598 Pampitong Sampal (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mahigpit na sumagot si Long Qi: "Ang lahat ng nakisama sa pangyayari, at ang lahat ng kasama sa paglutas sa pangyayari. Maaari bang ipatawag ng Punong Tagapagturo ang mga ito?"

Naintindihan na ni Fan Qi. Sa ilalim ng pananakot para mabilis na kumilos, hindi na siya nakipag-usap pa at agad na pinatawag ang lahat ng may kinalaman sa pangyayari.

Ang grupo ng mga taong nagtipon para makita kung ano ang nangyayari ay lumaki at lumaki. Nanood ang lahat ngunit nalayo gawa ng presensya ni Jun Wu Xie at ni Long Qi. Kahit ang marangal na Punong Tagapagturo, na nasa tuktok ng Akademya, ay nakulong ng dalawang ito.

Kilala si Nangong Xu na may matigas na mukha sa Akademya, hindi ngumingiti at hindi malapitan, at ang mga ordinaryong disipulo ay walang lakas ng loob para lumapit sa kanya.

Ngunit ngayon, hindi lang nakangiti si Nangong Xu, nagniningning siya, at napakababa, hindi pa nakikita ng kahit sino sa kanyang mga disipulo!

Nang makita ang matapat na ugali ni Fan Qi at ni Nangong Xu, nakita ng mga disipulo ang katapangan ng Hukbo.

Di nagtagal, ang lahat ng may kinalaman sa pangyayari ay dinala.

Nang makita ng mga disipulo ang mga taong pinatawag, nagulat silang lahat.

Kabilang sa kanila, hindi lang ang mga gurong inatasan ng kaligtasan noong Spirit Hunt ang pinatawag, ngunit pati si Ning Xin, Yin Yan, Fan Jin, at ang Pangalawang Punong Tagapagturo ay pinatawag!

Isang enggrandeng pagtitipon ng mga pili!

"Maliban sa mga pinatanggal, may apat pa na disipulong galing sa branch division na papunta dito. May isa pang disipulong… walasa akademiya ngayon." Sinubukang ipaliwanag ni Fan Qi haang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo.

Ang nawalawa, ay si Jun Xie na tinanggap ni Gu Li Sheng kahapon. Ngunit nang ipahanap niya siya, nalaman nilang nagpaalam si Jun Xie kay Gu Li Sheng at wala sa akademya ngayon.

Hindi sinagot agad ni Long Qi si Fan Qi ngunit huminto at tumingin kay Jun Wu Xie. At matapos tumango si Jun Wu Xie, sumagot na si Long Qi: "Pwede na ito."

Palihim na nakahinga si Fan Qi.

Namumutla ang mukha ni Ning Xin, at ang kanyang mga mata ay wala sa sarili. Hinayaan niya ang sarili niyang madala ni Yin Yan, para tumayo kasama ang grupo. Sa pagtingin sa kanyanga kalagayan, halata na hindi pa siya nakakabawi mula sa pagkakataob niya kahapon at pinilit pa siya para sumama.

Ramdam parin ang kawalan niya ng lakas, tinaas niya ang kanyang tingin sa kanyang harapan. Nang makita niya ang anyo ni Long Qi, tumalon ang kanyang puso.

Nagpunta talaga ang Hukbo ng Rui Lin dito?!

Napatingin si Ning Xin kay Ning Rui nang kumalat ang takot sa kanyang katawan. Ang alam niya'y naayos na ng kanyang ama ang mga pangyayari at hindi niya inasahang dadalhin siya dito.

Tinignan ni Ning Rui si Ning Xin ng may-paninigurado at nakatulong iyon sa pagpapakalma kay Ning Xin.

"Se… Senyor Ning… Ano… Ano nang gagawin natin?" Takot na takot si Yin Yan na parang halaya na ang kanyang mga binti.

"Anong kinatatakutan mo? Kasama ang aking ama, wala tayong katatakutan. Nagamit na sila Lu Wei Jie at ang mga kasamahan niya at sila ang nagpasan ng sisi. Hindi ilalabas ng Hukbo ang kanilang sama ng loob sa dalawang kabataang tulad natin."

"Ngunit… ngunit.."

"Walang subalit! Malapit ang Punong Tagapagturo sa aking ama at sigurado akong ipagtatanggol niya tayo. Malakas nga ang Hukbo ng Rui Lin, ngunit maliit lang ang Kaharian ng Qi. Kailangan ko bang ipaalala sa iyo na marami nang disipulo ang nagaral sa ilalim ng aking ama at ng Punong Tagapagturo at ang mga disipulong iyon ay naglilingkod ngayon sa malalakas na bansa. Kahit na balewalain ng Hukbo ng Rui Lin ang reputasyon ng Akademya, kailangan nilang isipin ang disipulo ng Punong Tagapagturo at ng aking ama. Wala silang mapapala sa kanilang paghabol sa mga nangyari." Sinabi ni Ning Xin sa nanliliit na mga mata, sinusubukang pagaanin ang loob ni Yin Yan, ngunit parang sa sarili niya ito sinasabi.

Tama nga si Ning Xin sa kanyang pagbasa. Ang Akademya ay walang magagawa, ngunit ang mga disipulong nakatanggap sa pagtuturo ng Punong Tagapagturo at ni Ning Rui sa nakaraan ay naglilingkod na ngayon sa makakapangyarihang mga bansa. Kung ang mga pinaglilingkuran nila ay nakita nilang pinahiya, ang mga disipulong dati'y nag-aral sa Akademya ay ipaglalaban ang kanilang mga tagapagturo.

avataravatar
Next chapter