411 Paninirang Puri (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pag pinaalis na si Jun Xie, wala nang iisipin si Li Zi Mu na mabubuking ang kanyang mga kasinungalingan. At hindi kaaya-aya kay Senyor Gu Li Sheng na makisali sa kaguluhang ganito sa gitna ng mga disipulo maliban nalang sa mga pinapaboran niyang disipulo.

Kaya nga, basta mapaalis niya si Jun Xie dito, makikita siya bilang nagdusang biktima!

May mga kislap na pumalibot sa kaguluhan sa bulwagan at may mahinang itim na dagim ang pumalibot sa maliit na itim na pusa.

Naninigas na sa lamig ang mga mata nu Jun Wu Xie. Malayo nga ang kanyang personalidad at aaw makihalubilo sa mga tao, ngunit hindi rin siya umaatras sa pagpapahiya at abuso.

"Ano ang ginagawa niyong lahat?!" Biglaan, may malakas na sigaw na umalingawngaw sa bulwagan. Tila kulog ang sigaw at nasaktan ang tenga ng lahat ng nasa bulwagan!

May anyong tumawid sa kanilang lahat, at biglaang tumbi kay Jun Xie. Ang malaki at matangkad na anyo ay hummarang sa maliit na anyo ni Jun Xie, at sa kanya napatingin ang lahat.

"Se….. Senyor Fan?" Ang mga binatang malapit nang sugurin si Jun Xie ay natauhan at nakita kung sino ang nakatayo sa kanilang harapan, at ang kapaligiran ay huminahon.

Ang matangkad na anyo sa tabi ni Jun Xie na humaharang sa mga binata ay walang iba kundi si Fan Jin!

Ang madalas na lutang na ngiti ni Fan Jin ay nawalang walang bakas at ang mukha niya ngayo'y nangingitim, ang kanyang titig tumatawid sa lahat ng kabataang nakapalibot kay Jun Xie.

Kararating lang ni Fan Jin sa bulwagan nang makita ang maliit at mahinang anyo na napapalibutan ng ilang kabataan. Nang makita ang isang tahimik na bata na napapalibutan ng mga agresibong binata, lumabas ang mapagtanggol na ugali ni Fan Jin. Hindi siya nagatubili at dumeretso agad para lumaban sa grupo ng mga tao!

"Ano ang kailangan niyo kay Jun Xie?" Tinanong ni Fan Jin ang mga binata ng nakasimangot.

Ang mabangis na titig ni Fan Jin ay kumalat sa mga bagong tanggap na disipulo at naramdaman nilang nanginginig ang kanilang mga tuhod sa harap ng Senyor na nasa kanilang harapan.

Kilala nila si Fan Jin! Pang-apat siya sa nakaraang Spirit Battle Tournament! Sa buong akademya, ang bilang lang ng mga taong kaya siyang labanan, ay tatlo!

At ang pagiging inampong anak siya ng punong tagapagturo, ay nagpataas sa estado niya na hindi binalak labanan ng mga binata.

Kahit na ang karamihan ng ibang senyor na disipulo ay walang lakas ng loob para lumaban kay Fan Jin, at paano pa ang bagong tanggap lang na kahit pag-irit ay hindi magawa.

"Nais… nais lang namin na… humingi ng tawad si Jun Xie….. Kay Zi Mi….." Ang yabang kanina ay nawalang tuluyan at nakayuko nalang ang mga binata.

"Humingi ng tawad?" Mas lumalim ang simangot ni Fan Jin.

"Oo. Muntik nang nakawin ni Jun Xie ang pwesto ni Zi Mu sa pakultad ng mga Spirit Healer na muntik na sanhi ng hindi niya pagiging Spirit Healer. Dapat… dapat humingi ng tawad si Jun Xie dahil doon. Ang hinihingi lang namin ay isang paghingi ng tawad….. At wala kaming ginawa sa kanya." Tinulungan ng isa pang binata ang mga kilos ng kasama niya, ramdam na wala silang ginagawang mali.

Paghingi lang ng tawad? Nanliit ang mga mata ni Fan Jin sa pagtingin sa nakabaligtad na mesa at basag na mangkok at mga pinggan, at tumawa ng malamig sa kanyang puso.

Isang grupong nakapalibot kay Jun Xie, na nagkalat. Kung paghingi lang ng tawad ang kanilang hinahanap, hindi na sila magkakalat pa.

Ngunit…..

"Ano ang ibig-sabihin niyo sa pagnanakaw ng posisyon ni Zi Mu? Pinili ni Senyor Gu Si Jun Xie, ayaw ko nang marinig ang kabalastugan." Sinabi ni Fan Jin ng may malalim na simangot.

"Senyor Fan, hindi mo ba alam?" Tinanong ng mga binata nang marinig si Fan Jin, nagningning ang kanilang mga mata sa pag-asa.

Napaisip sila, na matuwid at lumalaban para sa hustisya si Fan Jin. Bakit niya pipiliing lumaban para sa salot na tulad ni Jun Xie? Mukhang hindi pa alam ni Senyor Fan ang mga nangyari!

"Alam ang?" Tinanong ni Fan Jin ng nagmamadali. Nagsasanay siya buong umaga sa pakultad ng Beast Spirit at katatapos lang. Wala siyang narinig sa balitang kumalat sa buong akademya nung umaga.

avataravatar
Next chapter