602 Pampitong Sampal (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang isa sa mga kilay ni Jun Wu Xie ay tumaas at tumingin kay Ning Xin sa kanyang paghihirap.

Napaupo si Yin Yan sa sahig, hindi makapaniwala. Tinitigan niya si Ning Xin, na parang hindi kilala si Ning Xin.

Ang babaeng ito ba, na parang nasisiraan, ay talagang si Senyor Ning, na naglabas sa kanya mula sa kadiliman?

Ang bawat salitang sinabi ni Ning Xin sa kanyang pagbibintang, ay nagtutulak kay Yin Yan para bumigay.

Sa panahong iyon, nakita ni Jun Wu Xie ang mga mata ni Long Qi at lumapit para dukutin si Yin Yan.

Agad na natauhan si Yin Yan at umatras gamit ang mga kamay at paa niya.

"Hindi ako! Hindi ako! Senyor Ning, bakit mo ito ginagawa? Lagi akong nakinig sa'yo. Ninais mong umikot ako at magkalat ng mga mapangahas na sabi-sabi patungkol kay Jun Xie, at inutusan akong itulak si Li Zi Mu na siraan si Jun Xie, ginawa ko ang lahat ng sinabi mo! Matapos ay inutusan mo akong gamitin ang pangalan ni Jun Xie para siraan si Fan Jin, na ginawa ko rin! Bakit mo gagawin ito sa akin ngayon?! Matapat ako sa'yo!" Napangunahan si Yin Yan ng takot na naramdaman niya noong panahong iyon at sinabi ang lahat ng mga pinautos sa kanya nig Ning Xin.

Natakot siya. Sa Battle Spirits Forest, nawala ang tapang niya. Matapos bumalik sa Akademya, nalaman niyang nawalan siya ng lakas ng loob. Kapag nakikita niya si Jun Xie, na napapalibutan siya ng takot.

Nakatayo si Ling Qi sa kanyang harapan, at nakakatakot siyang tignan. Nakasiguro si Yin Yan na kapag hindi niya pinaglaban ang kanyang sarili, ang higanteng iyon ang papatay sa kanya!

"Ikaw… Ikaw ang nagnais na mawala si Fan Jin, ikaw ang nagnais na mamatay ang mga tao galing sa Hukbo ng Rui Lin at Cloud Treading Peak. Wala akong ginawa. Sinunod ko lang ang mga utos mo."

Alam ni Ning Rui ng mga panahong iyon na tinulak ni Ning Xin ang mga bintang kay Yin Yan, na isang malaking pagkakamali iyon. Ngunit hindi niya ito napigilan at kinapitan na si Yin Yan ng takot at sinabi ang lahat ng nangyari.

Mabilis na namutla si Ning Rui!

Tapos na! Wala na!

Matapos sabihin ni Yin Yan ang lahat, hindi na maliligtas ni Ning Rui si Ning Xin!

Ang mga salita ni Yin Yan ay hindi lang nagdala ng pagputla ng mukha ni Ning Rui at kanyang anak, ngunit muntik na rin nitong mapatumba si Fan Qi, na sinubukan silang ipagtanggol, sa gulat.

"A… Anong sinabi mo… mawala si Fan Jin… Ano ba talaga ang nangyari?!" Tinignan ni Fan Qi si Yin Yan, nanginginig ang kanyang katawan.

Alam ni Yin Yan na wala na silang magagawa ni Ning Xin at kapag tinulungan niya siyang itago ang katotohanan, siya ang mapapatay. Gumapang siya papunta sa tabi ni Fan Qi: "Si Ning Xin! Nainggit siya kay Senyor Fan! Magmula nang matanggap si Jun Xie sa akademya, patuloy niyang kinalat ang mga sabi-sabi tungkol sa kanya. Gusto niyang gamitin ang mga sabi-sabing nakapalibot kay Jun Xie na pabagsakin rin si Fan Jin! Noong Spirit Hunt, nagtipon pa siya ng mga taong nagtangkang pumatay kay Senyor Fan! Punong Tagapagturo! Magsasalita ako! Sasabihin ko ang lahat! Maawa kayo, naloko ako ni Ning Xin! Naniniwala ba kayong magagawa ng isang ordinaryong disipulo tulad ko ang isang brutal na gawain?!"

Tumingin si Fan Qi sa taas, ang kanyang mga mata'y di makapaniwala, habang nakatingin kay Ning Xin.

Masasabing nakita niya ang paglaki ni Ning Xin mula pa ng siya'y isang sanggol hanggang sa kanyang pagdadalaga. Malapit ang edad nila ni Fan Zhuo at kinasal na sila sa murang edad. Sa mga panahing ito, tinuring na anak ni Fan Qi si Ning Xin. Samakatuwid, hindi niya naisip ang mga bagay na ito.

Ang pagseselos ni Ning Xin kay Fan Jin ay naging pagkamuhi, at nagtangka pa siya laban sa buhay ni Fan Jin!

"Little Jin, ang sinasabi ba niya… ay totoo…" Hindi makapaniwala si Fan Qi sa mga nangyayari. Tinignan nalang niya ang kanyang anak na nanatiling tahimik.

avataravatar
Next chapter