416 Paninirang Puri (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nakamit ni Yin Yan ang kanyang layunin at nainis. Nang marinig ang pagpuri ni Li Zi Mu, tinignan niya ng masama si Li Zi Mu.

Salita ng hustisya?

Wala siyang interes na ipaglaban ang basura!

Bago pa magwala si Yin Yan, may marikit na anyong tumabi sa kanya.

"Dahil ikaw at ang munting Yan ay parehas galing sa pakultad ng mga Spirit Healer, tama lang na ipaglaban ka niya at hindi ka magdusa sa kawalan ng hustisya." May isang magandang dalagang lumapit sa dalawa at nang makita ni Li Zi Mu ang ngito, nagulat siya.

Hindi maalis ni Li Zi Mu ang mga mata niya sa gandang nasa harap niya.

"Senyor Ning?" Linunok agad ni Yin Yan ang kanyang pagbababala nang dumating si Senyor Ning.

Nginitian siya ni Senyor Ning at sinabi kay Li Zi Mu: "Ang iyong pagpasok sa pakultad ng mga Spirit Healer, dahil siguro ito sa iyong mga kakayahan. Magkasundo kayo ni Little Yan sa mga susunod na araw."

"Oo….. oo, sige….. Se….. Senyor Ning." Nabighani si Li Zi Mu sa ganda niya at nawala sa kanyang sarili, at binati lang ang dalaga ng gaya ng pagbati ni Yin Yan.

Nginitian ulit siya ni Senyor Ning at tinignan si Yin Yan bago sila umalis mula sa bulwagan.

Pag alis nila, wala parin sa sarili si Li Zi Mu.

Sa labas ng bulwagan, nakasuot parin ang pagkalito sa mukha ni Yin Yan.

"Hindi mo sana sinayang ni Senyor Ning ang kanyang hininga sa basura. Baka tinanggap siya ng aking amo, ngunit hindi pa siya binibigyan ng anumang utos sa pamamaraan ng Spirit Healing." Nang makita niya si Senyor Ning na nginitian si Li Zi Mu, naramdaman niyang nanikip ang kanyang dibdib.

Malumanay si Li Zi Mu at kinamuhian siya ni Yin Yan.

Tinignan ni Senyora Ning si Yin Yan at nawala ang kanyang ngiti. "Yan, tingin mo ba't tatanggap si Senyor Gu ng sino lang bilang kanyang iisang disipulo para sa taon? Mukha lang walang alam si Li Zi Mu, ngunit sa pagkamit niya ang pabor ni Senyor Gu, may rason ang lahat ng ito. Tandaan mo lang, panatilihin mo lang ang kahit kunyari ay maayos ang inyong pakikibaka. Kung magagamit siya, mas magandang magamit natin siya.

Nanahimik si Yin Yan at binura ang anumang pagkalito sa kanyang mukha bago yumuko. "Tama si Senyora Ning. Naging ignorante ako."

"Kaunti nalang ang mga Spirit Healer, at ang ilang madadagdag ay labis na magpapalakas sa atin. Mukha lang tanga si Li Zi Mu, ngunit madali siyang manipulahin. At ang kanyang hindi pagkakasundo kay Jun Xie ay pwede nating gamitin. Matapos makita ang pagbantay ni Fan Jin kay Jun Xie ngayon, hindi mo ba nakikita na importante sa kanya yung bata? Kung may sama ka ng loob kay Fan Jin, gamitin mo ang bata laban sa kanya. Maingat lagi si Fan Jin at at mahirap maghanap ng pagkakamali sa kanya. Ngunit kay Jun Xie, mas madali." Natawa ng kaunti si Senyor Ning. Ang mga mahihina ay madaling pabagsakin.

Nagliwanag ang mga mata ni Yin Yan, at agad niyang naisip ang ibig sabihin ni Senyor Ning.

"Wag kayong mag-alala Senyor Ning. Sisiguraduhin kong magkakasundo kami ni Li Zi Mu at hindi hahayaang manahimik si Fan Jin at Jun Xie."

Tumango si Senyor Ning sa tuwa.

"Kung hindi nanatili ang Jun Xie na iyon sa akademya pagkatapos ang lahat ng ito, walang kabuluhan ang mga nangyari ngayon. Ngunit pag nanatili siya, gamitin mo ng maayos si Li Zi Mu. Ang mga paghihirap niya ay nagsisimula palang at tandaan mong wag mag-iwan ng bakas na magdudugtong ng mga ito sa atin. Kung pwede nating ipitin si Jun Xie sa gitna ng isang malaking kaguluhan, madadamay rin ang kanyang guro na si Fan Jin at parurusahan sila ng punong tagapagturo."

"Oo!"

Nagbabalak si Senyor Ning at Yin Yan ng kung paano gagamitin si Jun Wu Xie para mapabagsak si Fan Jin dito habang…..

Kinalimutan na ni Fan Jin ang mga pag-aalalang iyon at dinadala si Jun Xue sa mamahaling parang ng Akademyang Zephyr bago sila dumating sa tirahan hindi nila kilala sa kanto ng akademya.

avataravatar
Next chapter