594 Pampitong Sampal (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos malaman na napilitan lang si Gu Li Sheng na tanggapin sila bilang disipulo, linasap parin ng mga kabataan ang kanilang pagkatao bilang mga disipulo ng pakultad ng mga Spirit Healer at gagawin ang lahat para mapanatili ang kanilang posisyon.

Nagaatubili silang mawala ang mga ito.

"Pat… Patawad… Tanga kami noon at naniwala sa mga sabi-sabing iyon. Sana makita mo paring mapatawad kami! Patawarin mo kaming lahat!" Ang mga kabataan ay yumuko at nagmakaawa kay Jun Xie.

Ang mga disipulo sa likod niya ay yumuko rin.

Sinulyapan sila ni Jun Wu Xie, at walang sinabi, bago magpatuloy sa kanyang paglalakad.

Naghintay ang mga kabataan sa kanilang mga kinatatayuan ng nakayuko at walang nakuhang sagot. Nang itaas nila ang kanilang mga ulo, nakita nilang nakalabas na si Jun Xie at hindi sila pinansin! Gumunaw ang mga mundo nila at naiyak sa kawalan na paparating.

"Ano… anong gagawin natin… Hindi na ba niya tayo.... papatawarin?" Nagkumpulan ang mga kabataan at umiyak, inisip ang eksena ng pagpapaalis sa kanila mula sa pakultad.

Walang alam si Jun Wu Xie patungkol sa kagipitan ng ibang disipulo at pabalik na sa aserang kawayan.

Sa kanyang pagbalik, maraming mata ang sumusunod sa dahan-dahang naglalakad na maliit na anyo. Ang bawat isa sa mga titig na iyon ay wala nang pangungutya, kundi takot at pagkahiya.

Pag nakikita si Jun Xie ngayon, naaalala nila ang kahihiyang naramdaman nila nung umaga nang sinampal silang lahat ni Gu Li Sheng at ni Fan Qi, at wala sa kanila ang naglakas ng loob na lumapit kay Jun Xie.

Habang tinatago ang kanilang mga mukha sa hiyang nararamdaman nila, nagtago ang mga disipulo na parang mga daga sa mga sulok. Sa mga nakakasalubong naman ni Jun Xie, biglaan silang iniiwan ng lakas ng kanilang mga binti at nagmamadaling tumabi pag nakikita ang anyo na maliit.

Hindi napansin ni Jun Wu Xie ang mga ito, at patuloy lang sa kanyang paglalakad.

Sa loob ng aserang kawayan, masayang kinukwento ni Fan Jin ang mga pangyayari noong umaga kay Fan Zhuo. Namumula ang mukha ni Fan Jin at hinahabol niya ang kanyang hininga, may pagnanais na ulitin ang buong eksenang nangyari sa plasa noong umagang iyon.

Ngumiti si Fan Zhuo ng walang sinasabi, ngunit ang kanyang mga mata ay nagniningning sa tuwa.

"Hee hee… Nakita mo sana. Nakakaagaw hininga! Naaalala mo iyong masungit na guro, si Qian Yuan He? Sa pakultad ng Beast Spirit? Pinagkakalat niya dati ang mga pagkakamali ni Jun Xie. Ngayon, ang mga salita ni tito Gu ay nagdulot sa kanya na muntik na basagin ang kanyang ulo sa pader sa hiya… Ha ha ha…" Natuwa ng husto si Fan Jin habang nagkukwento. Biglaan siyang nagdala ng dalawang malalaking garapon ng alak para ipagdiwang ang kanyang galak ngayong araw.

Maliban kay Jun Wu Xie, ang pinakamasaya sa mga pangyayari ngayon ay si Fan Jin.

Sa malungkot na mga panahong iyon, naghirap si Jun Xie sa mga pagsumpa sa kanya. Ngunit si Fan Jin, na binigay ang lahat ng kaya niya para ipagtanggol si Jun Wu Xie habang kasangkot sa katotohanan ay nahirapan ring magpigil sa kanyang sarili.

"Little Xie, nakabalik ka na!" Nang makita ni Fan Jin si Jun Wu Xie, napatalon siya at muntik matumba sa kanyang biglaan na pagtayo. Inabot naman ni Fan Zhuo ang kanyang kamay para tulungan ang kanyang kapatid.

Umupo si Jun Wu Xie sa mesa at tumingin sa hindi makatayo ng deretso na si Fan Jin.

"Ngayon, nagawa talaga nating… patahimikin ang mga walang hiyang iyon *hic*..." Hindi halos maintindihan ang mga sinabi ni Fan Jin habang siya'y napaupo sa kanyang upuan.

Napatingin nalang si Fan Zhuo kay Jun Xie at walang nagawa.

Magmula nang tumulong si Fan Jin, hindi siya tumigil sa pagkkwento, pati na rin ang kanyang tasa, na madalang nahiwalay sa kanyang mga labi, para mapakita ang kanyang kasiyahan ngayong araw.

Hindi umiinom si Jun Wu Xie at si Fan Zhuo at pinanood lang si Fan Jin sa pagubos niya sa dalawang malalaking garapon. Di tumagal, lasing na lasing si Fan Jin at bumagsak sa mesa, nakatulog ng humihilik.

"Masayang-masaya ang aking kapatid." Ngumiti si Fan Zhuo habang tinitignan ang kanyang lasing na kapatid. Alam niya sa kanyang puso, na talagang masaya ang kanyang kapatid ngayon.

"Kailangan kong umalis ng ilang araw." Biglaang sinabi ni Jun Wu Xie.

Nagulat si Fan Zhuo sa biglaang balita.

avataravatar
Next chapter