843 Pambibintang (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Siguro ay may malaking galit si Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue, kung wala, bakit gusto niya itong patayin?

"Hindi mo ginawa. May ibang gumawa non at sa'yo isisisi." Biglang sabi ni Fan Zhuo.

Tumango si Jun Wu Xie. "Ni hindi ko nga siya nahawakan. Bago ko pa man siya atakehin ay natumba na siya." Mabilis ang kaniyang kilos at nakalapit nga siya kay Qu Ling Yue. Sa mata ng lahat, mukha ngang inatake na niya si Qu Ling Yue gamit ang mabilis niyang kilos.

Ngunit walang nakakaalam ng totoong nangyari maliban kay Jun Wu Xie mismo.

Nahulog sa malalim na palaisipan sina Qiao Chu dahil sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie. Nung una ay naisip nilang baka may ginawa si Qu Ling Yue laban kay Jun Wu Xie. Ngunit sa sinabing iyon ni Fan Zhuo at Jun Wu Xie, natauhan sila.

Kung gusto talagang gumanti ni Jun Wu Xie laban sa isang tao, hindi niya iyon gagawin na kukuha sa atensyon ng lahat. Halos hindi nga nito ilalabas ang tunay niyang intensyon. Higit sa lahat, hindi ito papatay na walang paghahanda.

Kung iisipin ng mabuti, ang insidente kay Qu Ling Yue ay hindi istilo ni Jun Wu Xie.

"Kilala mo na ba kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to?" Tanong ni Hua Yao.

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Kung hindi ang Emperor, walang iba kundi ang Fourth Prince. Tinanggihan ko pa lang ang imbitasyon niya. Sa ugali nitong arogante, hindi niya iyon basta-bastang papalampasin. Para ikulong nila ako, sigurado akong marami pang susunod na mangyayari."

Iniisip niya ano pa ang kayang gawin ng Emperor at Fourth Prince.

"Wala sa isip ko ang lumabas dito sa ngayon. Fei Yan, tulungan mo akong manmanan ang paligid ni Qu Ling Yue. Hindi sila mangangahas na may mangyaring masama sa kaniya." Walang sinuman ang gustong gumalaw kay Qu Ling Yue dahil sa pangalang dala nito. Ang dahilan kung bakit ginamit nila si Qu Ling Yue ay una, dahil si Qu Ling Yue ang susunod niyang kalaban at pangalawa, gusto nilang gamitin ang Thousand Beast City.

Kung sa ibang bata nangyari ang insidenteng ito, madali lang iyong masolusyunan at hindi aabot sa ganito.

"Kailangan ba natin ang tulong ni Lei Chen?" Tanong ni Qiao Chu.

"Sa sitwasyong ito, hindi makakasali si Lei Chen. Sa tingin mo, bakit nila ginamit si Qu Ling Yue? Bilang Young Miss ng Thousand Beast City, kung may mangyayari sa kaniya, ang mga tao sa Thousand Beast City ay siguradong makikisali. Si Lei Chen ang Crown Prince ng Yan Country at hindi siya pwedeng masangkot dito. Higit sa lahat, hindi siya bibigyan ng Emperor ng pagkakataong makisali." Kalmadong paliwanag ni Jun Wu Xie. Kung may magagawa si Lei Chen sa sitwasyon, hindi siya nakaupo dito ngayon.

"Nababaliw na ba ang Emperor? Kailangan niya talagang makipaglaro ng madumi? Hindi ba't pareho niyang anak si Lei Chen at Lei Fan? Huwag mong sabihing hindi niya tunay na anak si Lei Chen?" Muling nagsalita si Qiao Chu. Isang masamang ngiti ang naglalaro sa labi nito.

Parehong hindi tunay na anak ng Emperor ang dalawang iyon. Kung malalaman ito ng matandang 'yon, baka mamatay siya sa galit.

"Kung alam niya lang, patay na si Lei Chen ngayon." Sagot naman ni Jun Wu Xie. [Kailan ba magkaka-utak ang batang 'to?]

Gusto ng Emperor na bumaba si Lei Chen sa posisyon nito bilang Crown Prince, pero hindi nito gustong patayin ang lalaki. Pero sa isang banda, iba ang nasa isip ni Lei Fan." Isang beses pa lang nakaharap ni Jun Wu Xie si Lei Fan. Ngunit sa isang beses na iyon, nabasa na niya ang ugali nito at malayong-malayo iyon sa normal na tao. Hindi niya nga diretsong tinanggihan ang imbitasyon nito, pero ang sumunod na nangyari ay heto siya sa kulungan.

Mabilis siyang kumilos.

Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie at bumakas ang hindi mailarawang emosyon sa mukha nito.

avataravatar
Next chapter