1056 Pasensya na, Wala Ako sa Tamang Huwisyo Ngayon (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi naman nangahas si Qing Yu na gumalaw sa kaniyang kinatatayuan. Kung nagawa ng lalaking ito na labanan si Xiong Ba, napakadali lang din dito na tapusin siya. Mas mataas ang kapangyarihan sa kaniya ni Xiong Ba, kaya mas lalo lang niyang ipapahamak ang kaniyang sarili kapag hindi siya sumunod sa lalaki.

"Sino ka ba talaga? Bakit ka naparito sa Fiery Blaze Clan Hall? Anong kailangan mo samin?" Tanong ni Qing Yu. Basang-bas ng pawis ang damit nito. Nahihirapan siyang huminga dahil sa awra na hatid ng lalaking ito.

Hindi pa kailanman naranasan ni Qing Yu ang makatagpo ng taong katulad nito. Tipong sa tingin pa lang ay maaari mo nang ikamatay!

Nang bumalik si Qu Xin Rui sa Thousand Beast City ay marami itong dalang mga lalaking may taglay na Purple Spirit ngunit hindi niya maramdaman na kasing-lakas ito ng lalaking nasa kaniyang harapan ngayon. Mukhang hindi na tao ang lalaking ito. 

"Sinabi ko na. Ako ang personal na lingkod ni Young Master Jun." Ulit ni Jun Wu Yao sa sinabi nito kanina.

Ngunit hindi pa rin magawwang maniwala ni Qing Yu.

Hindi maaaring maging katulong lang ng sinuman ang ganito kalakas na tao!

Mala-demonyo ang ngiti ni Jun Wu Yao simula pa kanina. Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.

Hindi gumalaw si Qing Yu sa kaniyang kinatatayuan. Maging si Xiong Ba ay nagawa nitong itumba ng ganon kadali. Wala na siyang ibang maisip na taga-Fiery Blaze Clan Hall na maaaring pumantay sa lalaking ito.

Dahan-dahang nagbukas ang pinto ni Jun Wu Xie.

Pagkalabas ni Jun Wu Xie ay nakita niya ang buto ni Xiong Ba na nakalabas sa laman nito. Habang hawak ni Jun Wu Yao ang kamao ni Xiong Ba.

"Young Master Jun!" Tawag ni Qing Yu nang kaniyang makita si Jun Wu Xie.

Tumingin si Jun Wu Xie sa namumutlang mukha ni Xiong Ba, sunod ay tinignan nito si Jun Wu Yao.

Agad namang binitawan ni Jun Wu Yao ang pagkakahawak kay Xiong Ba. Agad namang sinalo ni Qing Yu si Xiong Ba.

"Young Master Jun! Ang lalaking ito…" Magsusumbong na sana si Qing Yu nang putulin ni Jun Wu Yao ang kaniyang sinasabi.

Humarap si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie at ngumiti: "Erm...binibiro ko lang sila.:

Tumingin si Jun Wu Xie sa nabaling kamay ni Xiong Ba.

[Nagbibiro? Eh binali mo yung kamay ng tao?]

"Young Master Jun, kilala mo siya?" Tanong ni Qing Yu. Nang makita ni Jun Xie ang lalaki ay hindi man lang ito nagulat o nagtaka. Kaya napagtanto niyang kilala nga ito ni Jun Xie.

"Tulungan mo siya papasok dito." Saad ni Jun Wu Xie. Masama ang tinging ibinigay nito kay Jun Wu Yao.

Ang malapad na ngiti sa mukha ni Jun Wu Yao ay agad naglaho. "Masusunod." Agad na inabot ni Jun Wu Yao si Xiong Ba para alalayan ito papasok.

Biglang nilukob ng takot ang puso ni Xiong Ba nang hawakan siya ni Jun Wu Yao. Maging si Qing Yu ay ganon din ang naging reaksyon.

"Hindi ikaw." Saad ni Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao.

Nagkibit-balikat si Jun Wu Yao at lumayo sa dalawang lalaki,

Inalalayan ni Qing Yu si Xiong Ba papasok sa silid ni Jun Xie. Tinignan muna ng masama ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao bago muling pumasok sa silid.

avataravatar
Next chapter