1088 Paniniwala ng Isang Spirit Beast (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napako ang tingin ni Jun Wu Yao sa munting katawan ni Lord Meh Meh. Wala siyang

gaanong interes sa mga Spirit Beast. Kahit na si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood

Rabbit ay mga Guardian Grade Spirit Beast ay hindi ito nakakuha ng interes mula sa akniya

maski bahagya. Ngunit ayon sa sinabi sa kaniya ni Ye Mei, isa ang alam ni Jun Wu Yao.

Nang sila ay nasa ibaba ng Heaven's End Cliff, isang Spirit Beast ang naging kritikal ang

buhay nang iligtas nito ang buhay ni Jun Wu Xie.

"Ito ay nakikibaka."

"Ano?" tanong ni Jun Wu Xie at bahagyang itinaas ang kaniyang ulo.

Nakangiting saad ni Jun Wu Yao: "Maaaring alam niya na ang kaniyang kamalayan ay

napihit ngunit ang paniniwala na mayroon ang kaniyang spirit ay hindi nabura at ang

kaniyang spirit ay nilalabanan ang kapangyarihan ng Spirit Taming Bone Flute, hindi gusto

na maging tau-tauhan sa ilalim ng iba. Samakatuwid, ay puwersahan niyang inilagay ang

sarili sa estado na walang malay , hindi nais magising, para lamang maging tau-tauhan."

Ang kamalayan ng isang Guardian Grade Spirit Beast ay sadyang napakalakas at nagtataglay

sila ng sapat na kamalayan upang umisip ng sariling saloobin at may kakayahan na alamin

kung ano ang talagang nais nila.

Ang pagkawala ng malay ni Lord Meh Meh ay ginawa sa sarili nitong kagustuhan sapagkat

hindi nito nais na mabawi ang malay at mailagay sa puwesto kung saan ay mapupuwersa

itong magtaksil kay Jun Wu Xie, magtaksil sa sarili nitong paniniwala kaya mas pinili nito na

isara ang sariling kamalayan.

Nanigas ang labi ni Jun wu Xie habang nakatitig kay Lord Meh Meh.

Sa simula, ito mismo ang lihim na sumusunod sa kaniya, isang tupa na nais lamang kumain

ng preskong mga halaman, ngunit sa mga pinakamapanganib na sandali ay lagi nitong

ipinapakita ang katigasan ng ulo at matinding determinasyon.

Naging ganito rin noong sila ay nasa ilalim ng Heaven's End Cliff at ngayon ay nasa parehong

siwasyon muli.

Isang munting sakit ang naramdaman ni Jun Wu Xie sa kaibuturan ng kaniyang puso, ang

sakit na iyon ang humawi sa ulap na nasa kaniyang kaisipan at nagpalinaw sa kaniyang pag-

iisip.

Hindi niya pinakitunguhan ng maayos si Lord Meh Meh ng mga nakaraan ngunit itong

matigas na ulo at matakaw na hayop na ito ay pinoprotektahan siya sa sarili nitong paraan.

"Makakabawi ka dito. Pinapangako ko." inunat ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga kamay at

kinarga si Lord Meh Meh papunta sa kaniyang braso. Hindi niya gaanong binigyan ng

pangangalaga at malasakit si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit ng mga nakaraan

ngunit itong dalawang Spirit Beast na may payak na pag-iisip ay nagawang iparamdam sa

malamig niyang puso ang tunay na anyo ng tiwala at katapatan.

"Ako ang iyong tagapangalaga. Siguro ay naniniwala ka na hindi ka nagkamali sa pagpili ng

taong iyong susundan. Ako na ang bahala sa iba… magagawa kong kuhanin ka mula sa

kanila kaya hindi mo kailangan puwersahin masyado ang iyong sarili." hinimas ni Jun Wu Xie

ang balahibo ni Lord Meh Meh habang sinasabi iyon sa banayad na boses. Ang paglabanan

ng spirit ang isang sumasalakay na kapangyarihan sa loob ng mahabang panahon ay

lubhang mapanganib, ang mga ugat sa utak ni Lord Meh Meh ay maaaring lubhang

mapinsala at baka hindi na tuluyang manumbalik ang malay nito.

Nagawa na ng mabuti ni Lord Meh Meh at ng Sacrificial Blood Rabbit ang kanilang parte at

ang iba ay siya na ang gagawa.

"Hindi ko bibiguin ang tiwala na ibinigay ninyong dalawa sa akin. Ako ang inyong Mistress at

patutunayan ko ito gamit ang sarili kong mga kamay." saad ni Jun Wu Xie, bakas sa mata

ang matinding determinasyon.

Ang walang malay na si Lord Meh Meh ay tila naramdaman ang emosyon ni Jun Wu Xie

nang bahagyang gumalaw ang katawan sa braso ni Jun Wu Xie.

Ipinatong ni Jun Wu Yao ang kaniyang baba sa balikat ni Jun Wu Xie. Ang munting nilalang

ay binabalak na gisingin si Lord Meh Meh upang hindi na ito magpatuloy na pakikipaglaban

at hayaan na sumailalim ito sa impluwensiya ng Spirit Taming Bone Flute.

Sa ilang sandali ay minulat ni Lord Meh Meh ang kaniyang mga mata. Ngunit ang pare ng

malaki at malinaw na mga mata ay hindi nagpakita ng karaniwan na pangangailangan at

mabilis na tumalon mula sa braso ni Jun Wu Xie ng walang pag-aalinlangan at tumalon

palabas sa bintana!

"Puu!" tinitigan ng Sacrifical Blood Rabbit ang anyo ni Lord Meh Meh na naging malayo at

naging balisa ito at ninais na sundan ito ngunit ito ay mahigpit na nasa braso ni Jun Wu Xie.

"Babalik siya. Ako mismo ang magbabalik kay Lord Meh Meh." banayad na sabi ni Jun Wu

Xie, bakas sa mata ang hindi mapigil na kislap nang pagpaslang.

avataravatar
Next chapter