1087 Paniniwala ng Isang Spirit Beast (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga sumunod na araw tila si Jun Wu Xie ay naglaho na sa Yhousand Beast City. Ang mga

tauhan na pinadala ni Qu Xin Rui sa siyudad upang maghanap ng anumang senyales ni Jun

Xie ay nagbabalik ng walang dalang balita. Nang simula ay naisip niya na ang kaniyang plano

ay magpapatuloy ngunit nang malaman na ang importanteng koneksyon ay nasira, iyon ay

hindi naiwasan na nagdulot ng matinding pagkabahala kay Qu Xin Rui.

Hindi nalalaman…

Sa isang bahay-panuluyan sa Thousand Beast City, si Jun Wu Xie ay nakaupo sa isang silid at

sinusuri ang kalagayan ni Lord Meh Meh.

Si Jun Wu Yao ay nakaupo sa may bintana at nakatingin sa labas, tinitingan ang mga

nagmamadaling tao sa kalsada, ang itim niyang mga mata ay nabahiran ng kakaibang tingin.

Isang sunud-sunod na katok mula sa labas ng pintuan ang narinig at tumayo si Jun Wu Yao

upang buksan ang pintuan.

Ilang guwardiya mula sa Thousand Beast City ang nakatayo sa labas at mabalasik ang mga

mukha.

Tiningnan ni Jun Wu Yao ang mga guwardiya na bahagyang nakataas ang kilay at ang daliri

na nasa may pintuan ay kumawag at ilang itim na anino ang walang ingay na pumasok sa

noo ng mga guwardiya at mabilis na naglaho sa ilalim ng kanilang mga balat.

Nanigas ang katawan ng mga guwardiya at ang kanilang mga mata ay naging itim at walang

kinang ngunit tila sila ay mabilis na nakabawi na may gulat habang ang kanilang sulyap ay

lumagpas kay Jun Wu Yao at Jun Wu Xie na nasa silid, hindi humihinto ang mga mata maski

bahagya at sila ay tumalikod, tila hindi nila pansin na m,ayroong dalawang tao doon, mabilis

na tumalikod ang mga ito upang umalis.

"Walang tao sa loob ng silid. Magpatuloy sa paghahanap." walang pagkabahal na saad ng

pangunahing guwardiya at madali na itong nagtungo sa susunod na silid upang mag-

imbestiga.

Isinara ni Jun Wu Yao ang pintuan, pamilyar siya sa kaniyang ginawa.

Iyon na ang ikatlong grupo ng mga guwardiya na nagpunta doon upang maghanap sa kanila

sa mga nakaraang araw ngunit lahat sila ay nalilimutan na nakita sila doon. Ang mga itim na

anino na pumasok sa kanilang utak ay nagawang iwaksi na naroon si Jun Wu Yao at Jun Wu

Xie at kahit na nakatayo sa kanilang harapan si Jun Wu Xie, ang mga guwardiya ay

umaktong tila hindi nila ito nakita.

Mula sa unang araw na pumasok si Jun Wu Xie sa bahay-panuluyan na iyon, lahat ng tao sa

loob ay nakatanggap ng "propaganda" mula kay Jun Wu Yao at walang malay na bulag ang

paningin sa kanila.

"Wala pa rin pagbabago?" tanong ni Jun Wu Yao habang isinasara ang pintuan, tamad na

sumandal siya sa pintuan at nakatingin kay Jun Wu Xie na nakaupo sa may kama.

Umiling si Jun Wu Xie, ang kaniyang mga kamay ay nakadantay sa katawan ni Lord meh

Meh.

Ilang araw ng walang malay si Lord Meh Meh. Simula ng araw na inatake ito gamit ang Spirit

Taming Bone Flute ay nanatili ito sa mahimbing na pagtulog.

"Minsan nasabi ni Xiong Ba na ang Spirit Beast na inatake ng Spirit Taming Bone Flute ay

magbabalik ang malay pagtapos ng kalahating araw at magiging tau-tauhan ng sinumang

may hawak ng Spirit Taming Bone Flute, ngunit…" saad ni Jun Wu Xie at nakagat ang

kaniyang labi. Si Lord Meh Meh ay walang ipinakitang kahit anong senyales na ito'y

magigising at nanatili itong tulog, payapang nakahiga sa kama. Kahit anong pagtawag ni Jun

Wu Xie dito ay wala siyang makuha na sagot maski bahagya rito.

Ang katawan ng Sacrificial Blood Rabbit ay nabablutan pa rin ng mga benda at sa panahon

na walang malay si Lord Meh Meh ay hindi ito nanggulo o gumawa ng anumang ingay,

tanging pag-aalala lamang na nakasandig ito kay Lord Meh Meh habang nakahiga sa kama,

ginamit nito ang temperatura ng kaniyang katawan upang mainitan ang walang malay na si

Lord Meh Meh.

Ang dalawang hayop na palaging nag-aaway ngayon ay itinuturing na magkasangga kung

saan ay maaari nilang ipagkatiwala ang buhay ng bawat isa.

Tumayo si Jun Wu Yao sa tabi ni Jun Wu Xie at inabot ang kamay upang pawiin ang kunot sa

gitna ng kilay ni Jun Wu Xie. Binuhat niya si Jun Wu Xie sa kaniyang braso at umupo sa may

higaan, inilagay si Jun Wu Xie sa kaniyang kandungan bago sinabi sa banayad na boses: "

Maaaring totoo na ang Spirit Taming Bone Flute ay magagawang impluwesiyahan ang

kamalayan ng isang Spirit Beast, ngunit ang kamalayan ng isang Guardian Grade Spirit Beast

ay di-hamak na mas malakas kumpara sa isang pangkaraniwang Spirit Beast. Higit pa doon,

kung mayroon itong hindi maikakailang paniniwala sa kaniyang puso, kahit na mapasailalim

ito sa kontrol ng Spirit Taming Bone Flute ay hindi ito magpapasakop ng kusang loob at sa

sarili nitong pagkukusa."

avataravatar
Next chapter