415 Paninirang Puri (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga salita ni Yin Yan na 'nagtanggol sa hustisya' ay nakagulat kay Li Zi Mu. Nang magpunta siya sa pakultad ng mga Spirit Healer noong umaga, nakita niya si Yin Yan. Ngunit hindi ito nagpakita sa kanya na ito'y isang magiliw na tao at hindi niya naisip na siya ay magpapakilalang isang disipulo ng pakultad ng mga Spirit Healer ngayon laban kay Jun Xie.

Ngunit mula sa mga salita ni Yin Yan, halata nang naniniwala siya sa kwento ni Li Zi Mu at nagpataas ito ng loob niya.

Sa napalakas niyang loob, sumabay si Li Zi Mu kay Yin Yan para sabihing: "Kung tutuusin, wala talaga akong balak na gumawa ng kaguluhan kasama si Jun Xie dahil dito, at humihingi lang ng paghingi niya ng tawad. Kung naisip niyang nagkamali siya, titignan ko parin siya bilang kapwa disipulo at kakalimutan ang mga nangyari."

Ang pagsasabwat ni Li Zi Mu at ni Yin Yan ang nagdulot sa masamang tingin ng ibang disipulo kay Jun Xie, at sumira pa lalo sa kanyang reputasyon.

Naginit si Fan Jin at mas lalong nagalit.

Ngunit tinignan lang ng malamig ni Jun Wu Xie si Yin Yan at si Li Zi Mu.

"Meow~"

[Panginoon, magkasabwat ang dalawang iyon para sirain ang iyong pangalan! Hayaan mo akong kagatin sila!]

Kagigising lang niya sa kanyang mga sugat, handa ang maliit na itim na pusa para magsanay muli habang dinidilaan ang mga pangil nito. Kundi dahil sa paglitaw ni Fan Jin, pinadala na nito ang mga hangal na ito para makita ang tagalikha nila kasama ang panginoon niya, at hindi na nila maririnig ang mga kabalastugang ito.

"Walang pagmamadali." Sinabi ni Jun Wu Xie, nanliliit ang mga mata.

Gusto nilang maglaro, handa siya para laruin sila.

Mahaba pa ang kanilang mga araw. Ibabalik niya ang mga binigay nila sa kanya ngayon, isang-daang dami pa!

Bago pa maging mabigat ang ere sa bulwagan, si Jun Xie na tahimik lang ay nagsalita: "Senyor Fan, kain na tayo."

Ang malamig na boses na iyon na umalingawngaw sa bulwagan ay nagpagaan sa hangin at nagpadali sa paghinga ng mga tao doon.

Nagulat si Fan Jin at napatitig kay Jun Xie ng nagtataka.

Nakikita ba ng bata ang mga nangyayari? May gana pa siyang kumain?

Kung hindi naasikaso ng maayos ang mga bagay ngayon, at kahit na manatili si Jun Xie sa akademya, haharapin parin niya ang mahihirap na panahon doon.

Ang pagtangka sa pagnakaw ng pwesto ng isang natanggap sa pakultad ng mga Spirit Healer, may malaking akusasyon sa kanyang ulo, sasama ang mga tingin ng mga guro at disipulo saan mang pakultad siya mapunta pagkatapos.

Subalit, hindi ito inisip ni Jun Xie. Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod siya para umalis.

Bago siya makahanap ng paraan para mapaganda ang pamamaraan ng Spirit Healing, hindi niya pwedeng hayaang malaman ang kanyang ginagawa. Ngunit pag natapos niya ang kanyang pagaaral…..

Ang mga malalamig na mata ni Jun Wu Xie, ay nabalutan nanaman ng malamig na pagpatay.

Ang ibang kabataan ay nanginginig parin sa presensya ni Fan Jin at hindi humarang kay Jun Xie.

Tumayo si Fan Jin, nakatanim ang mga paa sa sahig sa gulat nang makitang palayo ng palayo ang likod ni Jun Xie. Natauhan siya at nagmadali para mahabol si Jun Xie. Hindi niya pwedeng hayaang maglakad ng mag-isa si Jun Xie sa akademya pagkatapos ng mga nangyari.

May away na muntik magsimula kanina, at ang sanhi nito ay tumalikod lang at naglakad paalis. Ng walang pagpapaliwanag, at wala ring pinakitang intensyon ng paghingi ng tawad, ang ugali ni Jun Xie ang nagmistula sa kanyang isang inosenteng manonood lang at parang wala siyang kinalaman sa kaguluhan.

Nagulat ang lahat sa mga salita ni Jun Xie at kahit si Yin Yan ay nabigla at hindi alam ang gagawin. Naghanda siya ng mga sasabihin niya para mapahiya si Fan Jin sa lahat ng mga disipulong nandoon, ngunit….. ipinagkait ito sa kanya ni Jun Xie.

Hindi siya nagtiwala na kaya niyang alisin lahat ng kaaway niya doon, kaya nagpasya siyang hindi muna maghiganti.

Nang makita ni Li Zi Mu ang mga anyo ni Fan Jin at Jun Xie na nawala sa labas ng mga pinto, lumapit siya kay Yin Yan at yumukong may pasalamat: "Salamat senyor, sa iyong mga salitang may hustisya."

avataravatar
Next chapter