620 Pansariling Lingkod (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Jun Xie! Nakabalik ka na! Ang raming nangyari kahapon na nakakagulat! Maswerte ka't wala ka dito noon!" Ang mga kabatang iyon ay hindi masyadong nakikipagusap kay Jun Wu Xie, ngunit nang sabihin ni Gu Li Sheng ang pagkatao ni Jun Wu Xie, marami sa kanila ang nag-akalang "malapit" sila sa kanya.

Hindi na mahalaga kung nagusap na ba sila dati o hindi, ngunit lahat sila'y nagpipilit na kumausap sa kanya.

Marami ang sabay-sabay na nagsasalita, habang nagmamadaling lumapit kay Jun Wu Xie para magkwento tungkol sa mga nangyari kahapon.

Nakinig si Jun Wu Xie ng tahimik at ang maliit na itim na pusa sa braso ni Jun Wu Xie ay humikab.

Ang mga kabataan ay dumaldal. Nang makita lang na walang pakialam si Jun Wu Xie sa mga kwento nila, napalayo sila. Sa pagtigil nilang magsalita, nakita nila ang gwapong binata sa likod ni Jun Xie, at nanlaki ang mga mata nia sa gulat.

Hindi nila napansin ang magandang binata sa likod ni Jun Xie. Hindi nila ito kilala, ngunit ang kilos nito ay hindi nila maiwasang pansinin.

"Sino ka?" Nang makitang hindi suot ng binata ang uniporme ng Akademya, nagtanong agad ang mga disipulo.

Sasagot na si Jun Wu Xie ng biglaang humakbang si Jun Wu Yao ng nakangiti: "Ako ang pansariling lingkod ni Ginoong Jun."

"....." Si Jun Wu Xie na ang nagulat, habang nakatingin kay Jun Wu Yao na nagniningning.

Lingkod…..

Bumulong ang mga kabataan bago mabilis na umalis.

Nagulat si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao, na hinaplos ang ulo ni Jun Wu Xie: "Kung sasama ako, ayaw kong maging sanhi ng gulo."

Lingkod lang ang makakatabi sa amo nito, hindi ba?

Ramdam ni Jun Wu Xie na may mali, ngunit hindi niya masabi kung ano it, kaya naka tango lang siya: "Mmm."Sa aserang kawayan, Magkasama si Fan Zhuo at Fan Jin nang makita ang pagbalik ni Jun Xie, napatayo si Fan Jun, ang kanyang kwapong mukha ay agad na namula.

Lit… Little Xie...Naka… Nakabalik ka na…" Nabuhol ang dila ni Fan Jin habang nagsasalita.

At nang mapansin ni Fan Jin ang gwapong binata sa likod ni Jun Wu Xie, nanigas ito, at naglat.

"At ito si…."

"Pansariling lingkod ni GInoong Jun." Alam na ni Jun Wu Yao ang sagot niya.

Sa kanilang pagpunta doon, nalaman niyang sa pananatili ni Jun Wu Xie sa akademya, doon siya nanirahan sa aserang kawayan, at maayos ang relasyon nila ng magkapatid na Fan.

Medyo nakangiti si Jun Wu Yao at tinignan ang magkapatid. Ang binatang nakaupo sa mesa ay may normal na ekspresyon, ngunit ang binata sa tabi nito ay kakaiba. Ang namumulang gwapong mukha at nga nahihiyang kilos nito ay nagpapakita ng ibang mensahi kay Jun Wu Yao.

[Mukhang hindi nga tahimik si Little Xie, at maraming langaw na nalapit sa kanya.]

[Dudurugin ko ba sila?]

Hindi niya napansin na nakita na siya, sinusukat rin siya ni Fan Jun.

Bilang panganay na anak ng Punong Tagapagturo, marami na siyang nakitang mga mahuhusay sa Akademya, ngunit ilan lang ang maikukumpara sa binata sa kanyang harap. Ang walang katulad niyang itsura at ang aura niya, ay hindi masasabing sa simpleng pansariling lingkod lang.

Sinulyapan ni Fan Jin si Jun Wu Xie, ngunit walang nakitang kakaiba sa mukha ni Jun Xie.

avataravatar
Next chapter