596 Pampitong Sampal (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maaaring maliit lang ang Kaharian ng Qi, ngunit ang pagkakakilala sa hukbo ng Rui Lin, ay alam ng maraming kaharian!

Kilala bilang pinakamabangis na hukbo, lumitaw sila sa harap ng Akademyang Zephyr. Bakit sila nandito?

"Nang umalis si Senyor Lu, hindi ba niya sinabing… nagtangka… si Senyor Ning… na patayin ang isang heneral mula sa .... Hukbo ng Rui Lin?" Isang mabilis magisip na kabataan ang nakaalala sa sinabi ni Lu Wei Jie, bago siya umalis.

Sa araw na umalis si Lu Wei Jie ay pinaalis mula sa Akademyang Zephyr, ang sinabi niya ay nagdulot ng malaking kaguluhan at sinira nito ang reputasyon ni Ning Xin noon. Ngunit ang balita na pinatay ni Jun Xie si Li Zi Mu ay mas napansin sa mga pagtuturo kay Ning Xin noon at nakalimutan ang mga ito. Sa paglitaw ng hukbo ng Rui Lin, ang mga pangyayaring malapit na nilang makalimutan, ay biglaang bumalik at nagsimula nanaman ang mmga sabi-sabi.

[Ibig sabihin ba nito'y totoo ang lahat ng sinabi ni Lu Wei Jie?]

Nagmadali si Fan Qi papunta sa pasukan ng akademya. Nang nakita niya ang kabuoan ng hukbo ng Rui Lin, kinabahan siya at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.

Sa gitna ng mga nakapulong na mandirigma, hindi mapigilan ni Fan Qi na mapansin ang isang anyong kakaiba, isang dalagang nakaupo sa isang kabayong pandigma sa harapan, katabi si Long Qi, na mayroong nanglulupaypay na presensya. Ang pagkatao ng dalagang ito ay tunay na kakaiba!

"Hindi ako nasabihan sa pagdating ni Heneral Long Qi at humihingi ako ng tawad sa bagal ng aking pagbati. Nais kong papasukin ang aming mga mararangal na bisita para mag-usap." Pinipilit ni Fan Qi na magpakita ng pagkahinahon. Magmula nang matapos ang huling Spirit Hunt, alam niyang darating ang kakila-kilabot na araw na ito. Ang rason ng kanyang pagpayag sa agad na pagpapaalis kay Lu Wei Jie at mga kasama niya ay para maibaba ang galit ng hukbo ng Rui Lin at ni Mu Chen.

Tumango si Long Qi at nagtaas ng isang kamay. Mahigit isang-daang sundalo sa lokod niya ang humila sa kanilang mga renda at tumayo ng deretso ang mga kabayo nila.

Ang katumpakan at pagkakasabay-sabay sa mga kilos ng mga sundalo ang nagdulot ng pagkamangha ng mga disipulong nanonood, at ang kanilang mga dugo'y kumulo.

Nasa edad ang mga disipulo na ang kanilang kabataan ay pinakamataas. Alin sa mga kabataang ito ang hindi hahanga sa napakahusay na grupo ng mga sundalo?

Bumaba si Long Qi mula sa kanyang kabayo at inalalayan ang maliit na dalagang makababa.

"At ito ay…" Tinignan ni Fan Qi ang malamig na dalaga.

"Ang Binibini ng Palasyo ng Lin, si Jun Wu Xie." Tumayo ng deretso si Long Qi at sinabi sa isang enggrandeng boses.

[Siya ang Binibini ng Palasyo ng Lin!]

Ang pilit na pagkukunwari ni Fan Qi ay nagkaroon ng kaunting sira sa gulat. Sumusunod lang ang hukbo ng Rui Lin sa pangulo ng Kaharian ng Qi, si Jun Xian. Ang Emperador ay walang kapangyarihan sa hukbo ng Rui Lin at tumatanggap lang sila ng utos mula sa pamilya ng Jun. Maaaring bata pa si Jun Wu Xie, at babae pa siya. Ngunit ang 'Jun' na nasa kanyang pangalan, ay nagsasabi kay Fan Qi na may kapangyarihan siyang utusan ang hukbo ng Rui Lin dito!

Hinahangad sana ni Fanqi na balewalain ang mga pangyayari, ngunit hindi na niya napigilang mag-alala. Ngayong isang miyembro ng mga Jun ang nagpunta dito, alam niyang hindi agad maaayos ang mga pangyayari!

Ang lahat ng disipulo na nanonood, nang marinig ang mga salita ni Long Qi, ay nanlaki ang mga mata, sa maganda at nakakabighaning babae, na mukhang mas bata sa kanilang lahat, buhat ng gulat nila.

Makikita na bata pa siya, ngunit ang ere na nakapalibot sa kanya ay magdudulot sa pagkalimot ng mga tao sa kanyang edad. Kahit sa kanyang pagtayo sa gitna ng hukbo, hindi siya nagpakita ng kahinaan. Ang kanyang malamig na ekspresyon ang hindi nagpabaya na hindi pansinin ng mga tao ang kanyang presensya.

Pinagmukha nitong, pinanganak siya para pangunahan ang mabangis na hukbo!

Ang lahat ng disipulo ay nabighani parin ng magandang dalaga na iyo at hindi nila magagawang dumihan ang gandang iyon. Binaba nila ang kanilang mga ulo at hindi tumitig kay Ju Wu Xie.

"Ah, ang Binibini ng marangal na Pamilya ng Jun, patawarin ninyo ako sa pagkahuli ng aking pagbati sa isang kilalang bisita." Sinabi ni Fan Qi ng may kakaibang ngiti, nakakapit parin ang gulat sa kanyang puso.

Tinitigan ni Jun Wu Xie si Fan Qi: "Hindi na kailangan. Nandito ako ngayon para humingi ng hustisya para sa aming hukbo. Nangako ang Akademyang Zephyr na magbigay sa aking hukbo ng kasiya-siyang sagot. Ang nais kong malaman ay kung may ginawa na ang Punong Tagapagturo patungkol sa mga nangyari?"

avataravatar
Next chapter