840 Pambibintang (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Tournament sa lahat ng battle district ay umabot na sa final round. Sa first battle district, ang dalawang final contestants ay si Jun Wu Xie at Qu Ling Yue.

Kahit na malakas si Qu Ling Yue, mas malakas pa rin ang spirit power level ni Jun Xie. Ang resulta ng final match na ito ay naging sentro ng atensyon ng lahat. Ang mananalo ay magkakaroon ng posisyon sa top ten ranks ng Spirit Battle Tournament. Ang mga matatanggap ng mga nasa top ten ran sa Spirit Battle ay labis na hinahangad ng lahat.

Ngayon ay lahat ng contestant ng first battle district ay nagpunta sa arena. Lahat sila ay sabik na masaksihan ang final battle.

Siyempre, gusto rin nilang masaksihan ang proseso. Dahil sa green spirit ni Jun Xie, alam nilang lahat na mangunguna ito. Maging si Qu Ling Yue ay hindi ito magagawang pantayan.

Subalit...

Lahat ng nakalaban ni Jun Xie ay hindi nakaligtas sa unang atake nito. Mas mababa ang kakayahan ni Qu Ling Yue kay Jun Xie at gustong makita ng lahat kung mas matatagalan nito kahit papano ang lakas ni Jun Xie...

Kahit papano...

Hindi pa nagsisimula ang laban at ang arena ay puno na ng tao. Dumating na si Jun Xie at Qu Ling Yue at ngayon ay naglalakad na papunta sa stage. 

Ang magandang si Qu Ling Yue ay nakatingin sa batang nasa kaniyang harapan, ngunit hindi ito nangahas na tumingin ng diretso sa mata ng kaniyang makakalaban. 

Kalmadong tumayo si Jun Wu Xie sa battle stage at hindi na bago sa kaniya ang reaksyong pinapakita ni Qu Ling Yue. Ang magandang babaeng ito ay laging nagtatago tuwing magtatagpo sila. Lagi siya nitong iniiwasan. Pero nararamdaman ni Jun Wu Xie na hindi isang panganib si Qu Ling Yue.

Ilang sandali lang ang lumipas at tumunog na ang bell, hudyat na simula na ng laban. Lahat ng mata at atensyon ay nakatuon sa battle stage.

Nilabas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kapangyarihan habang si Qu Ling Yue ay inilabas ang kapangyarihan sa kaniyang mga palad.

Bigla ang pigura ni Jun Wu Xie ay naglaho sa battle stage! Ang bilis nito ay katulad sa mga naunang laban nito.

Nagulat si Qu Ling Yue, sinusubukan nitong hanapin ang pigura ni Jun Xie ngunit imposible iyon. Sa oras na iyon, pinanghinaan siya ng loob dahil sa pagkakaiba sa kanilang spirit power level!

Ang maliwanag na berdeng ilaw ay nasa tabi na ni Qu Ling Yue. Ilang segundo lang ay nagsuka ito ng dugo. Ang payat nitong katawan ay bumagsak sa lupa!

Nawala ang spirit powers sa kamay ni Jun Wu Xie at agad na lumapit sa tabi ni Qu Ling Yue.

"Anong nagyari?!" Ang lahat ay nagulat. Ang announcer ay nagmadaling lumapit sa stage para suriin ang kondisyon ni Qu Ling Yue. Namumutla ang mukha ni Qu Ling Yue at nagpatuloy sa pagsusuka ng dugo. Kumikislap ang matingkad na kulay ng dugo at kumalat ang amoy nito sa arena.

"Jun Xie! Tatalunin mo lang ang kalaban mo sa tournament na ito! Hindi mo ba alam 'yon?!" Agad na lumapit ang announcer kay Qu Ling Yue para tulungan ito. Galit na galit ang itsura nitong tumingin kay Jun Xie. Mayroong pangalang pinanghahawakan si Qu Ling Yue at kung may mangyari dito sa Spirit Battle Tournament, hindi sila papalagpasin ng mga taga-Thousand Beast City.

Nanatiling nakatayo sa isang tabi si Jun Wu Xie at lukot ang mukha habang nakatingin kay Qu Ling Yue. Mas lalo itong namumutla habang tumatagal.

Walang nakakaalam na hindi pa siya umaatake bago bumagsak si Qu Ling Yue. Simula't-simula pa lang hindi niya pa ito ginagalaw.

Nag-ingay ang buong battle arena. Agad na ipinadala si Qu Ling Yue para gamutin. Habang ang lahat ng nasa arena ay takot na nakatingin kay Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter