240 Para Lang Sa'yo (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bilang pagtupad sa pangako, iniwan nga ni Jun Wu Xie ang mga gamot kay Qin Yu Yan. Kaya lang ay kailangan nitong paghiwalayin ang pulbos ng bote sa pulbos ng gamot.

Kahit na hindi nagdurusa ngayon si Qin Yu Yan sa sakit. Imposible pa rin mapaghiwalay niya iyon.

Agad na naglaho ang pag-asang kanina ay bumakas sa mga mata nito. Mas lalong nalugmok si Qin Yu Yan sa mga nakita niyang kinahinatnan ng mga panglunas.

Para siyang ibinagsak sa putik galing sa langit dahil doon. Walang nagawa si Qin Yu Yan kundi ang mamaluktot sa sakit.

Mas lalo pang ikinabigo ni Qin Yu Yan ang saglit na pagpapatikim ni Jun Wu Xie ng pag-asa at agad ding binasag iyon.

Si Jun Wu Xie magliligtas?

Kalokohan...

Nang makita ni Jun Wu Xie ang kalagayan ni Mo Qian Yuan, gustong-gusto ni Jun Wu Xie na balatan ng buhay si Qin Yu Yan.

Pinaglaanan ng oras at pagod ni Jun Wu Xie si Mo Qian Yuan para ito ay lumusog tapos ay biglang darating si Qin Yu Yan para sayangin ang lahat ng iyon!

Tuluyan nang nilamon si Qin Yu Yan ng sakit na dulot ng lason. Nagdulot ito ng kumbulsyon at ang kaniyang buto ay parang kinakagat ng milyon-milyong hantik.

Ang lasong iyon ay gawa mismo ng sarili niyang mga kamay. Ginamit iyon ni Qin Yu Yan sa kaniyang mga kaaway. Hindi niya akalaing ang lasong kaniyang ginawa ay maiinom niya mismo!

"Lahat ng naririto sa main hall ay lumabas para mapayapang mahanap ng ating Miss Qin ang panglunas." Walang emosyong utos ni Jun Wu Xie. Ngunit para sa mga nakarinig 'non ay para itong musika at ang mga katulong at mga eunuch ay pinigilan ang kanilang mga luha habang nagmamadaling tumakas sa duguan at puno ng bangkay na main hall.

Nanatili si Bai Yun Xian sa sulok at hindi alam kung saan pupunta. Puno ng takot itong nakatitig kay Jun Wu Xie.

Lumingon naman sa kaniya si Jun Wu Xie at agad namang lumuhod si Bai Yun Xian. Nanginginig sa takot itong nagsalita: "Wala akong binanggit sa kanila! Sumpa man! Pinilit ako ni Qin Yu Yan na patayin si Mo Xuan Feu! W....w...wala talaga akong binanggit na kahit ano! Kahit isang salita!"

Tinaasan naman ito ni Jun Wu Xie ng kilay. Hindi niya alam na ganito katakot sa kaniya si Bai Yun Xian.

Ngunit...

Patay na si Mo Xuan Fei? Napakadaling parusa naman 'non sa kaniya.

" Tumayo ka." Malamig na utos ni Jun Wu Xie. Mapapakinabangan niya pa si Bai Yun Xian. Kaya naman hahayaan niya itong mabuhay, sa ngayon.

Kung nagsumbong si Bai Yun Xian kay Qin Yu Yan ay mawawalan ito ng pakinabang sa kaniya. Ngunit mukhang hindi naman ito ganon katanga para gawin iyon.

Nanginig ang katawan ni Bai Yun Xian nang ito ay tumayo.

"Manatili ka dito at siguraduhin mong hindi niya papatayin ang kaniyang sarili." Utos ni Jun Wu Xie at itinuro si Qin Yu Yan.

Tumango naman si Bai Yun Xian at hindi na nagsalita pang muli.

Matapos non ay tumalikod na si Jun Wu Xie para umalis at sumabay si Jun Wu Yao dito. Sakay naman ni black beast si Mo Qian Yuan sa kaniyang likod. Si Drunk Lotus naman ang nagbukas at nagsara ng pinto.

Sa loob ng main hall tanging si Qin Yu Yan na malalang nanginginig at si Bai Yun Xian ang natira.

Ang matingkad na pulang likido ay lumabas sa gilid ng labi ni Qin Yu Yan. Matalim nitong tinapunan ng titig si Bai Yun Xian. Napagtanto niya sa pagmamakaawa ng puta na si Bai Yun Xian nakipagkampihan ito kay Jun Wu Xie.

Nakairap na nagsalita si Bai Yun Xian dito: "Senior, hindi mo ako masisisi dito. Hindi ba't ang turo niyo ni Master sa akin, ang wais ay marunong bumalaktot sa pagbabago ng sitwasyon?"

avataravatar
Next chapter