832 Patawad,‌ ‌Ako‌ ‌Naman (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Imperial Study, nakaupo ang Emperor sa mesa nito. Madilim ang mukha nito habang nakatitig sa dark robed man na nakaluhod sa kaniyang harapan. Nagbago ang ihip ng hangin sa Imperial Capital dahil sa magkasunod na pangyayaring naganap kanina.

"Talagang naisagawa ng maayos ang plano, hindi ba? Hmm?" Magkasalubong ang kilay ng Emperor at ibinato nito sa mukha ng black robed man ang mga papel na nasa mesa nito.

Nanatili namang nakaluhod ang black robed man. Hindi ito sumagot sa Emperor.

"Ipinagkatiwala ko sayo ang gawaing iyon, anong ginawa mo? Anong ibig sabihin nito? Bakit lumaban ang disipulo ng Hua Wan Academy sa Spirit Battle Tournament? Ang Jun Xie na iyon ay nagpakita ng green spirit power sa unang atake nito. Ano nalang sasabihin ng mga tao? Hinayaan niyo pang mag-amok ang disipulo ng Hua Wan Academy sa kalsada at nagsisisigaw ng kung ano-ano! Nagbigay pa kayo ng mas malaking problema at eskandalo!" Nagngangalit ang panga ng Emperor dahil sa galit. Namumula ang mga mata nitong diretsong nakatitig sa black robed man na nakaluhod sa harap nito.

Nanigas ang katawan ng black robed man at mas lalo pang yumuko.

"Ang pangyayaring ito ay kasalanan ko po. Hindi ko po inakalang babawiin ng disipulo ng Hua Wan Academy ang kaniyang salita. Nagpadala na po ako ng mga mag-iimbestiga sa kung saan mahahanap si Zhao Xun. Sa oras na mahanap namin siya, sinisiguradong kong magsisisi siya."

Matapos magdulot ng eskandalo si Zhao Xun sa Imperial Capital ng araw na iyon, agad itong naglaho. Para mahuli si Zhao Xun, pinasok nila ang inn para sa delegado ng Hua Wan Academy. Ngunit malalim na ang gabi at wala pa rin silang nakikitang kahit anino man lang ni Zhao Xun. Para maiwasan ang paglala ng sitwasyon, maingat sila sa paghahanap sa lalaki. Ngunit parang tuluyang naglaho na ang lalaking iyon sa mundo dahil hindi talaga nila ito mahanap.

"Kailangang mahanap si Zhao Xun kahit anong mangyari. Isa pa pala, hindi na natin 'to pwedeng ituloy. Nailantad na ang kapangyarihan ni Jun Xie, kapag nagpatuloy pa tayo, gagawin lang nating katawa-tawa ang mga sarili natin. Walang maniniwala na ang isang green spirit user ay mangangailangan ng tulong kay Lei Chen."

Nakakapag-isip na ng maayos ang Emperor pagkatapos ng mga pangyayari. Ang Zephyr Academy ay kumukuha ng atensyon sa mga battle districts. Ngunit hindi niya inaasahang ang pinakabata sa participant ng Zephyr Academy ay ganon pala kalakas.

"Opo, Kamahalan." Sagot ng black robed man.

Huminga ng malalim ang Emperor. "Hindi ko inaasahan ang sitwasyon sa Zephyr Academy. Dahil hindi na natin magagamit ang mga taga-Zephyr Academy, mag-iisip tayo ng ibang paraan para manalo laban sa mga kabataang ito na may angking galing at lakas." Saad ng Emperor. Unti-unti nang naglalaho ang galit sa mukha nito.

"Madalas na nagkukulang si Little Fan sa palasyo nitong mga nakaraan. Tingin ko ay dapat niyang pagsamantalahan ang Spirit Battle Tournament at makihalubilo sa mga elites na galing sa iba't-ibang academy. Nang sa gayon ay makapili siya ng mga malalakas na makakapagbantay sa kaniya sa hinaharap."

Nang mabanggit ang Fourth Prince, lumambot ang itsura ng Emperor at mas naging mahinahon.

"At ang tungkol naman sa Crown Prince..." Maingat na pagtatanong ng black robed man.

Agad nalukot ang mukha ng Emperor. "Pahupain muna natin saglit. Antayin natin hanggang sa final ten sa Spirit Battle Tournament. Dahil sa ginawa niyo ng at ng iyong mga tauhan, marami ang maghihinala kung magpapatuloy tayo."

avataravatar
Next chapter