830 Patawad,‌ ‌Ako‌ ‌Naman‌ ‌(5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang ang lahat ay gulat na gulat pa sa nangyari, isa sa mga ito ay ang lalaking kunot ang noo habang nagmamamsid. Tahimik itong lumabas sa pinto ng battle arena.

Naglalakad naman si Zhao Xun pabalik sa inn nang maramdaman niyang may na kasunod sa kaniya. Hindi siya lumingon ngunit naramdaman niya ang isang malamig na kamay na mahigpit na pumisil sa kaniyang tagiliran.

"Huwag kang gumawa ng ingay, sundan mo lang ako." Bulong ng lalaking nasa likuran ni Zhao Xun. Nanigas ang katawan ni Zhao Xun at agad na bumalot ang takot sa kaniyang mukha.

Pwersahang itinulak ng lalaki si Zhao Xun sa isang madilim na eskenita.

Sa eskenitang iyon, isang black robed man ang naghihintay. Madilim ang ekspresyon sa mukha nito. Malamig nitong tinignan si Zhao Xun na dala ng kasamahan nito.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo?" Tanong ng black robed man. Nanginginig sa galit ang boses nito.

Nanginig din si Zhao Xun at tinakasan ng kulay ang mukha.

"Sinabihan kitang ipagkalat ang balita at umatras sa laban. Bakit ka nagtungo don?" Nagbabaga sa galit ang mata ng black robed man.

Utal-utal naman na sumagot si Zhao XUn: "A...aka...akala ko...matatalo ko...siya..."

"Estupido!" Nanlalaki ang mga mata ng black robed man na nakatingin kay Zhao Xun. "Sinong nagsabi sayong magdesisyon ka para sa sarili mo?! Pagod ka na bang mabuhay?! Nakalimutan mo ba ang inutos ko sa'yo?! Isang perpektong plano na sinira ng isang tangang katulad mo! Ang gusto kong gawin mo ay sirain ang pangalan ni Jun Xie! Yurakan ang reputasyon ng Crown Prince! Sa halip ay binigyan mo pa si Jun Xie ng oportunidad na tulad nito! Ang balitang tinalo ka ni Jun Xie sa laban ngayon ay agad na kakalat panigurado! Ang green spirit power nito ay nalaman ng lahat! Tingin mo ba ay iisipin pa rin ng mga tao na siya ay mahinang kumakapit lang sa malalakas?!"

Halos sumabog sa galit ang black robed man. Maayos na sana ang plano. Pumayag si Zhao Xun noong una sa kanilang pinag-utos pero hindi niya malaman kung anong pumasok sa isip nito at nakipaglaban kay Jun Xie!

Dahil doon, nawasak ang kanilang pinaplano! Dahil sa nailantad ang green spirit power, sapat na iyon para mabura ang kasinungalingang kinalat tungkol dito!

Nanginig lang si Zhao Xun at hindi sumagot.

"Dahil nagpakatanga ka at wala ka nang pakinnabang, mabuti pang mamatay ka na!" Sinenyasan ng black robed man ang kasama nitong may hawak kay Zhao Xun.

Agad na naglabas ng patalim ang lalaki sa likod ni Zhao Xun!

Ngunit nang isasaksak na sana iyon sa likod ni Zhao Xun, natumba si Zhao Xun at naupo sa lupa!

Muli sana siyang hahawakan ng lalaki ngunit gumulong siya at tumakas!

"Hulihin niyo siya at ibalik sakin!" Gulat na gulat ang black robed man, hindi nito inakalang makakatakas ito!

Mabilis na tumakbo si Zhao Xun at nang makakalabas na siya sa eskenita ay biglang nagbaga ang kaniyang mga mata!

"Huwag niyo akong patayin! Huwag! Hindi ko intensyong hindi kayo sundin! Nagkamali ako! Hindi ako dapat sumipot sa tournament! Dapat ay nakinig ako sainyo, hindi na nagtungo doon at isinisi ko dapat iyon sa Crown Prince! Alam ko na ang kasalanan ko! Pakiusap huwag niyo akong patayin!"

Nagsisisigaw si Zhao Xun at agad nakuha ang atensyon ng mga taong malapit doon!

avataravatar
Next chapter