1058 Pasensya na, Wala Ako sa Tamang Huwisyo Ngayon (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang madalas na walang kinatatakutan na si Xiong Ba ay tinalaban ng kilabot sa mga oras na ito. Ngayon niya lang naintindihan ang salitang "mahina". Isang tingin pa lang ni Jun Wu Yao ay nanghihina na siya.

Maging si Qing Yu na tahimik na nakaupo sa isang tabi ay hindi magawang tumingin kay Jun Wu Yao.

Nang makabalik si Jun Wu Xie ay Naibsan ang takot na nadarama nina Xiong Ba at Qing Yu. 

"Young Master Jun, talaga bang…alalay mo lang siya?" Tanong ni Xiong Ba.

"Mm." Tipid na sagot ni Jun Wu Xie saka sinulyapan si Jun Wu Yao na nakatayo di-kalayuan sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya ngunit agad niyang ibinaling sa iba ang kaniyang tingin.

"..." Walang masabi si Jun Wu Yao sa ginawang iyon ni Jun Xie.

[Mukhang galit si Little Xie.}

Kani-kanina lang nang ang saya-saya nilang dalawa at mukhang mas iigi na ang kanilang relasyon...ngunit ngayon ay agad iyon nasira. Sa isip-isip ni Jun Wu Yao ay dinudurog na niya ang mga buto nina Xiong Ba at Qing Yu. Kung hindi sana nagpunta ang dalawang ito dito na nagkataong hindi maganda ang kaniyang nararamdaman, wala siyang dahilan para mainis sa kanila.

Kung alam lang din nina Xiong Ba at Qing Yu kung anong tumatakbo sa isip ni Jun Wu Yao, agad na siguro silang lumuhod at humingi ng tawad dito.

Lihim na hinihiling ng dalawang lalaki na sana ay hindi nila nakilala ang katakot-takot na si Jun Wu Yao!

"Huwag mo munang i gagalaw ang kamay na iyan sa loob ng dalawang linggo." Basag ni Jun Wu Xie sa katahimikan.

Mabilis namang tumango si Xiong Ba. Sa itsura nito ay mukhang hindi pa talaga ito naniniwala sa sinabi ni Jun Wu Xie na alalay niya lang ang demonyong lalaki.

Lihim namang humahanga si Qing Yu kay Jun Xie. Naisip niya na noon na labis ang talento at galing ni Jun Xie at mas lalo niya pang napatunayan iyon ngayon. Hindi ganoon kadali ang magkaroon ng alalay na ganito kalakas!

"Umuwi na kayo." Saad ni Jun Xie sa dalawa.

Inalalayan ni Xiong Ba ang kaniyang kamay saka nag-alangang nagtanong: "Tungkol sa...mayroon bang nangyari sa Heavenly Cloud Chambers? Si Qu Xin Rui ba ay…"

Hindi pa natatapos magsalita si Xiong Ba nang biglang mag-iba ang awra sa silid na iyon. Nanlamig ang tinging binibigay ni Jun Xie at parang mayroong mabigat na matang tumutusok sa likuran ni Xiong Ba.

Halos maiyak na si Xiong Ba sa mga oras na iyon. Noon lamang niya napagtanto na hindi niya na dapat iyon tinanong.

"Ang kamay ko! Ahh ang sakit ng kamay ko! Deputy! Bilis! Tulungan mo ako!" Nagmadaling lumabas si Xiong Ba sa silid na iyon kasunod ni Qing Yu.

Tumakbo ang Clan Chief at Deputy Clan Chief ng Fiery Blaze Clan dahil sa sobrang pangamba! Dahil sa pagmamadali ng mga ito ay nakalimutan na nilang isara ang pinto!

"Bakit mo sila sinaktan?" Tanong ni Jun Wu Xie. Nanlilisik ang tingin nito kay Jun Wu Yao. Hindi niya lubos maisip na hindi makikilala ni Jun Wu Yao sina Qing Yu at Xiong Ba. Inaasahan niya nang malalaman nito kay Ye Sha ang bagay na iyon.

Tumingin si Jun Wu Yao sa nandidilim na mukha ni Jun Wu Xie, tumikhim ito bago nagsalita: "Pasensya na, wala ako sa tamang huwisyo. Kaya napasobra ako."

Halos magsuka naman sina Ye Sha at Ye Mei habang nililinis nila ang dugo sa labas.

[Sumobra na siya non?]

Buong akala nila ay nagtimpi pa si Jun Wu Yao sa ginawa nito sa dalawa! Base sa nararamdaman nito ngayon, hindi malabong mapatay na niya sina Qing Yu at Xiong Ba kanina. Kaya swerte na lang at nakaligtas pa ang dalawa! Kung talaga ngang "sumobra" ang kanilang Panginoon, abo na sana ang katawan ng dalawang iyon!

avataravatar
Next chapter