kaniyang palad sa tiyan ni Rolly at ilang sandali lang ay nanumbalik na ang lambot non. Nang siya ay makuntento sa kaniyang nakita, tumalon siya muli sa nakaumbok na tiyan ng panda.

Sanay na ang itim na pusa sa kaniyang Mistress na marupok sa mga malalambot at mabalahibong bagay. Kalmado itong sumandal sa balikat ni Rolly.

Bumalik na si Fei Yan sa pwesto nito sa tabi ng lawa at malapad na nakangiti. Humarap ito kay Qiao Chu aat sinabing: "May nalaman akong isa pang abilidad ng iyong Rolly."

"Ano?" Tanong ni Qiao Chu.

"Ang pasayahin si Little Xie." Saad ni Fei Yan sabay hagalpak ng tawa.

Si Jun Wu Xie ay laging diretso lang at walang ekspresyon ang mukha. Minsan lang ito makikitang ngumiti tulad ngayon. Ang karangalan ay lahat natanggap ni Rolly dahil sa "pagsasakripisyo" ng katawan nito.

Nalukot ang mukha ni Qiao Chu at namula. Tumitig ito ng masama kay Fei Yan saka tumayo at nagdabog. Lumipat ito sa tabi ni Fan Jin.

"Sa lahat ng mga batang ito, wala ni isa sa kanila ang normal. Tingin ko ikaw ang pinakamatino sa aming lahat." Pakiramdam ni Qiao Chu ay pinagtutulungan siya ng kaniyang mga kasama kaya naman lumapit ito kay Fan Jin para magpakampi.

Napangisi si Fan Jin at naisip: [Isa ka ring abnormal kung isipin mo lang!]

Kahit na hindi pa lubusang nagpapagaling ang mga pinsalang natamo ng Double Headed Snake at ni Rolly, kung ibabase sa mga malalaking katawan nito at ang kapangyarihan naramdaman niya sa dalawang ring spirit, sigurado si Fan Jin na matataas ang antas ng dalawang ring spirit! Mas mataas pa sa mga ring spirit na nakita ni Fan Jin dati.

Ang mga kakayahan at kapangyarihan ng grupo ng mga disipulong galing branch division ay nilamangan pa ang nasa ika-apat na hanay ng Spirit's Tournament. Ang ring spirit nito ay dapat lang na magpakita ng respeto sa mga ring spirit ng mga ito.

Saan nagmula nag grupong ito na binuo ni Jun Xie? Lahat ng halimaw at malalakas na kabataang ito saan galing, tumubo sa bato?

Lahat sila ay katulad ni Jun Xie! Nakakatakot at napakalalakas!

Ang kumpiyansa sa sarili ni Fan Jin ay nadurog at naging abo sa harap nina Qiao Chu at ng mga kasamaan nito. Nakaramdam siya ng lungkot para sa mga disipulong nagmaliit sa grupong ito bago sila pumasok sa kagubatan. Hindi siya namumuno ng grupo ng mga parasitong sasandal at aasa lang sa kaniyang pagpoprotekta. Sa katunayan ay napunta siya sa grupo ng mga malalakas na higit pa sa kaniyang inaasahan!

avataravatar
Next chapter