443 Panahon na (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumayo si Jun Wu Xie at naglakad palabas ng silid. Mabilis na tumayo din si Fan Zhuo at sumunod sa kay Jun Wu Xie.

Sa bakuran, ang walang tigil na sigaw ng mga disipulo ay mas lalong humiyaw nang makita si Jun Wu Xie.

"Bumalik na kayo sa bahay ng mga aso ninyo at ipoaalam niyo sa mga kasamahan niyo na dadalo ako sa araw ng Spirit Hunt. At dahil kagustuhan niyo ang sumali ako kay apgbibigyan ko ang iyong hiling. Basta huwag kayong magsisisi sa huli." Saad ni Jun Wu Xie habang malamig na nakatitig sa mga disipulo. Ang malamig nitong tinig ay parang isang malamig na patalim na humihiwa sa kaguluhang ginawa ng mga disipulo. 

Nabigla ang mga disipulo sa ginawa ni Jun Xie at nakaramdam ng takot at nang sila ay sasagot pa lamang sa mga sinabi ni Jun Xie, sinalubong sila ng nagyeyelong mata nito. Malamig at matalim ang titig nito sa kanila, tumatarak sa kani-kanilang mga puso. Ang kaninang tapang nila ay naglaho na parang bula. Ang isa sa kanila ay halos hindi makapagsalita sa takot at tumakbo palayo, angh mga bunto ay nasa pagitan ng kanilang mga paa.

Pagkaalis ng mga disipulo sa bakuran, agad na nagtanong si Fan Zhuo "Little Xie, binabalak mong lumahok sa Spirit Hunt? Ano ang ibig sabihin ng mga salita mo kanina?"

Ang Spirit Hunt ay isang engrandeng paligsahan ni isinasagawa ng Zephyr Academy sa tuwing kalahati ng taon. Sa araw ng Spirit Hunt, lahat ng disipulo ng Zephyr Academy ay nagtitipon-tipon at ipinapadala sa Battle Spirit Forest upang manghuli ng Spirit Beasts. Ang paghuhuli ng mga Spirit Beast ay nakakapagbigay ng spirit stones at nahahasa na rin ang mga disipulo sa pakikipaglaban. Ngunit ang Battle Spirits Forest ay napakalawak at kahit libo-libong disipulo ang sabay sabay na pumasok sa kagubatang ito, maikukupara ang mga ito sa iisang butyl ng buhangin sa napakalawak na karagatan. Lahat ng klase ng Spirit Beast ang matatagpuan dito, mula sa mababa hanggang sa mataas na antas, at kung hindi maingat ang isang disipulo, maaring malapa siya at maging hapunan ng mga Spirit Beast. Sa mga nakaraang Spirit Hunt, palaging may disipulo ang nagbubuwis ng buhay sa loob ng Battle Spirits Forest.

Hindi lamang ang mga disipulo ng main division ng Zephyr Academy ang kalahok sa paligsahan. Pati na rin ang mga disipulo na nasa branch division ay maaring sumali sa Spirit Hunt. Ang branch division ang may pinakamaraming nalalagas na disipulo taon-taon.

Sa araw ng Spirit Hunt, ang mga senior na nagtuturo samga bagong disipulo ay kailangang gumabay sa buong panahon ng paligsahan, at dahil dito ayaw ng mga nakatatandang disipulo ang kumuha ng bagong disipulo na tuturuan.

Ang Battle Spirits Forest ay isang delikadong lugar at hindi alam ng bawat isa kung magiging maayos ang kanilang paglalakbay sa loob ng kagubatan at ang makasama ang mga walang karanasan at mahihinang bagong disipulo ay isang hindi magandang ideya.

Si jun Xie man ay may orange spirit, ngunit ang kaniyang ring spirit ay…

Hindi maiwasan ni Fan Zhuo ang titigan ng maiigi ang maliit na itim na pusa na nasa balikat ni Jun Xie.

Nakakatuwang tingnan ang pusa pero pagdating sa pakikipaglaban…

"Masyado ng matagal ang pananatili ko rito, panahon na para bumalik ako sa academy." Lumiit ang mata ni Jun Xie sa sinabi. Marami ang "nag-aasam" sa kaniyang pagbabalik kung kaya naman naisip niya na pagbigyan ang kahilingan nila.

May takot sa mukha ni Fan Zhuo at sinabing "Little Xie, hindi mo kailangan bigyan ng pansin ang mga sibasabi ng ibang tao. Ang kapatid ko at ako ay nakakasiguradong hindi ka ganoong klaseng tao. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo at pwede kang tumira dito hanggang sa kung kalian mo gusto. Ang pananatili mo dito ang nakapagsagip saking buhay. Alam kong kagagawan ito ni Ah Jing pero papabalikin ko na siya sa academy bukas. Ikaw… Huwag kang umalis." Ang boses ni Fan Zhuo ay nagmamakaawa at ang kaniyang mukha ay tila pagod dahil sa mga iniisip.

Ngunit, ibiniling ni Jun Xie ang kaniyang ulo.

"Ang pagbabalik ko ay hindi dahil sa ibang tao, sarili kong desisyon ito."

Si Ah Jing ay naging pain niya lamang. Hindi naapektohan nito si Jun Xie. Narinig niya lahat ng pinagsisigaw laban sa kaniya ng mga disipulong pumarito dalawang araw na ang nakalipas. Bawat sumpa at sigaw nang mga ito ay hinihimok siyang lumabas at magpakita na.

Ngunit kapag bumalik na siya ngayon sa academy, kailangan niyang lumahok sa Spirit Hunt.

Hindi iyon ang gusto ng mga tao?

Pero…

Sa kaniyang pagbabalik, ang mga taong iyon ay hindi dapat magsisi. Pero kahit pa magsisi sila…

Magiging huli na!

avataravatar
Next chapter