94 Pangalawang Sampal (Pangalawang Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi niya hahayaang magtagumpay si Jun Wu Xie, basta mauna siya sa kanyang ama, sabihin sa kanya na utusan ang mga manggagamot na sabihing peke ang mga tableta, lagot si Jun Wu Xie sa kanyang galit!

Hila ni Mo Xuan Fei, iniwan ni Bai Yun Xian ang kanyang katatagan at nagmadali rin. Malinaw na pag napatunayan ng mga Imperyal na manggagamot ang gawa ng mga tableta, magdurusa siya sa kahihiyan.

Nanood lamang si Jun Wu Xie sa mga ginagawa ni Mo Xuan Fei, wala siyang ginawa para pigilan ito.

Dahil kay Jun Wu Xie, kinantsiyawan pa ni Mo Qian Yuan ang mga paalis.

"Kapatid, bakit ka nagmamadali? Pag may problema sa mga tableta, hindi hahayaan ng mga manggagamot na umabot ito sa mahal na hari." Nakangiti si Mo Qian Yuan sa nahihiyang Mo Xuan Fei, kapalit ng kabigatan ng pangungutya ni Mo Xuan Fei, gumaan ang kanyang dibdib.

Dahil wala siyang laban kay Mo Xuan Fei, masarap sa pakiramdam ang makita ang umaalingawngaw na sampal ni Jun Wu Xia kay Mo Xuan Fei. Ang sarap sa pakiramdam!

Walang gana si Mo Xuan Fei para makipagtalo kay Mo Qian Yuan, kailangan lang niya ng palusot upang makaalis ng maaga. Mapigilan man niya o hindi ang mga manggagamot, basta makaalis agad siya sa tahanan ng prinsipeng tagapamana, pwede siyang magkunwaring hindi nangyari ang mga ganap ngayon at maisasalba pa ang dignidad nila ni Bai Yun Xian.

Sa wakas, tila pati ang kalangitan ay lumalaban kay Mo Xuan Fei. Bago siya makalabas sa tahanan ng prinispeng tagapamana, dalawang Bating ang dumating na may dalang bandeha ng mga hiyas at may malalaking ngiti.

"Panginoon, Binibining Bai, naisip kong mahahanap kita dito. Ang mga tabletang galing kay Binibining Bai ay natanggap at nais ng mahal na hari na tanggapin niyo ang mga hiyas na ito para sa kasiyahan ni Binibining Bai." Ang Bating na may dala ng mga regalo ay ang punong Bating ng hari.

"Ano ang sabi mo?" Hindi makapaniwala si Mo Xuan Fei sa kanyang narinig.

Nagulat ang Bating sa mukha ni Mo Xuan Fei.

"I.. inutusan ng hari ang inyong… alagad… na dalhin ang mga regalong ito…"

"Si Yun Xian ang nagpadala ng mga tableta sa Mahal na Hari?" Napatitig si Mo Xuan Fei, nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, namutla si Bai Yun Xian, tila nawala ang dugo sa kanyang mukha.

Hindi alam ng Bating ang kanyang gagawin, Ang angkan lamang ng Qing Yun ang may kakayanang gumawa ng tabletang Jade Dew, tanging si Bai Yun Xian lang ang makapagpapadala ng mga ito.

Napatingin si Mo Qian Yuan sa mga taong nasa kanyang pintuan, nakangiti, at tumingin kay Jun Wu Xie, na umiinom parin ng tsaa.

Alam na ni Jun Wu Xie na tatakas si Mo Xuan Fei. Palihim niyang pinadala ang mga tableta sa hari sa pangalan ni Bai Yun Xuan! Ang Emperador, para makakuha ng suporta mula sa angkan ng Qing Yun, ay magreregalo, hindi alam na naharangan lang niya si Mo Xuan Fei mula sa gulong ito.

Ngayong nandito na ang mga regalo, alam na na ang mga tabletang pinadala ni Jun Wu Xie ay natignan na ng mga manggagamot, at dumating na sa hari.

Malinaw na, na totoo ang mga tableta.

Ang pagdating ng Bating kasama ang mga regalo ay naging sanhi para hindi makakilos si Mo Xuan Fei.

"Jun Wu Xie, nagsinungaling ka sa hari! Hindi galing kay Yun Xian ang mga tabletang iyon!" Puno ng malisya ang mga mata ni Mo Xuan Fei, may pagtangging mapaglaruan ni Jun Wu Xie, isang babaeng iniwan niya. Hindi niya masikmura.

Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie, "Sa kanya galing iyon."

"Kabalastugan!"

"Kapalit sa boteng nasira ng aking pusa." Sinagot ni Jun Wu Xie.

Nangako siya, na papalitan niya ang nawala kay Bai Yun Xian.

"Malinaw ang mga resulta, Bai Yun Xian, ano ang masasabi mo?" Tinitigang malamig ni Jun Wu Xie ang namumutlang Bai Yun Xian

avataravatar
Next chapter