1057 Pasensya na, Wala Ako sa Tamang Huwisyo Ngayon (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pinagsarhan ng pinto si Jun Wu Yao. Nanatili siyang nakatayo sa labas habang tinitignan ang bakas ng dugo.

Nang maisara ang pinto ay agad na sumulpot sina Ye Sha at Ye Mei.

"Lord Jue."

"Linisin niyo yan." Utos ni Jun Wu Yao saka tinulak ang pinto para pumasok.

Nagpalitan ng tingin sina Ye Sha at Ye Mei saka malungkot na sumunod sa utos ng kanilang Panginoon.

Napakasaya ng paligid noong muling magkita sina Wu Yao at Wu Xie ngunit biglang dumating ang dalawang lalaking iyon sa panahong galit ang kanilang Panginoon. 

Walang nagawa sina Ye Sha at Ye Mei kundi ang ipagtirik ng kandila sa kanilang puso sina Xiong Ba at Qing Yu. Kaya lang siguro hindi tinuluyan ng kanilang Lord Jue ang dalawang lalaki ay dahil kay Jun Wu Xie. Pero para maging dahilan ang dalawang iyon na magalit si Young Miss kay Lord Jue, paniguradong nag-iisip nang patayin ni Lord Jue sina Xiong Ba at Qing Yu.

Nagsimula na sina Ye Sha at Ye Mei na linisin ang mga bakas ng dugo. Siniguro nilang walang matitira ng bakas o amoy ng dugo!

Sa loob ng silid, namumutla na sa sobrang sakit si Xiong Ba. Ngayon na lang siya ulit nakaranas ng ganitong sakit. Halos kakaupo niya lang habang si Jun Xie ay hinahanda ang mga gamit nito nang pumasok si Jun Wu Yao. Biglang nakaramdam nanaman ng kaba si Xiong Ba nang makita ang nakangiting mukha ni Jun Wu Yao!

Naglabas sa Jun Wu Xie ng ilang elixirs mula sa kaniyang Cosmos Sack saka lumapit kay Xiong Ba.

Walang sabi-sabing ginamot nito ang kamay ni Xiong Ba. Nakaupo at nanunuod lang si Qing Yu sa isang tabi. Napansin nitong alam na alam ni Jun Xie ang kaniyang dapat na gawin. Mabilis at akma ang mga kilos na ginagawa nito!

"Young Master Jun, sino siya?" Hindi maiwasan ni Qing Yu na magtanong. 

Saglit na natigilan si Jun Xie at tumingin kay Jun Wu Yao bago sumagot: "Katulong."

Nanlaki ang mga mata ni Qing Yu, maging si Xiong Ba ay nakalimutan ang iniindang sakit. "Totoo ba?"

[Ang nakakatakot na lalaking iyon ay alalay ni Jun Xie?"]

[Nagbibiro ba ito?]

Parang biglang umikot ang paningin ni Xiong Ba!

Dahil sa dinanas ni Xiong Ba sa kamay ni Jun Wu Yao, nararamdaman niyang mas makapangyarihan ito kaysa kay Qu Xin Rui! Kung si Qu Xin Rui ay isang Purple Spirit...ibig sabihin, si Jun Wu Yao ay…

Hindi lubos maisip ni Xiong Ba ang lakas na taglay ni Jun Wu Yao.

[Ang lalaking ganito kalakas ay magiging alalay lang ni Jun Wu Xie?]

Kahit na alam naman ni Xiong Ba ang kakayanan ni Jun Xie, hindi pa rin siya makapaniwala na alalay lang nito ang lalaking ito.

"Ang ingay." Sumimangot si Jun Xie habang ginagamot si Xiong Ba. Nang matapos ito ay agad itong tumayo at hinugasan ang dugo sa kamay nito.

Nang sulyapan ni Xiong Ba si Jun Wu Yao pagkatalikod ni Jun Xie, napansin niyang mas lalong naging nakakatakot ang anyo nito. Yumuko siya upang iwasan ang mga tinging iyon.

Naisip niyang sa oras na lumabas si Jun Xie ng silid ay agad na siyang papatayin ng lalaking ito.

avataravatar
Next chapter