828 Patawad,‌ ‌Ako‌ ‌Naman‌ ‌(3)‌

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa gitna ng battle stage, magkaharap sina Jun Wu Xie at Zhao Xun sa isa't-isa. Biglang nakakapanayo ng balahibo ang hanging kanilang dala. Ilang sandali pa ang lumipas bago natauhan ang mga kabataang nanonood sa kanila. Mukhang magsisimula na ang paglalaban para sa match na ito!

"Zhao Xun! Napakatikas mo! Ang lakas ng loob mong salungatin ang Crown Prince! Magsisimula na ang palabas!"

"Iyan na nga ang sinasabi ko. Mayroon at mayroon talagang darating para turuan ng leksyon si Jun Xie. Nagpapanggap lang talagang matapang ang batang 'yan sa pagsasabing hindi pa tapos ang oras. Ngayon ay kakainin niya ang mga sinabi niya! Dumating nga si Zhao Xun, tingnan mo ang payat na braso at binti ng batang iyan, tingin ko ay hindi niya kakayahan ang kahit isang atake ni Zhao Xun!"

Nasasabik ang mga kabataang kabilang sa first battle district. Lahat sila ay takot na sumalungat kay Lei Chen, ngunit hindi ibig sabihin non ay hindi na sila matutuwa ng panooring nilalampaso si Jun Xie!

Mas lalong nanliit ang katawan ni Jun Xie sa harap ng matangkad at matikas na si Zhao Xun. Sa isang tingin lang ay matutukoy na kung sino ang mas malakas sa dalawa.

Ang lahat ay nasasabik na mapanood ang pagkatalo ni Jun Xie sa harap ng lahat!

Tumunog na ang bell, hudyat na simula na ng laban. Nagsimulang kumilos si Jun Wu Xie!

Sa unang kilos na iyon ay handa na ang mga nanonood na bitawan ang kanilang "boo" kay Jun Xie, ngunit ilang segundo lang ay nanatili silang tahimik!

Lahat ng mga mata ay nakatuon sa green spirit glow na pumapalibot kay Jun Xie. Halos mabulag ang mga manonood dahil doon!

"Green spirit?! Paano nangyari 'yon?!"

Nag-ingay ang mga kabataan! Hindi sila makapaniwala sa kulay ng spirit power na umiilaw sa buong katawan ni Jun Xie!

Isang labin-limang taong gulang na green spirit, ngayon lang nila nakita ito!

Napakusot ng mga mata ang mga nanonood para siguraduhin kung totoo nga ba ang kanilang nakikita!

Gumagalaw ang pigura ni Jun Wu Xie sa gitna ng battle stage na animo'y isang kidlat sa bilis. Halos hindi makita ang orange spirit glow ni Zhao Xun dahil sa bilis ng pag-ikot dito ni Jun Xie! Ang tanging nakikita lang nila ay ang matulin na animo'y hangin na Green spirit glow!

Sa oras na iyon ay natikom ang mga bibig ng mga nanonood. Halos hindi pa binubuhos ni Jun Xie ang kalahati ng kaniyang kapangyarihan at halos sinampal niya na ang mga nangmamata sa kaniya!

Lahat ng mga kabataang inakusahan siyang Sumisip sip kay Lei Chen, ngayon ay hindi makapagsalita.

Ang isang green spirit ay hindi na kailangan ng tulong kahit kaninuman dito. Sa kapangyarihan nito ay talagang mangunguna na ito sa buong first battle district!

Ang mga akusasyon dito ay nagmistulang isang malaking biro.

Pagkatapos ng laban na ito, wala nang makakapagsabing mahina si Jun Wu Xie kaya sikreto nitong kinakausap ang mga makakalaban para umatras.

Sa kanilang nakikita, walang ni isa sa first battle district ang makakapantay dito. 

Ang buong arena ay nanahimik. Ang mga nangungutiyang kabataan kanina, ngayon ay tikom ang mga bibig. Kung ang green spirit ay tinawag nilang basura, ano pa kaya sila?

Natapos ang laban sa isang kisapmata lang. Ang isang orang spirit ay walang tsansang manalo sa Green Spirit. Bago pa makabawi sa pagkagulat ang mga nanonood, napalipad si Zhao Xun sa isang sipa lang ni Jun Xie. Bumulusok ito sa gilid ng battle stage!

Isang kilos lang ang ginawa ni Jun Wu Xie at nanalo na ito sa loob lang ng ilang segundo!

Napalunok na lang ng laway ang mga kabataan sa takot kay Jun Xie.

avataravatar
Next chapter