603 Pampitong Sampal (10)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinuyom ni Fan Jin ang kanyang panga at tinignan si Fan Qi, at dahan-dahang binaba ang kanyang ulo ng walang sinasabi.

Ang kanyang katahimikan, ay nagsigaw ng sagot kay Fan Qi!

Isang kidlat ang tumama sa isipan ni Fan Qi noon, at ang kanyang katawan ay nanlambot. Nagmadali si Fan Jin na alalayan ang kanyang ama.

"Aking Munting Xin… Paano mo nagawa iyon… Bakit…" Parang mababasag ang puso ni Fan Qi habang tinitignan si Ning Xin, at namula ang kanyang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ni Ning Xin sa takot. Hindi niya inakalang magkakaganito ang mga bagay. Hindi niya inakalang si Yin Yan, na laging sumunod sa kanyang mga utos, ay tatalikuran siya ngayon, at sinabi pa ang lahat ng kanyang mga ginawa.

Dumating na ang mga bagay sa lagay na kahit pa hayaan siya ni Jun Wu Xie, si Fan Qi ang tatapos sa kanya. Bukod pa dito, ang lahat ng disipulo ng Akademya ay nakatingin sa kanya ng may pandidiri...

Tapos na…..

Wala na…..

Lahat ng pinaghirapan niya, ay nawala sa panahong iyon.

Ramdam niya ang paggunaw ng kanyang mundo, at tumingin kay Ning Rui.

Ang nakita niya sa mga mata ni Ning Rui, ang nagdulot sa kanya ng kawalan ng pag-asa.

Ang kanyang ama…

Ay nagpasyang iwan siya!

Tama. Wala na siyang kawala. Noong sinabi ni Yin Yan ang lahat, nawalan na siya ng pagkakataong makatakas ng buhay.

Ang maling unang hakbang, ay magpapahirap sa mga susunod na hakbang…

Kung hindi niya ginamit si Jun Xie para pabagsakin si Fan Jin, hindi sila kamumuhian. Sa ganon, hindi rrin mahihirapan ang grupo ni Fan Jin sa pagtanggap ng mga disipulo para sumama sa kanila at hindi na nila kakailanganing sumama sa mga purple spirit na nakatago sa branch division.

Sa wakas, hindi na sana sila dumating sa eksena kung saan tinangka niyang patayin ang mga sundalo ng Hikbo ng Rui Lin.

Kung hindi naghanda ang kanilang grupo, naubos ang mga sundalo sa pag-atake ng Guardian Grade Spirit Beast, ang mga nangyari noong araw na iyon ay hindi malalaman, at nanatili siyang Senyor Ning na hinangaan at pinuri ng iba pang disipulo…

Sumuko na si Ning Xin sa paglaban niya, ngumiti siya ng mapait sa kanyang pagkatalo.

"Dahil ganito na ang pangyayari, ano pa ang masasabi ng mga Punong Tagapagturo?" Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo para tanungin si Ning Rui at Fan Qi.

Pinikit lang ni Fan Qi ang kanyang mga mata at wala nang sinabi. Nasaktan parin siya sa mga ginawa ni Ning Xin.

Nangitim ang mukha ni Ning Rui. Biglaan siyang lumapit ng nakataas ang kanyang kamay, at sinampal si Ning Xin sa kanyang mukha!

"Kalapastangan! Ang paggawa mo ng kawalang-hiyaang ito! Ako, si Ning Rui, ay wala nang kasuklam-suklam at walang hiyang anak!"

Linagyan ni Ning Rui ng maraming lakas ang sampal niya. Ang dulo ng bibig ni Ning Xin ay nabiyak at may dugo na dumaloy sa kanyang baba. Bumakat ang isang pulang palad sa kanyang pisngi, at winasak ng sampal na iyon ang anumang pag-asang kinakapitan niya.

"Binibining Jun, nagkamali ako sa pagpapalaki ko sa aking anak, at naging sanhi ito ng pagdulot niya ng malaking pinsala sa iyong tauhan. Magmula ngayon, hindi ko na anak si Ning Xin, at pwede ninyong gawin ang anumang nararapat para sa kanya!" Lumapit si Ning Rui kay Jun Wu Xie.

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie habang pinapanood ang mga kilos ni Ning Rui, at may lamig na nangislap sa kanyang mga mata.

Matapang iyon na tangka na makatayo habang sumusuko!

Kung ibang tao ang nakakita sa ugali ni Ning Rui, at sa pagdurusa ni Ning Xin, maaaring lumambot ang taong iyon at sampalin lang ang pulso ni Ning Xin.

Ngunit…..

Hindi nagustuhan ni Jun Wu Xie na kumilos ayon sa mga nakagawian.

"Dahil nagdesisyon na ang Pangalawang Punong Tagapagturo, ibabalik ko ang iyong grasya sa pagsunod sa iyong sinabi." Mayroong masamang ngiti na nabuo sa bibig ni Jun Wu Xie.

"Long Qi!"

"Nandito!"

"Ikulong niyo si Ning Xin sa ilalim ng batas militar!" Inutos ni Jun Wu Xie, at sa isang pitik ng kanyang maliit na kamay, hinitsa niya si Ning Xin, na takot na takot na, kay Long Qi.

Agad na dinukot ni Long Qi si Ning Xin sa balikat at sumagot: "Masusunod!"

Lumubog ang puso ni Ning Rui nang marinig ang mga salita ni Jun Wu Xie. Susubukan pa sana niyang iligtas si Ning Xin, ngunit hindi niya na inasahan ang kakaibang sagot ni Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter