464 Perks of Being Cute (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hiyang-hiya si Qiao Chu para tumingin pa kay Jun Xie. Ang kaniyang ring spirit ay aminado sa kawalang-hiyaan nito. Buti na lang at hindi nakakapagsalita ang Yin Yang Bear, kundi ay nasabi na nito ang nasa puso nito. Marahil ay tumalon na si Qiao Chu sa lawa sa sobrang kahihiyan.

Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie at tumingin sa mabalahibong nasa kaniyang harapan, nakayuko ito at nakaabot sa kaniya ang kamay nito. Lumalim ang kaniyang tingin at pinalo ang kamay ng Yin Yang Bear.

"Oww." Umungol ang Yin Yang Bear habang hawak ang kamay na pinalo. Ang mukha nito ay parang mangiyak-ngiyak habang nakatingin kay Jun Xie.

"Mas seryoso ang pinsalang natamo ng Double Headed Snake. Mauuna siya." Matigas ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie nang kaniya iyong sabihin sa Yin Yang Bear.

Humarap naman ang Yin Yang Bear sa hindi gumagalaw na Double Headed Snake na nasa lupa, pagkatapos ay muling humarap kay Jun Xie. Kumilos ito at inilapit kay Jun Xie ang Double Headed Snake. Umalog ang likuran nito ng muli itong gumalaw para umupo sa likuran ni Jun Xie.

Malaya namang nagawa ni Jun Wu Xie ang kaniyang Spirit Healing sa kabila ng siya aay parang nakakulong sa gitna ng Bear.

Hindi na kaya pang tagalan ni Qiao Chu na tignan ang kamangmangan ng kaniyang ring spirit. Humawak ito sa dibdib at sumandal sa balikat ni Fei Yan.

"Pwede ba akong humiling na palitan ang ring spirit ko? Sobra na to...hindi gagawa ng ganitong kahihiyan ang aking Rolly!"

Inaalala ni Qiao Chu si Rolly na kasinggiting ng Yin Yang Bear. Hindi niya matanggap na ang puti at itim na panda na nasa kaniyang likuran ngayon at nagpapa-cute ay ang kaniya mismong ring spirit na si Rolly.

Ang mga ring spirits ay spiritual bodies at kapag sila ay napinsala, hindi pareho sa tao ang sakit na kanilang nararamdaman. Kapag malubhang napinsan ang ring spirits, nanghihina sila ng sobra at para silang pinaparusahan ng sobrang sakit. Ang sakit na kanilang nararamdaman ay hindi kayang ilarawan ng salita ang sakit na iyon. Nang mapagtanto ni Rolly na kapag hinawakan siya ni Jun Wu Xie ay maiibsan ang sakit na kaniyang nadarama at gagaling ang kaniyang espiritu, wala na siyang pakialam sa iba, doon lang nakatuon ang kaniyang atensyon.

Hindi naman pinansin ni Jun Wu Xie ang panda na nagpapapansin pa rin sa kaniya. Inangat niya ang kaniyang kamay at naglabas ng spiritual energy sa palad nito at inilipat ito sa katawan ng Double Headed Bone Snake. Unti-unting nitong ginagamot ang mga pinsalang natamo nito.

Aakalaing madali lang ang pagpagaling sa napinsalang espiritu, ngunit ang pagsagawa noon ay komplikado. Walang tunay na anyo ang mga espiritu at kapag sila ay napinsala, labis silang nanghihina. Para lutasin ang kanilang kakulangan, kailangan ng sapat na tibay at lakas ng loob. Kailangang kontrolado ang lakas ng spirit energy na ilalagay sa mga ito. Kung mahina ang daloy ng enerhiya, hindi nito mapapagaling ang kakulangan sa mga ito. At kung masyado namang malakas, baka masunog ang ring spirit's essence.

Kailangan ni Jun Wu Xie na panatilihin ang daloy ng spirit energy.

Ang metikulosong pagpapagaling na iyon ay kaya na ni Jun Wu Xie, at nadiskubre niyang mas lumakas ang kaniyang spirit power matapos ng kaniyang pagsulong. Bagaman hindi iyon sapat para tuluyang mapagaling ang Double Headed Bone Snake at Yin Yang Bear ng sabay, napabilis naman noon ang proses ng pagpapagaling. Hindi kasing lubha ng pinsalang natamo ng Snow Lotus ang pinsalang natamo ng Double Headed Bone Snake at Yin Yang Bear. Tiwala si Jun Wu Xie sa sarili na maibabalik niya sa dating kondisyon ang dalawang ring spirits.

Tahimik na pinagpatuloy ni Jun Wu Xie ang pagpapagaling sa Double Headed Bone Snake, gayon din ang iba. Hindi nangahas ang mga ito na istorbohin si Jun Xie. Maging si Qiao Chu na napahiya ng kaniyang ring spirit ay kinimkim ang kaniyang saloobin at tahimik lang na nakaupo sa isang tabi habang pinapanuod si Jun Xie.

avataravatar
Next chapter